KABANATA 20

4 0 0
                                    

Paanong nangyaring naririto si Caridad? Napansin ko sa sulok ang isang lalaki na tumatangis, "Samuel?" napatayo siya at agad pinunasan ang kanyang mga luha. "Binibini, mabuti at maaayos ang iyong kalagayan" matamlay niyang sabi. "Anong nangyari? Bakit ka lumuluha?" nilapitan ko siya. "Kinitil nila ang buhay ni Caridad" kilala niya si Caridad? Hindi ko pa man siya tinatanong ay muli siyang nagwika. "Kinitil nila ang buhay ng aking mahal" muling nagbatis ang kanyang mga mata, maging ang akin. Iyon pala ang dahilan, dito siya naninirahan ngunit paanong hindi ko man lamang siya nasumpungan dito? Nakakalungkot, sa aming pagsasama ay aking napatunayan na isa siyang kaibigan, siya din pala ay kasintahan ni Samuel. Inilibot ko pang muli ang aking mga mata, sana ay siya na ang huling tumatangis para sa kaniyang namatay na mahal sa buhay ngunit ako ay nagkamali, si Lilia ay naroron at tumatangis nasa kanyang kandungan si Mang Emil na wala ng buhay. Mabilis akong tumakbo patungo sa kanya at agad siyang kinarga, alam kong ama niya ito ngunit hindi nararapat na ganito niya maalala ang huli nilang pagkikita.

"Magpahinga na kayo" masaya akong makitang buhay si Asuncion. Inilapag na niya ang kumot sa akin, nginitian ko siya bago tuluyang ipinikit ang aking mga mata. Kinabukasan ay nagising ako sa mabangong amoy ng pagkain, mabuti naman at kahit papaano ay mayroon pa silang sigla upang makapagluto. Nang aking imulat ang aking mga mata ay kakaiba ang aking paligid, ako ay nasa aking silid na.

Sandali! Mabilis akong bumangon at lumingon sa salamin na nasa sulok ng aking silid. Nasaan si Basti? Siya ba ay bumalik na sa kanyang panahon? Paano akong nakauwi dito? Kamusta na kaya ang mga tao sa itaas ng bundok? Napakaraming tanong nasa aking utak kaya't minabuti kong lumabas ng aking silid. Nagulat ang mga abalang tagasilbi at napatigil sa kanilang ginagawa upang ako ay pagmasdan.

"Anak?" nilingon ko ang tinig, maaayos na ang kanyang kalagayan. Naroroon na siya sa azotea at humihithit ng kanyang tobacco. Litong lito man ako ay mabilis ko siyang sinunggaban ng yakap. "Ama! Nagagalak akong mabuti na ang iyong kalagayan" niyakap din niya ako at higaod ang aking likod. Nang ako ay bumitaw ay mahina niyang hinampas ang aking braso na tila ba pumatay ng lamok. "Para iyan sa iyong ginawa, nagdulot ka ng matinding pag aalala. Saan ka ba nagmula Ingrid? Hindi ka man lamang nagpaalam". Sunod sunod niyang sabi na mayroong halong galit. "Ama hindi po ba ay nagpadala ako ng liham sa inyo?" pagtataka ko. Hindi ba nila ipinadala ang aking liham kanila ama? Umiling siya, "Hindi mo pinag isipan ang iyong ginawa, sapat na siguro ang isang linggong pahinga mula sa paggamutan upang makapag isip kang maayos muli". Umalis siya at naiwan ako doong tulala sa kaniyang mga sinabi.

Sa pagdungaw ko sa azotea ay natanaw ko ang nais kong makita ngayong umaga. Agad akong tumakbo palabas ng aming tahanan ay mahigpit ko siyang niyakap habang siya ay nakatalikod. "Mukhang namiss mo ako agad ah" hinawakan niya ang aking mga kamay na nananatiling nakayakap sa kanyang tiyan. Humarap siya at ipinulupot ang aking mga kamay sa kanyang batok at kanyang kamay ay sa aking baywang. "Bagong gising ah, magandang umaga" nginitian niya ako. Aking naalala na hindi man lamang ako naghilamos ng aking mukha o nagsepilyo man lamang. "Akala ko ay iniwan mo na ako" tinakpan ko pa ng aking kamay ang aking bibig, nakakahiyang maamoy niya ang aking hininga tuwing bagong gising. Tumawa siya sa aking ginawa ngunit tumugon din at nagtakip ng bibig, "Hindi mangyayari iyon".

"Ingrid, Ginoong Sebastian ano sa tingin ninyo ang inyong ginagawa?" sa gulat ay mabilis kaming bumitaw sa isa't isa. Nagmano ako kay ina at nagbigay galang naman si Basti. "Anak, tingnan mo ang iyong sarili? Kababalik mo lamang mula sa iyong pagrerebelde ngunit ngayon naman ay masasaksihan ko ang inyong kapusukan na dalawa sa pagsikat pa ng araw? Bumalik ka sa iyong silid at mag ayos ng sarili" galit niyang sabi. "At Sa iyo Ginoong Sebastian, magandang umaga ngunit maaari ka ng makaalis" muli siyang nagbigay galang bago sumakay sa kalesa at umalis. Magsisimula na pala siyang muli sa kanyang trabaho.

Nagbalik na ako sa aking silid at umupo sa harapan ng aking salamin. Nang aking makita si ina ay hindi man lamang ako natuwa bagkus ay nagbalik lamang sa akin ang ideyang pinagtataksilan niya si ama. Nais kong malaman kung ipinagpapatuloy pa rin niya ang kanyang gawain. Mayroon akong isang linggo upang gawin iyon, napakagandang pagkakataon ang ibinigay ni ama sa akin.

When In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon