KABANATA 8

4 0 0
                                    

Pinili kong magmukmok sa aking silid at sundin ang utos ni ama na pansamatalang huwag lumabas ng aming tahanan, hindi lamang ako ngunit maging si ina. Labis ang pagmamahal at pag aalaga sa amin ni ina kung kaya't laki kong pasasalamat na ako'y kanyang anak. Kahit muling ulitin ang aking buhay, ano man ang antas at klase nito, pipiliin kong sila pa rin ang aking maging mga magulang. Sila ang aking huwaran ng pagmamahal.

"Ingrid, maaaring bang pumasok ang iyong ina?" napalingon ako sa pintuan ng aking silid na ngayon ay bukas. Lumakad ako mula sa tabi ng bintanang aking kinatatayuan at nilapitan siya. "Ina, bakit naman po hindi" tugon ko kasabay ang pag aalalay sa kaniya. Bumalik kami sa tabi ng bintana at pinanuod ang tahimik na palagid, tanghaling tapat ngayon at kasalukuyang nagsisiyesta ang lahat maliban sa amin. "Ina, maaari po ba akong magtanong?" pagbasag ko sa aming katahimikan. "Ano iyon anak?" mahinahon niyang sabi. "Ang isa't isa ba ang unang pag ibig ninyo ni ama?" walang pag aalinlangan kong tanong.

Sandali siyang natahimik bago tuluyang sumagot, "Sa katunayan anak ay hindi, nagkaroon ako noon ng ibang kasintahan ngunit ako ay hindi ipinagkasundo sa kaniya. Mahal namin noon ang isa't isa subalit lubhang malakas ang kapangyarihan ni ama kaysa sa pag ibig niya. Pero nang ako ay ipakasal sa iyong ama ay kami'y nagmamahalan na" ngiti niyang sabi. "Bakit mo naitanong?" dagdag niya, agad naman akong umiling at nginitian na lamang siya.

Wala rin namang kasiguraduhan kung seryoso nga ba o sadyang nagbibiro lamang si Basti sa kanyang sinabi noon sa akin sa tabing lawa. Hindi ko na rin naitanong sa kaniya sapagkat ako'y nataranta at agad bumalik sa aking silid. Halos magtatatlong araw na rin nang huli kaming nagka usap. Hindi ko siya nais makaharap sapagkat, sapagkat, hindi ko din alam. At isa pa'y abala pa rin sila sa ngayon sa pagamutan sapagkat mas lalo pang nadaragdagan ang bilang ng mga nagkakasakit.

"Mukhang ika'y umiibig na" nalimutan ko ang presensya ni ina sa aking tabi sapagkat nalunod ako sa pag iisip kay Basti. "Ina, totoo po ba ang sabisabi?" muli kong tanong sa kaniya, isa ito sa aking paborito sa tuwing kasama ko si ina, napakarami kong natututunan. "Ang alin?" tugon niya. "Na kapag ika'y umiibig na, iyong madarama ang halo halong emosyon. Animo'y bumabaliktad ang iyong sikmura, kinakabahan, at nanghihina ang mga tuhod?" paglilinaw ko kay ina, hindi man niya alam ay nililinaw ko lamang din kung ako ba ay umiibig na sapagkat alinman diyan ay hindi ko naramdaman sa tuwing aking kasama si Basti.

"Ingrid, iyon din ang aking inakala noon ngunit mali ako sapagkat ang nadama ko sa iyong ama ay ang kapayapaan, lubag ng loob at kalma" sagot niya at bakas doon ang totoong tuwa. Ako rin ba'y umiibig na?

Sinubukan kong magpaalam kay ina na saglit akong mamasyal sa aming hardin. Nais ko lamang mapag isa at dala ko rin ang aking gitara upang malibang sa aking pagpapahinga. Sinubukan kong tumugtog ngunit akin nalilimutan ang bawat kuwerdas na dapat kong tipahin upang makabuo ng tunog. Pilit kong inaalala ngunit tanging 'Pwede ba kitang ligawan Ingrid?' 'Ingrid' 'Ingrid' 'Ingrid'. Napailing ako sa aking sarili sa aking mga naiisip.

"Señorita" isang mahinang tawag ang aking narinig, lumingon lingon pa ako upang hanapin ang nagmamay ari ng boses na iyon ngunit hindi ko siya matagpuan. "Señorita" muli nitong tawag. Napukaw ang aking tingin sa aming pultahan, isang batang babae ang naroroon at hjalos nakaluhod na siya. Agad kong binitawan ang aking gitara at patakbong lumapit sa kaniya. Nagsisiyesta ang mga bantay kung kaya't ako lamang ang nakakita sa kaniya.

"Señorita, maraming salamat po" naluluha na ang batang aking nasa harapan habang siya ay kumakain. Agad ko siyang ipinasok sa aming tahanan at agad pinakain noong siya ay hinang hina at nagmamakaawa doon sa labas. "Kumain kang maigi" ngiti kong tugon sa kaniya. Batid kong labis ang kaniyang gutom sapagkat naubos niya ang pagkaing inihanda ko sa kaniya. "Ano nga pala ang iyong ngalan?" tanong ko sa kaniya. "Lilia po Señorita" magalang niyang tugon. "Anong nangyari sa iyo? Nasaan ang iyong mga magulang?" pag uusisa ko sa kaniya, natigilan naman siya sa pagkain at mukhang nalungkot.

When In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon