KABANATA 11

2 0 0
                                    

Hindi na namin nagawang kumain ng hapunan ng sabay sabay, si ina ay dinalhan na lamang ako ng pagkain sa aking silid sapagkat mainit pa daw ang ulo ni ama. Nais ko pa sanang puntahan siya sa kanyang opisina ngunit pinigilan na ako ni ina sapagkat kailangan na rin ni amang magpahinga at makapag isip ng mag isa. “Si Ginoong Sebastian naman ay nagpapahinga na rin sa kaniyang silid, pinadalhan ko na siya ng pagkan roon kung sakaling siya ay magutom” tugon ni ina sa tanong sa aking isipan.

Isang araw muli ang lumipas, nais kong umuwi ng maaga ngayon sapagkat nais kong kamustahin si ama at ipagluto sila ng hapunan ngunit dumiretso muna ako sa lawa sa upang lumanghap ng preskong hangin ang mapag isa sandal. Ako din ay nagbabakasaling naririto si Basti sapagkat wala na siya sa paggamutan noong ako ay umuwi marahil ay nauna na siya ngunit noong aking tinanong ang mga tagasilbi sa aming tahanan ay hindi pa daw ito umuuwi.

Nang makarating ako dito sa lawa ay wala rin naman siya ngunit napakasarap pakinggan ng katahimikan kung kaya’t akin na itong nilasap at nagpahinga muna sa ilalim ng puno. Nakaidlip pa ako ng sandali ngunit ako ay naalimpungatan sa kaluskos na aking narinig, inakala ko pang si Basti iyon ngunit iyon muli ang taong nakaitim na balabal. Agad akong nagtago sa talahiban upang hindi niya ako makita, maging ako naman ay hindi makita ang kanyang mukha ngunit kung aking pagmamasdan maliit siya masyado upanng maging lalaki. Pinanuod ko lamang siya at sinundan hanggang makarating siya sa aming tahanan, muli siyang dumaan sa aming pintuan sa likod bahay at nakakasalubong ang mga tagasilbi ngunit tila walang nakikita ang mga ito sapagkat dirediretso lamang sa pagpasok ang taong nakabalabal.

Lumabas na ako sa aking pinagtataguan noong akin siyang sundan at pinagpagan ang aking sarili upang magtungo sa loob n gaming tahanan. “Huy” halos malaglag ang aking puso noong ginulat ako ni Basti at hinawakan pa ang aking balikat. “Ano ka ba? Saan ka nanggaling?” tanong ko sa kanya, napakunot ang kanyang noo at nakapamulsa pa ang kanyang kamay “Ikaw nga dapat ang tinatanong ko nyan eh, tsaka bat nagtatago ka jan? sinong kalaro mo?” natatawa pa siya sa kanyang tinuran. Umikot na lamang ang aking mga mata at iniwan siya sa kaniyang kinatatayuan. “Huy saglit lang, nagbibiro lang ako” habol niya sa akin.

Hinarap ko na siyang muli upang kausapin, “Bakit hindi mo sa akin sabihin kung saan ka nga nanggaling” wika ko. “May inutos lang sakin ang papa mo, wala ka nga sa paggamutan nung bumalik ako eh, sabay sana tayong umuwi” sabi niya na may halong panghihinayang, maging ako rin ay ramdam iyon. Sandali, bakit naman ako manghihinayang? Hindi naman kami magkasintahan, nilalason niya ang aking utak. “Oo na, hindi nga tayo” tugon niya, nababasa ba niya ang aking iniisip? “Mabuti naman at batid mo” tugon ko habang nakahalukipkip pa ang aking kamay. “Paano tayo magiging magkasintahan kung di ka naman pumapayag na ligawan kita?” hindi ko maunawaan kung siya ba ay seryoso o nambubuska lamang.

“Ehem” paglilinis pa niya ng lalamunan. “Maaari na ba akong umakyat ng ligaw sa iyo Binibining Ingrid?” dagdag niya. Ramdam ko ang init sa aking mukha na tila lalagnatin at ang aking tiyan ay wari ba’y sa loob ay nagkakasiyahan. Alam na alam ko ang aking nais itugon sa kaniya ngunit hindi ko iyon masabi. Natikom lamang ang aking labi at hindi ko maaalis ang aking tingin sa kaniyang mga mata. Ilang beses ko na iyong narinig sa kaniya ngunit sa pagkakataong ito ay sigurado na akong siya ay seryoso.

“Bakit?” hindi iyon ang aking nais sabihin ngunit iyon ang lumabas na salita sa akin na akin ding sinang ayunan, bakit nga ba ako? “Hindi ko alam, ikaw nakikita ko sa future ko” tugon niya, future? Hinaharap? “Ikaw ang nakikita kong naglalakad papuntang altar, ikaw ang nakikita kong makakasama ko sa habang buhay, kumakalma ako at nagiging ayos ang lahat kapag nakikita kita, ikaw ang-” hindi ko na pinatapos ang kaniyang sasabihin sapagkat napakainit na ng aking mukha. “Oo” tugon ko. Napaawang pa ang kaniyang bibig at ilang segundong hindi nakapag salita, “Oo as in yes? As in sige? As in pwede na akong manligaw?” sunod sunod niyang sabi, tawang tawa na lamang akong tumango sa kaniya at nahihiya na din. Niyakap niya ako na aking ikinagulat ngunit agad siyang kumalas at nagtatalon pa sa tuwa, nagsisisigaw pa siya na animo’y nawala na sa katinuan.

When In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon