Third Person's Point of View
Matapos ang lahat ng mga pangyayari ay naparusahan na ang miyembro ng cabildo at ang mga kasabwat nito. Itinalaga ng Gobernador Heneral ang mga bagong miyembro nito. Ang dating Alcalde ay nagbitaw na din mula sa kaniyang pwesto kung kaya't maging ang pwesto nito ay may bagong nag mamay ari na din. Isa si Carlos sa mga napiling bagong miyembro ng cabildo at naging mahusay sa kaniyang trabaho.
Naging masaya naman ang bayan sa bagong pamamahala. Nagbalik na ito sa dati nitong sigla at kapayapaan lalo pa't maging ang mga guwardiya sibil ay mayroon nang bagong Tenyente, Tenyente Fernando Reyes. Siya na ang nagpapatupad ng batas at nagpapanatili sa kapayapaan at kaayusan sa bayan. Mabuti na lamang din at natagpuan na ang lunas sa kumakalat na sakit kung kaya't wala nang dapat pang ikabahala ang mga tao.
Sa itaas naman ng kabundukan ay naroroon ang masiglang komunidad. Naroroon si Asuncion na masayang nag aalaga kay Lilia at sa mga batang anak ng kanilang mga kaibigan habang ang ilang mga matatanda ay nagtatanim at inaalagaan ang kanilang mga halaman. Ang dating alcalde ay matatagpuan mo namang masayang nagtatanim kasama sila. Simpleng buhay lamang ngunit maligaya.
Sa isang panig ng komunidad ay matatagpuan mo ang isang dalagang nakaupo sa harapan ng isang klinika. Pinapanuod niya ang mga batang nagtatakbuhan at masayang naglalaro, kung may pagkakataon ay nadadapa ang ilan sa mga ito at kanyang ginagamot. Siya ang takbuhan tuwing mayroong nasusugatan at nagkakasakit sa komunidad na iyon. "Maraming salamat po ate Ingrid" saad ng bata at hinalikan siya sa pisngi bago umalis.
Sa kabilang panahon naman na may napakaraming dekadang pagitan. Mayroong isang doktor na mahusay na ginagampanan ang kanyang trabaho. Masaya niyang pinaglilingkuran ang mga may sakit at buong pusong inaalagaan ang mga ito. Tila nag uumapaw siya sa pagmamahal kung kaya't ipinamimigay niya iyon sa iba. Hindi niya maunawaan ngunit sa kaniyang sarili ay panatag lamang siya na may isang nilalang na minamahal siya at niya ng lubos.
BINABASA MO ANG
When In Summer
Historical Fiction*Inspired by Nick Joquin's 'May Day Eve'* "Paano kung ako ay magkamali?" "Mahabag sa iyo ang makapangyarihan sa itaas!" "Bakit?" "Sapagkat ang diyablo ang magpapakita sa iyo!" Ating samahan si Ingrid sa kanyang pakikipaglaban para sa pangarap, pag i...