Tulala akong bumalik sa aking silid, bakit ganoon si ama, masyado na siyang mabuti na umaabot na sa puntong inaabuso ito ng mga taong may maiitim na balak. Sana ay ibinaling na lamang niya ang kabutihang iyon sa mga taong kanyang nasasakupan at higit na nangangailangan hindi sa mga taong miyembro ng cabildo na nais lamang ng salapi at hindi ang ikabubuti ng lahat.
"Ayos ka lamang ba?" tanong ni ina na ngayon ay sinusuklayan ang aking buhok sa harapan ng salamin. Tiningnan ko lamang siya sa repleksyon at napayuko, mabigat ang aking pakiramdam sa mga nangyayari. Bakit ganoon? Hindi ba maaaring matapos ang aking araw na masaya lamang? Bakit kailangang mayroon palaging magpapasakit ng aking puso at nagpapabigat sa aking nararamdamn bago ako tuluyang makatulog.
"Ingrid, iyo na lamang intindihin ang iyong ama. Kung may nais ng kabutihan ng nakararami, iyon ay siya na namumuno" mahinahon niyang sabi. Marahan akong tumango sa kanyang repleksyon, sana nga ay tama sila at ako ay mali sapagkat hindi ko nais na sila ay mapahamak sapagkat wala akong ginawa.
Ngayon ko lamang napansin na hindi ko masyadong nakikita si ina sa aming tahanan, ngayon ko na lamang siya muling nakausap. "Ina, mayroon po ba kayong pinagkakaabalahan?" tumigil siya sa pagsusuklay ng aking buhok at tiningnan ang aking repleksyon ngunit agad niya ring binawi iyon. "Bakit mo naitanong? May nais ka bang gawin na ako ay kasama?" tanong rin naman ang naging tugon niya sa akin. Umiling ako at nginitian siya, siguro ay labis lamang akong naging abala kung kaya't ngayon na lamang kami muling nagkausap.
"Siya nga pala, kamusta kayo ni Ginoong Sebastian?" tanong niya dahilan upang mamula ng aking mukha. "Maayos naman po ang aming pagkakaibigan" iniwas ko pa ang aking tingin sapagkat alam ni ina kung kailan ako nagsisinungaling. Ngumiti siya ng kakaiba at tumingin na wari ko ba ay nanunuya. "Ikaw ba ay sigurado na sa kanya?" hindi ko maunawaan kung siya ba ay tutol o hindi kay Basti. Hindi ko siya mabigyan ng tugon sapagkat maging ako ay hindi alam ang kasagutan. Ako ay natahimik na lamang at nagpatuloy sa pag iisip.
"Siya nga pala Ingrid, si Ginoong Andreo ay ilang araw nang nagpapabalik balik dito ngunit ikaw ay hindi niya naaabutan" tumayo siya at ako ay hinarap. "Anak kung ikaw ay hindi pa sigurado kay Ginoong Sebastian ay bakit hindi mo rin bigyan ng pagkakataon si Ginoong Andreo? Aking naulinigan na siya ay malaki na ang ipinagbago, muli mo siyang kilalanin" dagdag pa niya na tila ba ay botong boto siya dito. Ako ay napaisip, marapat ko rin bang bigyan ng pagkakataon si Andreo? Ngunit hindi naman siya nagsasabi at bakit ko ibibigay ang isang bagay na hindi naman hinihingi.
"Narito ang kanyang mga liham sa iyo" iniabot niya sa akin ang limang sobre. Napakarami naman yata, ito rin ba ang bilang ng beses kung kalian siya dumalaw dito na hindi ako naaabutan? "Maiiwan na din kita, ikaw ay magpahinga na anak. Huwag mo na ring masyadong isipin ang desisyon ng iyong ama, sa aking palagay naman ay alam niya ang kanyang ginagawa" hinalikan pa niya ako sa noo at mapayapang nilisan ang aking silid.
Nanatili ako sa aking upuan at binuksan ang isa sa mga liham.
Binibining Ingrid,
Nais ko sanang ikaw ay sunduin sa inyong tahanan kaninang umaga ngunit ikaw ay wala na. Akin kitang dinalaw sa paggamutan ngunit hindi rin kita doon nasumpungan. Ako naman ay isang hibang kung iisiping ako ay iyong iniiwasan ngunit nais ko lamang na ikaw ay kilalanin sapagkat noon pa man ikaw ay nagpapamalas na ng katalinuhan at kagandahan.
Nakikiusap,
G. AndreoAgad akong kinilabutan sa kaniyang mga sinabi sa liham na ito. Binitawan ko na ang iba pang natitirang liham at humiga na sa aking kama. Ano bang mayroon at nagsisilabasan ang mga ginoong nais akong kilalanin. Ipinikit ko na ang aking mga mata upang magsimulang magpahinga, ipahinga ang aking utak at damdamin sa dami ng mga pangyayari ngayong araw.
BINABASA MO ANG
When In Summer
Historical Fiction*Inspired by Nick Joquin's 'May Day Eve'* "Paano kung ako ay magkamali?" "Mahabag sa iyo ang makapangyarihan sa itaas!" "Bakit?" "Sapagkat ang diyablo ang magpapakita sa iyo!" Ating samahan si Ingrid sa kanyang pakikipaglaban para sa pangarap, pag i...