Ralph POV
Nagising ako sa Ring ng cellphone ko. Gamit ang Isang mata ay binasa ko kung sino ang tumatawag. Si Ivan?
"Hello" sagot ko sa paos na boses
"Tol May tugtog tayo mamaya sa pub crawl"
"Huh akala ko ba 3 days Lang tayo dun"
"Grand opening daw nila ngayon kaya pinapapunta tayo"
"Sige mamaya Pa naman yun Di ba"
"Oo pero mag ready ka na Baka ma late ka na naman."
Hindi ko na sinagot si Ivan at binaba ko na ang cellphone ko masakit ang ulo ko lasing na naman kasi ako kagabi simula ng malaman ko na Andito si KC sa pilipinas Hindi na ako Tumigil mag Hanap sa kanya Ulit pero hanggang ngayon Hindi ko pa rin sya nakikita kaya dinadaan ko na Lang sa Alak ung bwisit ko.
Ivan POV
Andito na kame sa pub crawl at kina kausap kame ni sir Brian sya ung owner ng bar na tutugtugan namen.
"Jerome Asan na si Ralph?" Pa simpleng tanong ko kay jerome. Mukhang malalate na naman si Ralph kaya kinakabahan ako.
"Hindi nya sinasagot ung tawag ko"Naka hawak pa rin si jerome sa cellphone nya, panay ang tawag at text kay Ralph na hanggang ngayon Wala pa din sagot sa mga tawag! ilang minuto na Lang ay kami na ang sasalang.
"Tawagan mo ulit Kinausap ko na sya kanina na wag sayang ma late!" Nabububwisit na talaga ako kay Ralph makakatikim talaga sa akin ung isa na un.
"Ok guys eternityotso8 right?" Turo sa akin ni Brian
"You will be the second band who will perform tonight" inform sa amin ni sir Brian."Shit second pa tayo Hindi na Lang huli Para umabot si Ralph" Hindi na ako mapakali sa upuan ko.
"Is there any problem guys!" Naka halata yata si sir Brian sa Kilos ko. Kaya ngumiti na Lang ako at kimunpas ang mga kamay.
"No! No!" Sagot ko na Lang. Ay naku Ralph malilintikan ka talga sa akin pag dating mo.
"Hello Ralph asan ka na ba?" Narinig ko na kausap na ni jerome si Ralph sinesenyasan ko na sabihin bilisan
Ralph POV
Kanina pa tumatawag sa akin si jerome naka ilan miss calls na. Gabi na kase ako nagising. Hindi na nga ako kumain para umabot ako sa pub Crawl. Andito na ako sa parking ng sagutin ko si jerome.
"Hello" ako pa un galit ako na nga ung late! Ang sakit pa kase ng ulo ko.
"Hello Ralph asan ka na ba?" Si jerome
"Andito na ako sa parking! Sige na! Papasok na ako diyan" Sabay bulsa ng cellphone ko. Bumaba na ako ng sasakyan para kunin ang gamit ko ng may Nakita akong isang babae. Sinundan ko ng tingin ang babae kung Saan pupunta. Nag lakad palapit ang babae sa kinatatayuan ko kaya Medyo naaninag ko ng konti ang mukha nya Kahit Medyo madilim ang parking area. Alam ko sya yung nakikita ko. Natulala ako at Hindi makagalaw. Dumiretso ang babae sa yellow fj cruiser at sumakay. nakalayo na ang sasakyan saka Lang ako natauhan. Si KC Un! Sure ako si KC Un!
"Hoy! Ano ka ba! Late ka na nakatulala ka pa dyn!" Nagulat ako kay jerome kaya bumalik ang katinuan ng isip ko. "Sinong KC?" Narinig n'ya pala ung sinabi ko Hindi ko namalayan na naisatinig ko pala ang nasa isip ko. "Halika na! Tayo na ung susunod" sumunod ako kay jerome na bagsak ang balikat baka namamalik mata lang ako kakaisip sa kanya.
Ryan POV
Niyaya ko ang Barkada na gumimik ngayon sa bagong bukas na bar ang pub crawl.
"Tiffany, pia bilisan nyo mag start na dw ung live band in 30 Minutes" excited na Sabi ko sa dalawa
"Oo ayan na" sagot ni Tiffany na inaayos pa ang damit sa likod ng kotse ko.
Andito kame sa parking ngayon nakatayo ako sa labas ng kotse at hinihintay ung dalawa kong kaibigan ng May mapansin ako na isang babaeng nag lalakad, mukhang sopistikada, mayaman at maganda. matagal ko na syang titinitigan at medyo malapit na s'ya sa lugar ko kaya namukhaan ko s'ya. "KC??" Kunot noo na Sabi ko. Sabay labas naman ni tiffany ng kotse.
"Anong KC pinagsasabi mo?" Naka tingin sa akin si Tiffany na mukha akong tanga na nag sasalita mag isa.
"Ayun Ung babae sumakay ng fj crusier na kulay dilaw" tinuro ko ung sasakyan at sinundan naman ni tiffany ng tingin kaso hindi n'ya na nakita dahil nakasakay na ang babae.
"Si KC nakita mo?? Imposible nasa Canada s'ya ngayon kakausap ko lang sa kanya" si tiffany na Hindi naniniwala sa nakita ko.
"Oo nga!" Segunda ni Pia "hindi ka pa nag iinom kung ano ano na ang nakikita mo" Sabay tawa ni pia sa akin.
Baka nga nag kamali lang ako kaya pumasok na lang kame sa bar. Naupo kame medyo sa harap para makita namen kung sino ang banda na tutugtog. Nag order na kame ng beer at pulutan. After a while nakita ko si Ralp. Sumigaw ako at tinawag ko s'ya. Lumapit s'ya sa amin.
"Pare!" Tawag ko kay Ralph at tinaas ang mga kamay Para makita ako. "Anong ginagawa mo dito" tanong ko ng makalapit na sa akin si Ralph.
"Kame ung tutugtog ngayon" sagot nya sa akin
"Tol halika na!" Napalingon kaming dalawa ni Ralph sa tumawag.
"Sige pare maya na lang" paalam sa akin ni Ralph
"Sige lang! Join ka sa amin mamaya"
"Sige!"
Umakyat na nga si Ralph sa stage para mag performed sila ng banda n'ya. Masaya sa pub crawl
Maganda ung interior design maaliwalas kahit madaming tao hindi Look crowded ung lugar. Masarap pa ung food nila. its Turkish dishes with blend of Filipino Style. Un ung nabasa ko sa menu nila. Kaya pala Masarap mukhang pinag isipan talaga nila ung concept ng restau bar nila. Tsaka ang galing sa morning it's like a plain restaurant at sa gabi ganito kaingay at kasaya, ung lighting ung sounds system ang astig! Sino Kaya ang May ari nito? Sana ma meet ng Barkada Para maka hingi ng discount! Kasi ung ibang bar na pinupuntahan namen nakikilala na namen ang May ari at naging kaibigan dahil lage kaming laman ng bar nila. Siguro si Ralph Kilala nya tanungin ko nga mamaya. Mukhang mapapadalas na kame ng barkada dito tapos dito pa tumutugtog ang eternityotso8.KC POV
Tangahali na ako nagising. Hindi ako maka bangon Dahil sa sakit ng katawan, Mainit din ang buong katawan ko. Shit mukhang May trangkaso pa ako. Pilit Akong bumangon Para maligo Baka sakali kung maligo ako mawawala itong sama ng pakiramdam ko. Pero bigla ako bumagsak sa sahig kaya napatili ako. Nakarinig ako ng mga yabag mula sa labas ng kwarto ko,alam ko si mama un na palapit sa kwarto ko. Pag bukas ng pinto Nakita ni mama na nakahiga ako sa sahig. Tumakbo ng papalapit sa akin si mama.
Hinawakan ako ng mama " ang init mo!" Nag hysterical na sya. Sumigaw pa.
"Dios ko po bata ka napaka init mo!" Inalalayan ako ni mama tumayo at inihiga sa kama. "Dadalin kita sa hospital" tarantang Sabi sa akin ni mama "Teka Asan ba si Myca!" Sumigaw ang mama ko ulit na parang lahat ng kapit bahay namen makakarinig. "Myca!!!"
"Ma wag na! Lagnat Lang ito!" Pilit ko ka rin inaayos ang katawan ko
"Anong wag na Hindi ka na nga maka gulapay diyan!" Galit na sagot ni mama, Inulit na naman ni mama ang Sigaw Kaya napahawak ako sa dalawa kong tenga! "Myca!" Pupungas pungas pa si Myca ng lumapit sa amin mukhang nagising talaga sa Sigaw ni mama.
"Ano ba un ma! Kung maka Sigaw ka parang May sunog" kamot ang ulo na sagot ni Myca
"Ung ate mo May lagnat ihanda mo ung sasakyan dadalin natin sa hospital ang ate mo" mukhang nawala naman ang antok ni Myca at biglang lumapit sa akin. Hinawakan ang noo ko.
"OMG ate ang init mo nga" pinagpag pa ni Myca ang kamay na hinawak sa noo ko na tila napaso talaga. "Teka Lang magbihis Lang ako" Umalis na si Myca at bumalik sa sarili nyang kwarto.
Hindi ko na talaga sila napigilan na dalin ako sa hospital. Hindi na lang ako umangal at sumunod na Lang sa kanila Wala rin naman ako magagawa.
YOU ARE READING
Your mine now!
Romance"No one can describe what I feel now, Your mine now My love" Yung sinama kong kanta sa novel na ito original composition po s'ya ng lokal na banda, hindi ko alam kung paano mag paalam sa kanila para maisama ko sa Novel ko dahil hindi ko sila kilala...