24. 예뻤어 You Were Beautiful

20 11 4
                                    



YOU WERE BEAUTIFUL


"What I'm saying right now doesn't mean that we're starting up again, I'm just bringing back the remaining memories of you . . ."


*****


"Babalikan kita Reinafel. Babalikan talaga kita . . ."

Namulat ako bigla sa kasalukuyan dahil sa boses na bumabagabag sakin, anong nagyari sakin? Ba' t bigla nalang siya bumabalik? Sinapo ko ang aking ulo sabay marahang niyugyog si Morris nang magsimula siyang umiyak nuli.

"Rei, okay ka lang?" Biglang sumulpot sakin harap ang asawa ko habang nagto-toothbrush pa talaga siya.

"O-okay lang ako, bumalik ka nga sa banyo." Sita ko sa pero tinawanan niya lang ako bago nagpunta pabalik sa banyo.

Nagpasya akong dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig. Pagkarating ko, pinaupo ko muna sa island ang anak ko nang tumigil na siya sa pag-iyak. Binuksan ko ang fridge para kunin ang pitsel at nagsalin ng tubig sa baso. Huminga ako ng malalim matapos akong makainom ng tubig at humarap sa anak ko.

Ano bang nakakapagbagabag sakin ngayon? May nalilimutan ba akong alaaala? Ang mga katagang 'yon, ba' t ngayon lang bumalik sa isipan ko?

Napabalik ako sa wisyo nang lumapit si Kwinerez kay Morris sabay kinarga ito kahit nakasuot na siya ng pang-opisina. Lumingon sakin si Kwin at ngumiti siya ng matamis. Tumibok ng malakas ang puso ko nang nasaksihan ko ulit ang nakakamatay niyang gummy smile.

Sa totoong lang, masaya na talaga ako sa pag-aasawa namin ni Kwin. Although hindi naman maiiwasan ang pag-aaway namin pero agad din naman kami mag-batian, kaso there are times na biglang sumakit ang ulo ko tuwing naglalambingan kami ni Kwin and the most crucial part was when that certain night Kwin asked me na buntisin niya ulit ako after mag-isang taon si Morris, at nung mangyari na dapat ang kasunduan namin ni Kwin biglang sumakit ang ulo ko ng sobra at hindi ko kinaya ito. Hindi natuloy ang plano namin dalawa at ngayo' y halos magto-two years old na si Morr, wala parin siyang kasunod.

Lumapit sakin ang asawa ko. He let me carry his son tapos hinalikan ako sa pisnge. "I' m going to the office now, Rei." He kissed me again, now on my forehead at tuluyang umalis sa condo. I heaved a deep sigh at nagpasyang magtungo sa mini study room para tingnan kung naka-online na ang mga estudyante ko sa english class.

Dahan kong pinahiga si Morr sa sofa habang mahimbing na ang tulog niya pagkapasok namin. Agad akong lumapit sa pc at binuhay ito. Akmang bubuksan ko sana ang google nang may natanggap akong email pag-upo ko palang sa harap ng pc. I was hesitant at first kung bubuksan ko ba o hindi but then I decided to opened it, baka isa 'to sa mga student ko.

Napatigil ako ng ilang sandali nang mabasa ko ang sender ng email. " ChrisCrosszzz21@gmail.com . . ." Bulong ko. I softly clicked the message icon at tumambad sakin ang isang video clip, sabi ko na nga ba estudyante ko 'to eh. Kaya pala familiar ang gmail address.

I immediately clicked the video at masayang pinindot ito into a cinema mode.

"Reina, sa' n ka pupunta?"

"I' m going to the park, come with me."

Natulala ako sa isang babae at lalaki na masayang magkahawak kamay habang tinungo nila ang playground kung saan maraming mga pamilya ang nagtitipin-tipon. Sobrang pamilyar sakin ang scenario pero wala akong maalala kung saan at kailan ito nangyari. The guy' s face was also familiar to me pero hindi ko din maalala ang pangalan niya. My heart beats so fast with every clip na nakikita ko.

Nanatiling nakatutok parin ako sa computer at wala sa sariling napatanong ako sakin sarili, anong bang nangyari sakin alaala? Ba' t hindi ko ma-pinpoint?

"Hello Chris, I' m so sorry but I' m breaking up with y-you . ."

Natulala ang lalaki sa sinabi ng babae sa kanya. Napahalukipkip nalang siya habang iniinda ang sakit na naririnig niya mula sa babae, nakatingala ang ulo niya sa kalangitan habang nasa tenga parin ang cellphone. Nasasaktan ako sa ginawa ng babae sa kanya, ano bang kasalanan ng lalaki para hiwalayan niya? 'Di ba' t alagang-alaga pa naman siya ng lalaki?

A tear suddenly escaped from my eyes. I' m so frustrasted, ba' t wala akong maalala sa pangyayaring 'to. That girl! That girl in the video was me!?

Bigla akong nakaramdam ng hilo kaya walang paliguy-ligoy na bumagsak ang katawan ko.


###


Pagdating ni Kwinerez sa condo galing sa opisina, agad siyang nagtungo sa mini study room kung saan doon nagta-trabaho ang asawa bilang isang online tutor. Pagbukas niya, tinungo niya kaagad ang kinaroroonan ng asawa niya at bumungad sa kanya ang mahimbing na pagtulog ni Reinafel sa ibabaw ng keyboard, inakala ni Kwin ay napapagod ang asawa niya mula sa trabaho kaya napangiti siya.

Binuhat ito at pinahiga sa sofa na katabi ng anak nila. Tumingon si Kwin sa pc at nakita ang video clip na pinanood ni Rei at agad niya itong tinigil. Kabadong dini-delete ni Kwinerez ang video at tumingin ulit sa asawa.

"I' m so sorry, Rei. Pasensiya na kung pinapalayo kita sa kanya." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Kwinerez sabay hinaplos ang pisnge ni Reinafel.


-- The End --


"You were pretty, even the tears you showed me. Moments I had with you everything, everything. Everything has passed, but you were so pretty . . ."

- (You Were Beautiful, DAY6)

The Book of UsWhere stories live. Discover now