Nang matapos na ang pangagagamot kay ama ay naging kalamado na siya maging ang buong kabahayan. Nakarating na rin si ina ngunit patay malisya lamang na siya ay nahuli ng aksyon. Mabuti naman at mahimbing na ang tulog ni ama kung kaya’t ako ay nagtungo muna sa aming azotea. Hindi ko nais magpahinga sapagkat hindi rin naman ako dadalawin ng antok, akin na lamang babantayan si ama.
“Hindi ka pa ba matutulog?” tanong niya. Naroroon na rin ngayon si Basti sa aking tabi at tinitingnan ang kabilugan ng buwan na natatakpan ng makakapal na ulap. Hindi ko siya tinugon bagkus ay tiningnan ko lamang siya, ganundin naman ang kanyang ginawa ngunit siya rin ang unang bumawi ng tingin. Tumawa pa siya ngunit naubo pa siya kung kaya’t huminto na lamang din at tumahimik. Hindi ko maisatinig ang pagpapasalamat ko sa kaniya ngayon, kung hindi dahil sa kaniya at ng kasama niyang doctor ay hindi ko na alam kung ano ang kahahantungan ng aking ama.
Akin na sana siyang pasasalamatan ngunit agad akong nawalan ng balance dahil sa pagkahilo. Agad din naman akong napakapit sa maliit na lamesa at inalalayan din niya ako at pinaupo. “Ayos ka lang ba?” baksa sa kaniya ang pag aalala. “Aray” mabilis kong binawi ang aking kamay noong may mahapdi siyang nahawakan sa aking siko. “May sugat ka ah, napano to?” hindi ko a man siya nasasagot ay mabilis niyang tinahak ang kanyang silid at agad bumalik na may daladalang panggamot. “May iba ka pa bang sugat?” inilapag na niya ang kanyang mga gamit sa lamesa. Pinakiramdaman ko pa ang aking sarili at nakaramdam ng kirot sa aking tuhod.
“Akin na ang kamay mo” napatitig lamang ako sa kanya sapagkat ako ay nagdadalawang isip ngunit wala naman itong mlisya, siya ay manggagamot at ako ay ang may sugat. Hindi naman niya ako magagamot kung kaming dalawa ay magtititigan lamang rito. Marahan kong iniabot ang aking kamay sa kanya, “Ayos lang bang hawakan ko?” tanong niya, kanya palang nahalata. Tumango na lamang ako at hinayaan na siyang gamutin iyon. “Ako ay inaalalayan ni ama pababa ng kalesa noong siya ay matumba kung kaya’t maging ako ay nahulog at bumagsak sa lupa” ngayon ko lamang natugunan ang akinan pa niyang tanong. Ngayon ko lamang din nalaman na ako ay nagkasugat sapagkat hindi pa ako nakakapaglinis ng aking katawan at nakakapagpalit ng kasuotan.
“Sa paa? May sugat ka ba jan?” hindi ko batid kung bakit napakalakas ng pang amoy niya at maging ang mga sugat ay alam niya kung saan naroroon. “Kaya ko na ang banda rito, hindi mo nararapat makita iyon” umiling na ako sa kanya ngunit ngumiti naman siyaa at tumango. “Wala na bang ibang masakit?” napatingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. “Mayroon pa” hinintay naman niya kung alin pa ang aking ituturo ngunit laking gulat niya noong itinapat ko ang aking kamay sa aking dibdib. “Sobrang sakit dito” at doon at tumulo na ang aking luha.
“Bakit siya pa? Sa lahat ng tao ay bakit ang aking ama pa ang dinapuan nito. Napakabuti niya at mapagmahal, napakaraming mga matapobre at napakasasamang tao, bakit hindi na lamang sila? Bakit iyon pang mga taong kay raming nagagawa, nagmamahal at minamahal ang dapat magkasakit?” napasubsob na lamang ako sapagkat hindi na kinakaya ng aking dibdib ang bigat. “Gaano ka man maging makapangyarihan, maging mabuti at maging masaya, hindi nito malalabanan at mapipigilan ang sakit na dadapo sa iyo.” Seryoso niyang sabi, pinunasan din niya ng kanyang kamay ang aking luha. “Ipagdasal natin sila, iyon ang pinakamagandang gawin ngayon. Ayos lang umiyak dahil masakit pero huwag kang iiyak dahil nawawalan ka na ng pag-asa. Tandaan mo, sa lahat ay ikaw ang dapat magpakita sa papa mo na may pag-asa pa atsaka hindi lang sa kanya, pati na din sa mga taong umaasa sa inyo” tinapik pa niya ang aking balikat at bumalik sa pagtanaw sa buwan.
Napakasarap ng mayroong ganitong nagpapaalala sa iyo at nagbibigay ng lakas. Ano na lamang kaya ang aking gagawin kung wala siya. Tumayo na ako sapagkat napagpasiyahan kong magpalit na ng aking kasuotan. Hinagkan ko siya sa kanyang pisngi at kinailangan kong tumingkayad upang maabot iyon. Naistatwa pa siya kung kaya’t ako ay nagwika, “Maraming salamat Ginoong Basti, magandang gabi”.
BINABASA MO ANG
When In Summer
Historical Fiction*Inspired by Nick Joquin's 'May Day Eve'* "Paano kung ako ay magkamali?" "Mahabag sa iyo ang makapangyarihan sa itaas!" "Bakit?" "Sapagkat ang diyablo ang magpapakita sa iyo!" Ating samahan si Ingrid sa kanyang pakikipaglaban para sa pangarap, pag i...