I LIKE YOU
"In life, there aren't many days when things go your way. There are more days when it didn't go my way, will today be another one of those days? I am pretty worried . . ."
*****
Tumigil ako pagwawalis ng classroom nang dumaan ang ilang membro ng dance troupe. Tumingon ako sakin relo at nakitang alas sais na pala. Nagdesisyon akong madaliin ang trabaho ko para makauwi narin ako.
Dala-dala ang gamit ang pang-linis, marahan kong sinarado ng tuluyan ang classroom at nagtungo sa hagdan pababa ng second floor, nandun kasi ang nakalocate ang stuckroom. Nang may nakita akong janitor, doon ko nalang binigay sa kanya ang gamit since du' n naman siya tutungo.
Dumiretso ako sa locker room. Habang naglalakad ako sa corridor, nakarinig ako ng malakas na hiyawan mula sa kabila. Hindi ko alam kung puro taga-dance troupe din ang nasa kabila. As what' ve know kapag ganitong oras na, taga-dance troupe nalang ang naiwan sa school dahil may praktis pa sila. As usual.
Pagkarating ko sa locker room, agad kong binuksan ang akin at nilagay lahat ng libro ko. Kinailangan kong magmamadali baka mapapagalitan naman ako ng magulang ko. Akmang isara ko sana ang locker nang may nahulog na parang liham.
My jaw dropped when I noticed a familiar penmanship from the writing. Dahan-dahang yumukod ako at kinuha ang letter sabay agarang binuksan ito.
"Meet me on room 401 at 5:00 pm . . ." Napatingala ako dahil nagdadalawang-isip ako kung pupunta ba ako o hindi pero baka magalit sakin si Sir kaya pupunta nalang ako.
Wala sa sariling kumaripas ako ng takbo nang namalayan kong lagpas na pala alas cinco ang oras. Hindi ko napansing dalawa' t kalahating oras na pala siyang naghintay sakin. Pagkarating ko sa fourth floor, halos mawalan na ako ng hininga sa sobrang bilis ng takbo ko. Umupo muna ako sa katapat na bench ng ilang sandali bago tumayo muli.
Hanggang ngayon nagdadalawang-isip pa akong pumasok, baka kasi wala na sa loob ng room ang gustong makipag-usap sakin, baka iniwan nalang niya ako dahil hindi ako tumupad sa usapan.
I took first a deep breath before deciding to open the door. I moved it inside and saw how dark the room is, sobrang dilim ng paligid kaya nagpasya akong hanapin ang switch ng ilaw.
Pagkabukas ko, I saw nothing. Tanging isang lalaki lang na nakatalikod sakin habang nakaupo ito sa nag-iisang silya sa silid. Ngayong nasa harap ko na siya parang gusto ko mag-back out at umuwi nalang sa bahay, sigurado akong nagugutom na ang alaga kong pusa na si Kuru pero may parte parin sakin na kailangan kong pumasok at tawagin ang pangalan niya.
"J-justine? . . ."
Dahan-dahang humarap sakin ang lalaki habang hawak niya ang isang bouquet ng bulaklak. For once, my heart skipped a beat hindi dahil kinikilig ako sa ginawa niya kundi nasaktan ako. Stupid Karen! Sana umuwi ka nalang at nakikinig ng frustrated songs ng DAY6.
Marahang lumapit sakin at lalaking ilang bese ko nang nakita sa stage. Justine M. Salvarez, a popular member of our campus dance troupe at naguguluhan ako kung bakit nagkagusto sakin ang lalaking 'to.
"Hi! I' m Justine Mercado Salvar--"
"Yeah, kilala kita. May sasabihin ka ba sakin?" This may sound rude pero alam ko kung saan hahantong ang confession na 'to. Kinakabahan ako kung tama ba 'tong sinasabi ng instinct ko.
"Gusto kita . . ."
"A-ano?" Gosh! Totoo nga ang bulong ng instinct sakin.
"I like you, Karen Castello. Will you be my girlfriend? . . ." He showed me his signature bear smile.
Biglang nagsigawan ang buong paligid habang sabay din nagliparan ang mga salampati sa bawat sulok ng silid. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Although tama ang sinabi ng guts ko, pero hindi parin ako makapaniwala na lumabas ito mismo sa bibig niya.
Napatingin ako sa paligid at nakitang maraming estudyante ang pumapalibot samin. I close my eyes at nag-iisip ako kung anong isasagot ko sa kanya. I do like you, Justine but not in a romantic way. . . More like, in a very appreciative way. I like how you dance, the way you sang, and play the piano pero iisa lang isasagot ko sa' yo.
"I' m so sorry, I don' t have time for this bullshit . . ." Hindi ko na nilingon siya at tumakbo nalang ako ng mabilis paalis ng fourth floor. Pag-alis ko rito, sigurado akong kakalat ang balitang 'to sa buong campus.
I can' t take this, siguradong mapapagalitan ako ni Sir kapag nalaman niya ang pangyayaring 'to.
-- The End --
"I like you, I tried holding it back but I can't anymore. Now I can tell you, I want to love you . . ."
- (I Like You, DAY6)