KC POV
Its past 3 am close na ang pub crawl nag aayos na Lang ako ng konting gamit dito sa Office at uuwi n rin ako. Pababa na ako ng parking area ng salubungin ako ni Dom.
"Mam hatid ko na po kayo" Naka ngiting kinuha ni dom ang mga gamit sa kamay ko.
"Thank you Dom" Ng biglang lumapit sa akin si Ralph at hinawakan ako sa kamay kaya nagulat at napasigaw ako. Bigla naman lumapit si Dom at hinawakan si Ralph sa kwelyo ng damit nya.
"Ang kulit mo kanina ka pa." Sabay hamba ng suntok ni dom kay Ralph. Nagulat at natakot naman ako Para kay Ralph Baka mabangasan ang magandang mukha nya.
"Dom please stop it" pumagitna ako sa dalawa.
"Pero mam" Hindi pa rin binibitawan ni dom ang kwelyo ni Ralph.
"Kilala ko sya" binitawan naman ni dom si Ralph. Muling inayos ni Ralph ang damit nya.
Humarap ako kay dom "Dom mauna ka na sa sasakyan at paki lagay na rin yung gamit ko. Salamat." Sumunod naman sa kanya si dom. Kaya nakapag isa na sila ni Ralph. Humarap ako kay Ralph "Anong kailangn mo" walang Emosyon na tanong ko kay Ralph.
"Sabi na Ikaw ung nakita ko nung nakaraan at kanina" nakatawa na si Ralph na Parang Wala Lang sa kanya ang pagkukwelyo ni dom.
"Eh ano ngayon" mataray na sagot ko at pinag cross ang mga kamay sa ilalim ng dibdib.
"Ang sungit mo pa rin hanggang ngayon" Hindi nawawala ang ngiti ni Ralph. Unti unti na ako lumalambot sa mga ngiti ni Ralph. Hindi ito pwede. Hindi ko pwede ipakita sa kanya na nanghihina ako pag Malapit sya sa akin. Hindi nya pwede malaman na May epekto pa rin sya sa katawan ko.
"My god Ralph I don't have time. I'm so damn tired! What you want" napahawak na ako sa ulo ko. Gusto ko ma divert ung isip ko at mawala ang tension na nararamdaman ko kanina pa.
"Wala naman gusto lang kita kamustahin" mababa ng ang boses ni Ralph. Naawa naman ako bigla. Lumamlam ang aking mga mata sa pag tingin kay Ralph.
"Magkita na Lang tayo ulit Pagod na Pagod na kase ako Ralph nakita mo naman yung dami ng tao kanina sa pub crawl" mahinahon na ung boses ko at humawak pa sa braso nya. Mali ata ako sa pag hawak ko sa braso nya dahil parang my kuryenteng dumaloy sa aking katawan. Naramdaman din ata ni Ralph ang nginig ko kaya hinawakan nya ang mga kamay ko. Binawi kong bigla ang kamay ko na hawak ni Ralph lalo Lang Akong nailang sa sitwasyon namen.
"I have to go" pag iiba ko sa usapan at aakmang tatalikod na. Bigla ako hinawakan ni Ralph sa braso na kinalingon ko.
"Kailan ulit tayo mag kikita?" Tumingin ng diretso sa mata ko si Ralph.
"Pag May schedule kayo ng gig sa pub crawl" binaba ko na ang tingin ko dahil Hindi ko kayang makipag titigan.
"Ahh ok" binitawan na ni Ralph ang braso ko. Naramdaman ko ang lungkot sa boses ni Ralph. Pero Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ng sobrang miss ko na sya at gustong gusto ko na sya yakapin sa mga oras na ito. Isinantabi ko ang mga isipin ko, baka masaktan na naman ako.
"Sige na mauna na ako. Ingat pag uwi ah!" Naka ngiti na ako ng tumingin sa mga mata ni Ralph. Hindi na sumagot si Ralph tumango Lang sya sa akin. Tumalikod na ako at tumuloy sa sasakyan ko.
Habang nasa daan pauwi sa bahay naisip ko ulit ang nangyare sa amin ni Ralph. Akala ko kaya ko na harapin sya. Akala ko matapang na ako na sabihin sa kanya ang lahat ng sama ng loob ko. Nasa ganun Akong pag isip ng ma patingin ako sa rear view mirror ko. Kanina pa nasa likod ko ung Honda NSX bigla ako kinabahan. Tinignan ko ulit ang rear view ko at pag katapos ang side mirror. Andun pa rin ung sasakyan. Sino ba ito? Natatakot na ako. Inabot ko ang cellphone sa tabi ko. "Shit lowbat pa!" Usap ko sa sarili ko. Hindi naman siguro kidnapper or murderer ito. Sa ganda at mamahaling sasakyan malabong gawan ako ng masama. Isang convenient store ang Nakita ko kaya tumigil muna ako. Hindi ako bumababa ng sasakyan nag Park lang ako sa tabi. Kung talagang sinusundan ako ng Honda NSX Titigil din ito tumingin ako sa rear view para Makita ko ang sasakyan na sumusunod sa akin. Bumagal ang takbo ng Honda NSX pero hindi bumababa ang tao sa loob at hindi rin nag Park sa tabi ko. Nag intay pa ako ng konti baka sakaling mag baba ng bintaNa para makita ko ang tao sa likod ng manibela. Hindi ko kase makita ang tao sa loob dahil heavily tinted ang sasakyan. Naka hinga na ako ng maluwag ng humarurot ng mabilis ang sasakyan. Paranoid Lang siguro ako kaya dumiretso na ako ng uwi. Naiparada ko na ang sasakyan ko at isasara ang gate ng mamataan ko na naman ung sasakyan na sumusunod sa akin. Hindi naman masyado madilim sa village namen kaya Medyo lumabas ako ng Gate Para tignan kung sino ung sumusunod sa akin. Kung May masama mang balak sa akin ang taong ito maka Sigaw ako At sigurado na May makarinig sa akin dahil May mga kapit bahay naman ako.
YOU ARE READING
Your mine now!
Romance"No one can describe what I feel now, Your mine now My love" Yung sinama kong kanta sa novel na ito original composition po s'ya ng lokal na banda, hindi ko alam kung paano mag paalam sa kanila para maisama ko sa Novel ko dahil hindi ko sila kilala...