Magarbo ang handaan at maging ang mga tao na nagsidalo dito ay hindi nagpahuli sa kanilang mga kasuotan. Ang mga lalaki ay mga makikisig at matitipuno suot ang kanilang magagarbong kasuotan hawak ang kanilang tobacco at sumbrero habang ang mga babae naman ay halos hindi na madala ang kanilang mga suot dahil sa laki ng mga ito at nakakahiyang hawakan kung ikaw ay walang salapi lalo na at puno ito ng nagkikinangang mga bato na nagmula pa sa Europa, oo sa Europa, paano ako nakakasigurado? Isa ako sa kanila.
Hindi ko hahayaang may makahigit sa akin ngayong gabi. Nais kong nasa akin lahat ng atensyon mula sa aking pagbaba sa aking kalesa hanggang matapos ang gabi. Hindi ko nais makuha ang kanilang atensyon dahil lamang sa isa akong anak ng alcalde en ordinario ngunit dahil sa aking taglay na kagandahan na kaiinggitan at kinaiinggitan ng lahat ng kababaihan.
Ito lamang ang kaya ko bilang babae lalo pa't nasa kalalakihan ang mga pribilehiyong aking pinapangarap tulad ng makapag aral ng academia at kung ano ano pa. Nais ko pa naman sanang magmedisina at maging isang doktor at makapagpatayo ng aking sariling pagamutan, ngunit babae ako kaya kagandahan lamang ang aking maiaambag sa lipunang ito. At hindi, hindi ang pagbibigay ng anak sa aking magiging asawa, wala iyon sa aking plano dahil kinamumuhian ko sila.
"Señorita, ipinapasabi po ng inyong ina na dito na lamang kayo magpalipas ng gabi, mapanganib daw po kung tutuloy pa kayong umuwi ngayon" mahinang sabi sa akin ng isang tagasilbi. Ibinukas ko ang aking pamaypay at iniharang sa aking mukha bago nagsalita, "Ganoon ba? Bakit ngayon mo lamang sinabi at hindi noong maaga pa, tagasilbi pa naman ang tawag sa iyo subalit wala kang silbi" umikot pa ang aking mata dahil sa inis ko sa kanya, hindi ko nais mamalagi at magpalipas ng gabi sa tahanan ng pamilya ni Bruella, ang mortal kong kaaway.
Hindi naman talaga ganito ang pamamaraan ko ng pakikipag usap sa mga tagasilbi ngunit ang aliping nasa harapan ko ay pinagsisilbihan ang bruhang Bruellang iyon. Kumukulo ang aking dugo sa mga malalapit sa kanya, bakit nila hinayaang maging ganoon katigas ang kaniyang apog at kaitim ang kanyang budhi. Sagad man ang aking paglalarawan sa kanya ngunit dapat lang iyon dahil kung tutuusin ay isa siyang demonyitang umahon sa kalupaan upang maghasik ng kaswapangan, masasabi niyong tama lahat ng aking tinuran kapag nakaharap ninyo na siya.
Muntik ko nang makalimutan,
Kung demonyita siya, ano pang tawag sa aking hindi magpapatalo sa kaniya? Hindi nga ako mamataymatay dahil maging ang tagasundo ay hindi gugustuhing makaharap ako.~~~
Alcalde en ordinario: City MayorI cut this short for a purpose and why not kilalanin muna natin si girl. Disclaimer lang, the further chapters won't be as short as this one, enjoy!
BINABASA MO ANG
When In Summer
Historical Fiction*Inspired by Nick Joquin's 'May Day Eve'* "Paano kung ako ay magkamali?" "Mahabag sa iyo ang makapangyarihan sa itaas!" "Bakit?" "Sapagkat ang diyablo ang magpapakita sa iyo!" Ating samahan si Ingrid sa kanyang pakikipaglaban para sa pangarap, pag i...