KC POV
Nasilaw ako sa sinag ng araw na lumalabas sa bintana ko. Shit umaga na! Biglaang bangon ko nakita ko ung damit na suot ko kahapon pa ng dumating ako. Agad akong bumangon at dumiretso sa bathroom. Pinuno ko ng tubig ung bathtub ko. Nilagyan ko ng bubble bath. Hinubad ko na isa isa ang mga damit ko at lumusong na sa tubig.Mahigit dalawang oras ata ako nag babad medyo gumaan na ang pakiramdam ko kaya tumayo na ako at nag bihis.
"Morning Ma!" Bati ko sa mama ko na naka upo sa dine in area. Lumapit ako at humalik sa pisngi.
"Morning anak! hindi na kita ginising kagabi dahil sobrang himbing ng tulog mo" tumayo si mama para iabot sa akin ung plate.
"Namiss ko ung kwarto ko Ma kaya siguro ang himbing ng tulog ko" Naghain na si mama para makakain na ako ung ni request ko na adobo kagabi ang niluto n'ya dahil hindi ko na nakain kagabi at nakatulog na ako.While I'm eating ay makikipag deal ako sa Isang sales representative ng Toyota.
Now I'm on my way dun sa Toyota car show room para kunin ang sasakyan na binili ko. Binili ko ung FJ cruiser Toyota color yellow favorite color ko.
"Mam thank you na settle na po lahat ito na po Ung key" Abot sa akin ng sales representative "Thank you" at inabot ko na ang susi ko dumiretso na ako sa site kung Saan ginagawa ang restau bar namen along Quezon City. Habang binabagtas ko ang kahabaan ng daan ay napatingin ako sa mga building na nakapalibot ang dami ng nabago simula ng umalis ako ng pilipinas. At dito sa lugar na ito nakatira si Ralph dito pa kaya sya nakatira? Hindi ko na pinag tuunan ng pansin ang huli kong Sinabi. Cassandra Andito ka Para sa business Hindi Para ma reminisce ang nakaraan kausap ko sa sarili ko. Pinarada ko ang sasakyan ko sa harap mismo ng restau bar namen. Nakita ko ng palabas si brian kaya lumabas na rin ako. Niyakap ako ni Brian na kina gulat ko Hindi pa naman kase kame ganun ka close. Maybe naisip ko Wala naman sa kanila un. He grow up in states what do you expect."How's your flight? Mukhang nanibago ka sa biyahe" slang na Sabi ni Brian. Kaya nangingiti ako pag kausap ko sya.
"Yeah! Sobra yung jet log ko. Medyo matagal din kase Hindi ako nagbiyahe ng ganun katagal sa eroplano" I hope he understand what I'm saying.
"How many years you didn't go home?" Naintindihan nya naman ako
"10 years!" Naka tingin ako sa taas ng restau bar na nilalagyan ng plywood para sa name nung bar namen.
"Ohhh..." napamulagat sa akin si Brian "it's a decade?"
"Yeah! Lets go inside mainit dito sa labas" Sabi ko kay Brian, "oh yes! Sorry! Hindi mo na pala kaya ung init ng pilipinas" Ayan na naman si Brian sa pag tatagalog trying hard talaga sya matuto mag tagalog. niyaya ako sa Office ni Brian Para dun mag usap.gawa na kase ung Office namen ni Brian, he have his own office at ako din dito sa restau bar. Para pag May mga client kame or special na bisita pwede namen makausap privately. Nag pagawa din ako ng conference room para if ever meron kaming staff meeting or business proposal pwede na namen gawin dun.
Natapos na namen ang dapat pag usapan ni Brian sinabi ko sa kanya na pupunta muna ako sa mall para tumingin ng iba namen needs sa restaurant. We order The bigger Machines na gagamitin namen sa kitchen from Canada. Kaya ung mga maliliit na ibang gamit na Lang ang bibilin ko dito. Pupunta muna ako sa mega mall or pag may time mamaya sa mall of Asia kung Walang ung mga hinahanap ko. Habang nag iikot ako ay May tumawag sa pangalan ko na nag palingon sa akin.
"KC Is that you??" Nagulat ako at Nakita ko si Tiffany kasama si pia yumakap kagad ako sa kanila.
"OMG Na miss ko kayo guys!"
"Ikaw lang naman yung nawala" Si pia
"Kailangan eH" Sabay tungo Para Hindi nila makita ung reaction ng mukha ko.
"May problema ka ba? Andito na kame handang makinig at mang bully sayo!" Pang aasar ni pia sa akin. Kaya natawa na rin ako.
"Kayo talaga wala pa rin kayong pag babago" at nag tawanan kaming tatlo kahit pinag titinginan na kame ng mga taong dumadaan.
"Kumain muna tayo, lunch na rin naman" yaya ko sa kanila
"Treat mo?" Si Pia na Wala pa rin pag babago sa ingay.
"Ikaw talaga buraot ka pa rin" si tiffany na lagi taga saway ni pia. Namiss ko talaga itong dalawa na ito. Naiiyak ako na naka tingin sa kanilang dalawa.
"Oo treat ko matagal ko na kayong hindi nakakasama eh" pag iiba ko ng usapan Baka mahalata nila na paiyak na ako.
"Yun!" Sayang saya sabi ni Pia na tumalon pa.
Dito ko sila dinala sa max's Restaurant para kasing na Miss ko ung mga pagkain Pinoy. While we're eating ay hindi kame natapos sa kwentuhan at tawanan.
"So Kamusta ka KC after nung year end party natin nawalan kami ng balita sayo nag palit ka ata ng number. Pati ung Facebook account mo Hindi namen makita. Pinagtataguan mo ba kame?" Litanya ni tiffany. Kaya natawa ako sa haba ng sinabi n'ya.
"Uy wait chill ang dami mong sinabi Isa isa lang" binaba ko ang spoon na hawak ko at pinunasan ng tissue ang bibig.
"Oo nga Tiffany ang daldal mo" sabi naman ni Pia habang may subong manok.
"Yes nagpalit ako ng number ko at I have Facebook account pero gindi ko masyado ginagamit.Ayoko kase s'ya makita at makausap para walang way hindi ko kayo kinuntak or kahit sino sa inyo nila Ryan Para walang nakakaalam kung nasan ako, alam ko kase na gagamitin n'ya kayo para mahanap ako." Mahaba kong paliwanag sa kanila na ngayon ay naging seryoso ang mga mukha.
"Si Ralph ba?" Nakita ko ang sympathy ni Tiffany sa kanyang mga mata. Tumango lang ako at kagat ang ibabang labi.
"Ano bang ginawa sayo nung lalaki na Un nung year end party natin kayo mag kasamang dalawa di ba?" Kunot noo tanong ni Pia na Hindi pa rin tumitigil sa pag kagat sa manok nya.
"Wala naman nangyari masama sa akin" mahinang boses na paliwanag ko. Pero parang Hindi sila naniniwala sa sinabi ko. Nag katinginan pa silang dalawa sa mata. Parang nag uusap na Hindi ko naiintindihan.
"Then bakit mo s'ya pinag tataguan" baling ni Tiffany sa akin. Akala ko nakalimutan na nila ako dahil mata sa mata sila naguusap. Ganun na ba talaga ako katagal nawala at Hindi ko sila ma gets. Parang ibang tao na ako sa kanila. Pero Hindi ganun ang nararamdaman ko napaka warm ng welcome nila sa akin nung makita nila ako. Siguro naninibago Lang ako.
"Dahil ayoko ng maging sagabal sa buhay nila ng girlfriend nya, buntis yung girlfriend nya that time kaya Hindi nya ako mapili at iwan ang girlfriend nya" tumahimik at nagulat silang dalawa sa sinabi ko. Hindi ko namamalayan na naluluha na ako. Kaya lumapit silang dalawa sa akin at niyakap ako.
"Sabi ko na nga ba eH May ginawang kalokohan yan si Ralph sayo. Bait baitan pa sya last time na makita kame" Sabi ni pia na walang control ang bibig
"Nagkita na kayo? May communication pa rin ba kayo sa kanya?" Gulat kong tanong sa kanilang dalawa. Nabigla rin si Tiffany Kaya hinataw nya si pia.
"Nagkita kame sa Isang bar sa quezon ave dun kase sila tumutugtog ng banda nya ngayon. Gumimik kame kasama namen ang Barkada that time" paliwanag ni Tiffany
"Please guys if ever man na magkita kayo ulit wag na wag nyong sasabihin Andito ako sa pilinas at nakita nyo na ako. Please" nakatitig ako sa kanilang dalawa. Hinihintay kong sumagot at mangako Para malaman ko na nasa akin pa rin ang loyalty nila.
"Promise" Sabay pa silang nag taas ng kamay. Naka hinga naman ako ng maluwag.
"Promise mo rin na sasama ka sa amin gumimik next time" pangungulit ni pia
"Yeah I will" sumagot na Lang ako Para Hindi na ako kulitin ni pia. I know naman Hindi ako makakasama sa Sobrang BC ko.
Bago kame mag hiwalay Sinabi ko na ihahatid ko na sila pag uwi. Pero Hindi sila pumayag May pupuntahan pa daw. niyaya rin nila ako pero Sinabi ko na marami pa Akong dapat ayusin.
YOU ARE READING
Your mine now!
Romance"No one can describe what I feel now, Your mine now My love" Yung sinama kong kanta sa novel na ito original composition po s'ya ng lokal na banda, hindi ko alam kung paano mag paalam sa kanila para maisama ko sa Novel ko dahil hindi ko sila kilala...