KABANATA 15

3 0 0
                                    

“Huling tanong, gusto ko oo ang sagot mo ha” ngiti pa niyang sabi, “Pa-“ magsasalita pa sana ako ngunit kanyang inilagay kaniyang hintuturo sa tapat ng aking labi. “Pwede ba kitang ligawan, Binibini?” naistatwa ako sa kaniyang tanong at tanging mga kuliglig lamang ang nagsusumigaw para sa aking puso na ngayon ay nag uunahan ang tibok.

Hindi ko batid kung umabot ng ilang minuto ang katahimikan kasabay ang ilang metrong layo ng aming tinginan. Ako na ang pumiling kumalas at agad iniba ang usapan, maging ang aking tingin ay hindi magkandaugaga sa pag iwas. “Bakit mo ako liligawan gayong mayroon ka nang kasintahan? Ikaw talaga ay taksil, ako ay hindi na magtataka” napangisi na lamang ako sapagkat nagbalik sa akin ang kanilang mga masamang gawain ni ama. “Diba sabi ko nga, hindi kami ni Bruella” napakamot pa siya sa kaniyang batok na tila bay nahihirapan sa pagpapaliwanag sa akin. “Ganoon ba ang iyong pakikitungo sa lahat ng kababaihan, nakikipagyakapan?” nakapamewang pa ako sa kaniyang harapan. Bakas sa kaniya ang pag aagam agam at tumingin pa siya sa paligid bago bumulong sa akin, “May sikretong misyon nga kasi ako” seryoso niyang sabi.

Ako ay hiyang hiya at inis na inis sa aking sarili ngayon sapagkat isa akong napakasamang anak, hindi ko man lamang nakuhang tanungin si ama at agad na akong nagduda sa kaniya. Hindi ko tuloy alam kung paano ko kakatukin ang pintuan ng kaniyang opisina na ngayo’y nasa aking harapan. Nais kong humingi ng tawad sa aking mga inasal at sabihin na rin ang aking naulinigan sa tahanan ng mga dela torres. Bukas na nga lamang. Napahiga na lamang ako sa aking kama at napatitig sa kawalan, akin pang naalala ang sinabi ni Basti.

“Alam ng papa mo lahat ng ginagawang korapsyon ng cabildo, ayaw pa niyang sabihin kasi gusto niya pa ng madaming proof. Nakikipagclose din siya sa kanila para mas mabilis naming malaman ang mga bagay bagay kasama na din yung pakikipagkita ko kay Bruella, pakiramdam ko ay madami din siyang alam sa ginagawa ni Don Valerio. Kaya wag ka ng magalit sa amin ng papa mo, please?”

“Magandang umaga anak, maayos na ba ang iyong pakiramdam Ingrid?” salubong sa akin ni ama sa hapag kainan. Hindi ko alam kung paano siya babatiin ng pabalik sapagkat ramdam ko pa rin ang kahihiyan. Binati ko na lamang silang lahat upang tumugon at magpakita na rin ng kagandahang asal. Umupo na ako at nagsimula na kaming kumain, akin namang napapansin na matamlay si ina. Siguro ay masama ang kanyang damdam kung kaya’t hindi ko na lamang siya gaanong kinausap. Nang matapos kami ay agad nang nagtungo si ama sa kaniyang opisina upang magtrabaho, ako naman ay inihatid si ina sa kanilang silid upang makapagpahinga.

Agad na akong nagtungo sa opisina ni ama upang siya ay makausap. Nadatnan ko siyang nakaupo suot ang kaniyang salamin at hawak ang makapal na papeles na kaniyang binabasa. Naroroon naman ako sa upuan na nakapwesto sa unahan ng kaniyang lamesa, walang imik at malikot ang paningin. “Iyo na bang nalaman ang katotohanan kung kaya’t ikaw ay naririto?” nagulat pa ako ng siya ang unang bumasag sa katahimikan. Napayuko na lamang ako sa kahihiyan, hindi ko alam kung paano ko sisimulan at kung saan. “Ahh” iyon lamang ang aking nabitawang salita at marahang tumango.

“Ama” sa wakas ay akin pang naalala ang tawag ko sa kaniya. Tumayo siya at binitawan ang mga papel na kanyang hawak at lumapit sa akin. “Pa-patawad po” nauutal pa ako sa pagsasabi noon, napapansin pala ni ama iyon at kanyang alam din na ako’y nagdadamdam. “Nais ko lamang iyong malaman na hindi ako nagagalit sa iyo Ingrid, sa katunayan ay ako ay panatag sapagkat mayroon kang pakialam sa mga tao. Patunay lamang ito na ikaw ay hindi sang ayon kung mayroong maling nagaganap sa aking pamumuno” tinapik niya ang aking ulo at nagpalakad lakad sa loob ng silid na tila ba ay marami ang kaniyang sasabihin.

“Ngunit nais kong siguraduhin sa iyo na hinding hindi ko iyon magagawa. Kung hindi mo nais ang maling pamumuno, paano pa akong iyong ama na nagpalaki sa iyong ganoong pag iisip”  dagdag pa niya at umupo sa isa pang silya na nasa aking harapan. “Hindi ako nagkamaling ikaw ay pamunuin ng isang pagamutan” ngiti niya, agad ding umaliwalas ang aking mukha sa kanyang sinabi. Tama ba ang aking narinig? “Ang ibig sabihin po ba niyan ay?” hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang siya ay tumango at ngayon ay hindi ko na rin napigilan ang aking sarili na siya ay yakapin.

When In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon