SAHSE #20

1.2K 64 4
                                    


❄Snow's POV❄

Halos ilang araw na kaming busy sa paggawa ng booth namin para sa contest ng Foundation Day ng school. And so far mga final touches nalang ang kulang para sa booth namin. Hindi ko aakalain na kahit puros lalaki ang mga kaklase ko ay may maiaambag naman pala sila pagdating sa mga bagay na ito.

Tatlong araw narin kaming walang klase dahil dito. Halos lahat kasi ng section ay nag request na wala munang klase para sa preparation. Pumayag naman ang school head dito.

Sa tatlong araw rin na pagka busy, sakabila parin non ay parati parin akong kinukulit ng mga damuho. Kaya may napansin rin ako sa mga ito na hindi ko pa matukoy kung ano. My instinct tells me that there is something off about them.

"Hey, Snow. Pwede ba akong magpasama sayo sa mall? It is better if there is someone who can accompany me and know what designs for the finishing design. Is it okay to you?" Lyndon ask me kaya ibinaba ko ang hawak kong ilang printed stickers na design.

"Uh, sure. Why not?" I said. Remember he's our class president here. 

"Great! Then let's go" yakag nito saakin. Kaya sumunod nalang ako sakanya. Pero bago iyon may humarang sa harapan ko.

"Where do you think you're going?" His cold yet baritone voice asked me. His eyes meets mine and I just rolled my eyes at him.

"Kailangan ba talaga alam mo kung saan ako pupunta?" Ang naiirita kong tugon. Nagbabanta ang mga tingin nito sakin.

"Yes" he answered quickly.

"Pwede ba, Hirken. Tigilan mo nga ako" at nilaglasan ito. Binilisan ko ang lakad ko na mukha ng takbo. Mukhang hindi naman ito sumunod kaya normal na ulit ang lakad ko. 'Di na yung parang hinahabol ng aso.

"I'm sorry kung naabala kita Snow" paumanhin ni Lyndon. Mukhang nakita niya iyon kanina.

"Okay lang" ang sabi ko at nginitian ito. Reassuring him that it's okay.

We headed at the nearest mall. Sobrang dami ng pinamili namin ni Lyndon from designs to food ingredients. So far, okay naman kasama ang isang class president.

"Hey, kain na muna tayo?" Aya saakin ni Lyndon kaya hindi narin ako tumanggi pa. Nagugutom narin kasi ako. Mahigit isa at kalahating oras narin kasi kaming naririto.

"Anong gusto mo? Treat ko" sabi ni Lyndon habang tinitignan ako.

"Ikaw ng bahala" sabi ko at nginitian lang ito. Umupo na ako ng mag punta na ito sa counter para umorder.

"Sorry kung natagalan" paumanhin niya sa matagal na pagkuha ng inorder niya. Para kasing pyesta kung makapag order ang isang ito. Sobrang dami halatang di naman namin mauubos.

"Ang dami naman nito" puna ko at nagsimula ng lumantak. Eh sa gutom narin ako eh.

"Sorry, inorder ko na lahat para makapili ka" saad niya na parang nahihiya. Hindi nalang ako kumibo pa at kumain nalang ng tahimik.

"Ipabalot nalang natin ang natira. Sayang naman kasi ang dami pa nito oh" sabay nguso ko sa pagkain na ang iba ang hindi man lang nabawasan. Sayang sa pera to. Pero alam kong mayaman naman ito kaya ayos lang siguro sakanya na magwaldas.

"Sige akong bahala" anya niya at tumawag ng isang service crew.

"Ano po 'yun sir?" Tanong ng isang babaing crew. Halatang nagpapacute ito kay Lyndon kaya napailing nalang ako. Mukhang naive ang isang to at 'di pinansin ang babae.

"Pakibalot ang mga ito Ms" saad niya at itinuro ang pagkaing wala pang bawas.

"Sige po sir" at agad naman itong ibinalot iyon at isinilid lahat sa isang paper bag. Nagpasalamat muna ako bago kami lumabas ng Resto na iyon. Bitbit ko ang isang paper bag na laman iyong pagkain samantalang dala naman lahat ni Lyndon iyong mga pinamili namin. Take note marami iyon at mabigat.

"Sandali lang ah ibibigay ko na muna to" ang nakangiti kong pahayag at iniwan sa parking lot ng mall si Lyndon. Nakasunod lang ang tingin nito saakin kaya di ko nalang siya pinansin.

Sa isang tabi ay nilapitan ko ang isang gusgusing bata kasama ang isa pang mas bata dito. Mukhang magkapatid ang mga ito. Ang babata pa ng mga ito pero ganito na agad ang buhay nila.

"Pst bata!" Pag agaw ko sa atensyon ng mga ito na agad akong napansin. Kaya agad kong inabot sa kanila ang paper bag na naglalaman ng pagkain. Agad naman itong tinanggap ng batang lalaki at malaking ngiti na nagpasalamat saakin. Kaya napangiti narin ako.

"Salamat po dito ate" ang 'di mapagsidlang saad ng bata.

"Bakit nandito kayo? Alam niyo bang bawal itong ginagawa niyo? Naku mabuti pang umuwi na kayo sainyo at ito" at inabutan ko ito ng pera.

"Ate marami pong salamat. Napakabait niyo po" sabi ni na parang maiiyak na.

"Umuwi na kayo at delikado itong ginagawa niyo" at binilinan ko pa ito ng mga salita bago umalis ang mga ito ng masaya.

"Sorry kung natagalan" paumanhin ko pero hindi si Lyndon ang naabutan ko kundi si Hirken.

"Anong ginagawa mo dito?" Ang agad kong tanong.

"Sinusundo ka" simple niyang saad habang nakatingin sa mga mata ko. Makikita sa mga mata ang saya at pagmamahal na agad kong ikinilabot. Iniling ko ang ulo ko sa mga kung ano anong naiisip ko.

"Nasaan si Lyndon? Sinusundan mo ba ako?" ang agad kong tanong.

"Yes and don't ever talk to that guy, ever" at hinila ako papasok ng kanyang sasakyan kaya nagpahila narin ako. Sinubukan kong kalmahin ang puso ko pero lintek patuloy lang ito sa pagtibok na ikinatakot ko.

This ain't good.

Snow and His Seven Ex Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon