'Kung babalik man siya ay kailangang buhay siya'
Hindi ko maunawaan kung nais ko bang siyang mabuhay sapagkat iyon din ang paraan na siya ay makabalik. Umiling na lamang ako sa ideyang iyon, matagal pa ang araw na dadating iyon. Hindi pa niya ako iiwan, at huwag na lamang sana.
"Anong ginagawa mo?" napatingin ako sa kanya na ngayon ay gising na. Nasaksihan niya ang pag iling ko sa aking sarili at kung ano anong ekspresyon ng aking mukha. Kahiyahiya. "Mabuti at nagkaroon ka na ng malay" nginitian ko siya at iniba ng usapan. "Oo naman gigising talaga ako lalo pa't tinawag mo kong mahal" kasabay noon ay ang malawak niyang ngiti. Kumunot naman ang aking noo sapagkat hindi ko maalala ang kanyang sinasabi. "Mahal, huwag kang bibitaw malapit na tayo" sabi niya at pilit ginagaya ang aking boses.
Nanlaki ang aking mga mata sapagkat akin nang naalala. Mabilis akong tumayo, "Ipaghahanda lamang kita ng makakain" iwas ko ngunit bago pa ako makaalis ay kanya nang nahawakan ang aking kamay. "Hindi ko gustong kumain, gusto kong dito ka lang" hinila niya ako dahilan upang muling mapaupo sa aking upuan. "Kung gayon ay kukuha na lamang ako ng aking makakain" muli akong tumayo ngunit pinihilan niya akong muli.
Akma na akong magsasalita ngunit agad niyang ininda ang kanyang sugat. "Ouch" agad akong nataranta ngunit muli siyang ngumiti. "Oh diba, sabi ko sayo dito ka lang muna. Madaming masakit sakin, kailangan kita" wika niya. Nakukuha pa niyang magbiro at magpatawa gayong kaawa awa ang kanyang kalagayan.
"Ikaw ba ay hindi nagsisisi?" nasabi ko nalamang. "Saan?" tugon niya. "Kung hindi mo tinanggap ang alok ni ama na panandaliang mamuno ay siguradong hindi ito mangyayari sa iyo" nanlulumo pa rin ako sa kanyang kalagayan. "Hindi ako magsising naglingkod ako sa bayan. Alam mo bang ito lang ang kaya kong gawin sa inyong panahon. Pasasalamat ko to kasi naging mabait sakin ang panahon mo. May mabait na boss, maayos na work at higit sa lahat magandang girlfriend" mahina niyang pinisil ang aking ilong. Hinampas ko ang kanyang kamay at agad siyang napaaray doon.
"Sandali lamang, anong iyong ibigsabihin?" tanong ko. "Sus, magandang girlfriend, ikaw yun magandang kasintahan" biro pa niya. Umiling akong muli, "Hindi iyon ang aking ibigsabihin, anong ibig mong iparating sa iyong sinabi na naging mabuti sa iyo ang aking panahon?" ako ay naguguluhan. Hindi kaya? "Naaalala ko na ang lahat" seryoso na siya.
"Kaya pala ganito ako, galing ako sa ibang panahon. Sa hinaharap yun, malaya na kami dun tsaka iba na din ang pamumuhay tsaka doctor ako dun" ngiti niya. Napangiti na lamang din ako, aking naiisip ang kanyang panahon. Paano kaya kung doon na lamang din ako ipinanganak? "Maaari din bang maging doktor ang mga kababaihan sa iyong panahon? bulalas ko. "Oo naman, gusto mo noh" tumawa tawa pa siya habang ako ay binubuska. "Pero paano ka nakarating dito?" hindi maubos ubos ang aking tanong.
Nanatiling hawak niya ang aking kamay, pinaglalaruan ko lamang ang kanyang daliri habang siya ay pinakikinggan. "Hindi ko din talaga alam, basta ang huli kong naalala hatinggabi na nun tapos naalala ko yung kwento sakin ni lolo. Sa kalokohan ko eh ginawa ko yun tapos boom! Ayun na nandito na ko" hindi ko maintindihan ngunit masaya pa din siya habang nagkukwento. "Anong kwento?" pinatong niya ang aming kamay sa kanyang dibdib. "Sabi kasi ni Lolo makikita ko daw dun yung nakatakda para sakin sa salamin. Ang wierd nga eh pero dahil desperado na ko ginawa ko na" muli siyang tumawa.
"At ikaw ay maligaya pa sa nangyari sa iyo" hinila ko na ang aking kamay mula sa kanya. "Oo naman, kung di yun nangyari eh di kita makikilala" muli niyang kinuha iyon at hinawakan ng mahigpit. "Ngunit sino ang iyong nakita sa salamin?" hindi ko siya mapagmasdan sapagkat hindi ako handa sa kanyang isasagot. "Edi ikaw"
~~~
Ilang araw pa ay tuluyan na siyang lumakas. Binisita ko din sa kanilang tahanan sila Fernando upang gamutin at magpasalamat. Naging magaan naman ang loob sa kanila ni Basti at gayundin sila dito. Maligaya man ako sa lugar na ito ngunit hindi na ako maaari pang magtagal. Ako ay mayroon ding pamilya na naghihintay at nag aalala sa akin kung kaya't ako ay naghanda na sa aking pag alis.
BINABASA MO ANG
When In Summer
Historical Fiction*Inspired by Nick Joquin's 'May Day Eve'* "Paano kung ako ay magkamali?" "Mahabag sa iyo ang makapangyarihan sa itaas!" "Bakit?" "Sapagkat ang diyablo ang magpapakita sa iyo!" Ating samahan si Ingrid sa kanyang pakikipaglaban para sa pangarap, pag i...