Kinabukasan bago pa man sumikat ang araw ay naglakbay na ang lahat pabalik sa komunidad kasama ang mga bihag. Masayang masayang sinalubong mga tao doon ang aming pagdating, mayroon pa silang hinandang maliit na salo salo para sa amin. Bawat tahanan ay mayroon iniluto at samasama nilang inihain para sa amin. Tanaw sa kanilang mga mata ang ligaya, mayroon man silang mga mahal sa buhay na pumunaw ngunit hindi iyon naging dahilan upang sila ay hindi magsaya ngayon lalo pa't malapit na nilang lubusang makamit ang hustisya para sa mga ito. "Mabuhay!" sabay sabay nilang sigaw
Samantala hindi padin mawala sa aking isipan ang pangyayari kagabi. Aking inakala na nasagot na ang bawat katanungan para sa akin ngunit dinagdagan pa iyong muli ni Basti. Halos hindi ko din nagawang pilitin ang aking sariling makatulog kagabi.
"Gusto mo din ba akong pakasalan?" napamaang na lamang ako sa kanyang katanungan. Hindi ko ito inaasan, hindi kaya't nagmamadali siyang masyado? Ngunit kung ako lamang ang tatanungin ay handa na ako. Naisip ko lamang ang magiging reaksyon ni ama at ni ina. Alam kong isa sa aming mga bihag si ina at napakasakit para sa akin ang ideyang iyon ngunit kailangan niyang pagbayaran ang lahat ng kanyang mga kasalanan sa ilalim ng batas. At kung makakalaya siya ay handa namin siyang tanggapin ni ama kung gugustuhin pa niyang kami ay balikan. "Uy?" muli akong naoatingin sa kaniya, malayo na ang narating ng akong pag iisip. "Ano nga ang iyong sinasabi?" aking pag uulit, hindi kaya ay nabibingi lamang ako? Ngumiti siya at ginulo ang aking buhok bago muling nagwika, "Parang ayaw mo pa, sige ok lang yun". Sandali lamang, gustong gusto ko. "S-sandali, kita'y pakakasalan ngunit ikaw ba ay hindi masyadong nagmamadali? Ako ba ay totoong iyong mahal? Baka naman ikaw ay nagkakamali lamang" aking sunod sunod na sabi. Tumawa naman siya ng mahina "Siguro nagmamadali nga ko pero di ibig sabihin nun eh di ako handa. Mahal na mahal kita at sapat na yung rason para pakasalan kita at isa pa.." untiunting napawi ang kanyang mga ngiti at napalitan ng lungkot sa kaniyang mga mata. Muli siyang tumanaw sa buwan at nagwika, "Nararamdaman kong malapit na". Natulala lamang ako sa kaniya, nawala na sa aking isipan ang bagay na iyon sapagkat napakarami na ding naganap. Nalimutan kong hindi siya nabibilang sa lugar na ito at anumang oras ay maaari na siyang mawala at iwan ako.
Napagpasyahan naming ipagpaalam ito kay ama ngayong araw. Sa katunayan ay hindi ko malaman kung ako ba ay mananabik sa pagdating ng araw na iyon o ako ba nanaisin na lamang na hindi pa umusad ang mga oras upang lalo pa siyang magatagal sa panahong ito. Mabilis akong dumiretso sa tahanan ni Asuncion nang kami ay makarating. Nang akin siyang makita ay kaagad ko siyang niyakap. Ramdam ko ang kanyang pagkagulat ngunit ilang sandali pa ay niyakap din niya ako pabalik. "Ikaw ba ay mayroong suliranin?" tanong niya habang kami ay nananatiling magkayakap. Kumalas na ako at siya ay tiningnan, "Asuncion, tama ba ang aking ginawa?" tanong ko. Inalalayan niya akong maupo atsaka tumugon. "Kung batid mong tama ang laman ng iyong puso ay sundin mo lamang ito" itinapat niya ang kanyang kamay sa aking dibdib. "Paano naman kung nagsisinungaling lamang ito? Paano kong mababatid?" tanong kong muli. "Ikaw ang nagmamay ari nito, ikaw lamang din ang makakaalam noon" sagot niya.
Ilang sandali pa ay nagsimula nang magsikain ang mga tao. Nagsilbing umagahan ito para sa kanila. Katulad nila, ako ay nagagalak din ngunit hindi ko magawaang makisalo sapagkat nilalamon ako ng mga kung ano anong ideya. "Anak, ikaw ba ay hindi nagugutom? May nais ka bang kainin?" tanong niya at naupo sa aking katabing silya. Umiling na lamang ako nginitian siya, "Ama" panimula ko ngunit bago pa man siya tumugon ay siyang pagdating naman ni Basti. "Sir" nabigay galang pa siya at tumayo sa aking likuran. Sinulyapan ko pa siyang saglit bago muling humarap kay ama. Paano niyang nabatid ang aking sasabihin? Tamang tama ang kanyang pagsali sa aming usapan. "Ano iyon anak?" tiningnan ko lamang si ama at hindi ko batid kung paano ko sisimulan. Bakit kaya hindi niya ako tulungan, siniko ko naman ang hita ni Basti na nasa aking likuran. "Ahhh Sir, magpapakasal na po kami ng inyong anak" napapikit naman ako sa kanyang sinabi, hindi ba siya marunong ng tamang paghingi ng kamay ng isang binibini mula sa mga magulang nito? Napamaang naman si ama at kumurap ng ilang beses, walang ni isang nagsalita sa amin. Tila huminto din ang aking paghing at hinihintay ang kasagutan ni ama. Isang napakalakas na halakhak ang pinakawalan ni ama, mahaba at walang humpay. Hindi ko maunawaan ngunit tumawa din si Basti ngunit biglang tumigil si ama. "Sa aking opisina" seryoso niyang sabi at tumayo, wala naman kaming ibang nagawa kundi sundan siya.
BINABASA MO ANG
When In Summer
Historical Fiction*Inspired by Nick Joquin's 'May Day Eve'* "Paano kung ako ay magkamali?" "Mahabag sa iyo ang makapangyarihan sa itaas!" "Bakit?" "Sapagkat ang diyablo ang magpapakita sa iyo!" Ating samahan si Ingrid sa kanyang pakikipaglaban para sa pangarap, pag i...