❄Snow's POV❄Hindi ako umuwi ng dorm after what happened earlier. I don't want to see them especially him. I sigh then after I dialed Veron's number.
" Hey, pick me up here in Pretea " walang ka buhay buhay kong sabi then I hang up. Siguro tatalakan na naman ako non mamaya. Anyways nasa malapit lang akong milk tea shop hindi kalayuan sa High Wing. Medyo marami ring mga studyante rito dahil dismissal na.
Halu halo ang mga studyanting naririto. Kadalasan ay mga babae na alam kong taga High Wing rin. I guess they are from the girls department based from their uniforms.
" Uhm, hi wouldn't you mind if I seat here? " tanong saakin ng isang babae. I suddenly stopped sipping at my strawberry flavored milk tea. May kasama rin itong isa pa, kaibigan ata. Napatingin ako sa kanila at iginala ang tingin sa paligid.
" Ah, okay " sabi ko ng makitang halos occupied na lahat ng upuan. Ako lang naman kasi ang mag isang nakaupo sa four seats na upuan.
" Thank you, by the way I'm Tricia and this is my friend Ann " sabay abot nito ng kamay saakin. Gustong kong pagtaasan ng kilay ang babaing 'to. Para di naman siya mapahiya ay nakipag kamay narin ako.
" Hi, I'm Ice " ang tipid kong sabi. Gusto ko ngang matawa sa nasabi kong pangalan which is half true naman.
" Oh, nice meeting you Ice. Grabe ang kinis naman ng mukha mo. You're so very cute too " she said while giggling. Muntik pa ngang tumaas ang kilay ko ng pisilin nito ang kamay ko. Is she hitting with me? Gosh, I can't believe this?
" Ah, thanks. " Isang isa nalang at matatarayan ko na itong babaing to. Didn't she noticed that I'm not comfortable talking to her? Saan na kasi ang Veron na 'yun. I muttered to myself.
" I think I need to go " sabi ko at tumayo na. Nakikita ko na kasi si Veron sa labas ng milk tea shop papasok dito.
" Hey wait, can I ask for your number? " She ask habang nagpapa cute at nahihiya. The hell?
" Pardon? " I said habang tumataas na ang isa kong kilay sa iritasyon. Like the! Kinikilabutan ako sa babaing to! Hindi niya ba napapansin na hindi kami talo? Can't she see we're sisters?
" I'm sorry, nandito na ang boyfriend ko " I said to her at nilagpasan sila at I cling to Veron's arms na kakapasok lang. When I saw her, her eyes got widened. Tch!
" Antagal mo naman! " reklamo ko habang hinihila ko ito palabas.
" Wow ah! Kung makapag reklamo akala nito kagandahan. Tsaka huwag ka ngang dikit ng dikit naiirita parin ako sayo " irap saakin ni Veron. Kaya binitawan ko na ito pagpasok ko sa kotse niya.
" Hey sorry na Bes, wala lang ako sa mood " turan ko.
" Che! Nakakaimbeyerna ka alam mo ba 'yun. Bakit mo kasi ako iniwan sa Seven Kings na iyon. Alam mo ba kung gaano ako natakot kanina? " he said hysterically. Akala ko kung ano na hayst. Napairap nalang ako.
" OA mo. Kitang hinila ako kanina diba, hinila " ang sarcastic kong sabi.
" Pero ang taray Bes ah, mukhang may something kayo ng leader ng Seven Kings " he said na halatang nangaasar lang. Si Hirken, leader ng Seven Kings?
" Teka nga, ano ba iyang Seven Kings na 'yan? " ang curios kong tanong. Pansin ko rin kasing parang kinakatakutan sa boys department ng High Wing ang grupo ng pito.
" Sa bahay ko nalang i-explain Bes " Veron said at tumango nalang ako.
" So what is this Seven Kings about? " I asked. Nasa sala kami ngayon at kasalukuyang naka hilata. Kahit hindi naman pagod.
" Waley ka ba talagang nalalaman? " Kaya agad ko itong sinamaan ng tingin. Magtatanong ba ako kung may alam na ako.
" Dahil mukhang close naman ata kayo ng Seven Kings kaya choks lang. Alam mo kasi Bes kilala ang pito na iyon bilang maimpluwensya sa boys department at kinakatakutan rin ang grupo nila. At ang lider nga nila ay si Hirken Bes. Ngunit hindi lang naman ang Seven Kings ang kinatatakutan ang Black Arrow rin Bes kaya ingat ingat rin pag may time " mahabang litanya ni Veron kaya napatango nalang ako. Uso parin pala ang mga gang gang na 'yan.
" Oy Bes sino pala yung kasama mo kaninang matangkad na lalaki? " Veron suddenly asked.
" Ah si Gil ba? " I said ng maalala yung makulit rin na lalaking iyon.
" Ah parang familiar siya Bes. Pero ang taray ha daming papables dinaig mo pa akesha " irap saakin ni Veron kaya tinawanan ko lang ito.
" Eh maganda eh " ang kibit balikat kong sabi at tumawa.
" Mala tore ang self confidence ni ateng? Teka 'di ka ba uuwi ng dorm? Uuwi pa naman si Lolo mamaya " Veron said.
" Edi dating gawi " sabi ko at kinindatan ang bruha. Napangiwi naman ang bruha sa sinabi ko. Humanda ka sakin mamaya Veron. Haha. Insert evil laugh.
- - -
Mabagal po ba ang phase ng story? Sorry na mga peps. I-try kong bilisan sa mga susunod na chapter.
BINABASA MO ANG
Snow and His Seven Ex
HumorNapadpad ang isang beki sa isang boys dormitory matapos niyang tumakas sa kanyang bruhang stepsister. Isang dorm kung saan nakatira ang mga lalaking kanyang naging ex. He doesn't know na doon pala nakatira ang pitong lalaking naging ex niya. Dahil...