KABANATA 3

6 1 0
                                    

Vientetres de Marso mil dieceocho cincuenta y cinco, samakatuwid ngayon ay aking kaarawan.

Buong ngiti ako sa aking pagbangon sapagkat ito ang aking unang araw bilang viente anyos. Magdamag ang naging paghahanda sa buong mansyon lalo pa't unica hija ng alcalde ang may kaarawan. Maging ako ay maiging pinaghandaan ito sapagkat tandang tanda ko pa ang ipinangako ni ama sa akin.
'Anuman ang iyong hiling sa iyong kaarawan ay pipiliting ibigay sa iyo ng ama'

Hindi na ako makapaghintay, wala akong bahid ng takot lalo pa at nagkaroon din siya ng pangako na hindi niya ako ipagkakasundo sa taong hindi ko nais pakasalan, na napakalaking pabor sa akin sapagkat sa ganitong edad ipinagkakasundo ng kanilang mga magulang ang kanilang mga anak.(dito sa aming lugar lamang iyon, sa iba ay mas bata pa)

Isang ayuntamiento ang pinamamahalaan ni ama kung kaya't paniguradong ang buong cabildo ay pinaabutan niya ng paanyaya ngayong araw, napag alaman ko ring dadalo ang gobernador-heneral Antonio de Urbistondo y Eguía. Maging si ina ay maraming amiga na inaasahang dumalo at ako, tanging si Madre Leonor lamang na aking maestra ang aking inimbitahan.

Wala akong mga amistad sa aking mga kamag aral. Lahat sila ay galit sa akin at alam ko namang kasakasama sila ng kanilang ina o ama kahit hindi ko sila imbitahan. Mabuti na lamang dahil kung hindi ay masasayang lamang din ang aking imbitasyon.Nagpaganda akong mabuti at handang handa na ako kahit pa gabi idadaos ang handaan.

Dumalo muna kami ng misa ngayong umaga ngunit hindi ko namalayang natapos na rin kaagad ito dahil buong araw akong wala sa aking sarili. Inaalala ko ang aking kakaibang panaginip na hindi ko mawari kung tunay nga ba itong panaginip.

Naalimpungatan ako mula sa aking mahimbing at masayang pagkakatulog at agad napabalikwas, akala ko ay umaga na at ito na ang araw na aking pinakahihintay ngunit nang mapatingin ako sa aking orasan ay menos dies bago mag alas dose ng gabi. Bukas ang aking lampara sapagkat hindi ko kayang matulog sa ng walang liwanag bagamat may sinag ang buwan ngayong gabi.

Napaupo lamang ako sa aking kama at napatulala sa malaking salamin na nakatindig sa gilid ng aking mesa. Naalala ko tuloy noong katorse pa lamang ako, masyado pang mangmang at matatakutin noong sinubukan kong gawin ang kalokohan ni Asuncion. Ngunit sa aking takot, bago ko pa maimulat ang aking mata ay agad akong tumakbo papalayo sa salaming iyon at tumungo sa silid ng mabilis pa sa kidlat.

Kapag aking naalala iyon, may napakalaking panghihinayang sa aking puso. Ano kaya kung hinarap ko na lamang iyon at pinandigan? Ano kaya ang aking makikita, hindi sana ako ngayon nabababagabag at nanghihinayang. Nagbuhos na ako ng lakas ng buong tapang at lakas ng loob upang harapin ang salaming iyon ngunit nang malalaman ko na ang kasagutan ay tsaka naman ito aking tinakbuhan.

Tumayo na ako at kinuha ang kandila sa loob ng aking aparador. Sinindihan ko ito at agad humarap sa aking salamin, pinatay ko rin ang sindi ng lampara upang mas maging epektibo ito kung totoo man, mabilis ang aking bawat pagkilos sapagkat hindi lo nais maunahan pa ako ng kaba at pag atras. Ipinikit ko ang aking mga mata at agad ibinulong, "Salamin, salamin, ipakita ngayundin kung sino ang para sa akin".

Napakalakas na hangin ang bumalot sa buong kabahayan. Ang nakabukas kong bintana ay halos kumalas sa pagkakakabit nito. Bago ko pa man imulat ang aking mata ay nahipan na ng hangin ang daig ng aking kandila. Tanging sinag na nagmumula sa buwan ang nagsisilbing liwanag sa aking silid. Dahan dahan akong napatingin sa isang pigura sa aking likuran, siya nasa bandang kaliwa ng aking balikat. Matangkad siya ngunit hindi ko maaninag ng maayos ang kanyang mukha.

When In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon