SAHSE #15

1.6K 95 7
                                    


❄Snow's POV❄

" Ito oh, suotin mo " at may inabot saakin si Jared na paper bag. Nagtataka ko naman itong inabot.
" Pampalit mo iyan " he said sa nagtatanong kong expresyon.




" Ah, salamat " ang naitugon ko. Nagabala pa talaga siya.


" Sige kita kits nalang tayo sa cottage after mong mag palit " he said while giving me a wink. Kailangan talaga may ganoon? As if naman na ikinagwapo niya 'yun. Nag mumukha lang tuloy siyang manyak.

Pumasok na ako sa room ko. Pang sosyal talaga itong suite na ito parang pang mamahaling hotel ang ambiance. May single bed, aircon, comfort room, wardrobe at vanity mirror. Nilapag ko na agad ang paper bag sa kama ko. Sinuri ang laman. Mga damit pamalit nga tsaka isang rush guard. Wow, may pa sun block rin. Kinuha ko ang rush guard na may kulay black with pink linings. Kainis, ayaw ko pa naman sa pink. I don't hate pink it just that I don't like it either. Pero parang same lang rin yun ah.

Wala rin akong choice so I just wore it. To my surprise fit naman siya sa katawan ko. I guess Jared buyed me a female size rush guard. Bagay naman siya sakin kaya go lang! Para di masunog balat ko sa init ng araw ay nag lagay narin ako ng sun block. At ready na ako para umawra. Buti nalang dala ko yung phone ko kaya nag selfie muna ako nang ilang shots.


Dumiritso na ako palabas para pumunta doon sa cottage namin ng medyo nalito ako kung saan nga ba iyon banda. Ang dami kasing cottage at halos magkapareha lang ang designs. Nalito ako kung sa kaliwa ba o kanan. Nalimutan ko kasi eh kainis naman. Magkapag tanong na nga lang.

Ilang minuto na akong naglalakad pero hindi ko pa din nakikita yung cottage namin. Kaya minabuti ko nalang na magtanong sa isang staff.



" Ah, excuse me po? Pwede po bang magtanong kong saan yung cottage ni Mr.Smith? " Ang naitanong ko kay Manong.



" Cottage ba ni Mr.Smith ba kamo? Nakikita mo ba iyan iha, yan yung cottage ni Sir " sabay turo ni Manong sa isang cottage hindi kalayuan. May isang cottage na medyo nakaharang kaya hindi ko kita kung nandoon na ba sila.



" Sige po, marami pong salamat " masaya kong anya at agad ng pumanhik. Akalain mo iyon pinagkamalan akong babae kahit na maiksi na itong buhok ko.

Pagdating ko sa cottage mga hindi pamilyar na mukha ang nakita ko. Mukhang mali iyong itinuro saakin ni Manong. Naku, kainis naman! Nadali ata ako.




" Snow? " May boses na tumawag sa likuran ko kaya napaharap ako. Si Jared siguro.



" Oh, ikaw pala Gil? " I exclaim. Teka? Si Gil, as in Gilbert Smith?



" Wow! I know it's you, Snow. I can't believe you're here also " ang nakangiti nitong anya. Me too, kaso hindi ko nalang isinatinig.


" Ah oo nga " ang nasabi ko nalang.



" Are you alone or you are with your friends? " Gil ask.



" The latter " ang tugon ko.







" Oh, Pare antagal mo ata? May chicks ka pala eh pakilala mo naman kami diyan " sulpot ng isang lalaki mula sa cottage.



" Ah right. Snow kaibigan ko nga pala si Henry " pakilala ni Gil.



" H-hi miss " the guy named Henry said. Is he acting a coy?



" Uh hello? " I said awkwardly.




" Halika Snow pakilala kita sa barkada namin. Minsan lang kasing magdala ng chicks itong si Pareng Gil eh " hila saakin ng lalaki. I was like a paper who can easily be drag by this insolent guy.



Snow and His Seven Ex Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon