“Huling tanong, gusto ko oo ang sagot mo ha” ngiti pa niyang sabi, “Pa-“ magsasalita pa sana ako ngunit kanyang inilagay kaniyang hintuturo sa tapat ng aking labi. “Pwede ba kitang ligawan, Binibini?” naistatwa ako sa kaniyang tanong at tanging mga kuliglig lamang ang nagsusumigaw para sa aking puso na ngayon ay nag uunahan ang tibok.
Hindi ko batid kung umabot ng ilang minuto ang katahimikan kasabay ang ilang metrong layo ng aming tinginan. Ako na ang pumiling kumalas at agad iniba ang usapan, maging ang aking tingin ay hindi magkandaugaga sa pag iwas. “Bakit mo ako liligawan gayong mayroon ka nang kasintahan? Ikaw talaga ay taksil, ako ay hindi na magtataka” napangisi na lamang ako sapagkat nagbalik sa akin ang kanilang mga masamang gawain ni ama. “Diba sabi ko nga, hindi kami ni Bruella” napakamot pa siya sa kaniyang batok na tila bay nahihirapan sa pagpapaliwanag sa akin. “Ganoon ba ang iyong pakikitungo sa lahat ng kababaihan, nakikipagyakapan?” nakapamewang pa ako sa kaniyang harapan. Bakas sa kaniya ang pag aagam agam at tumingin pa siya sa paligid bago bumulong sa akin, “May sikretong misyon nga kasi ako” seryoso niyang sabi.
Ako ay hiyang hiya at inis na inis sa aking sarili ngayon sapagkat isa akong napakasamang anak, hindi ko man lamang nakuhang tanungin si ama at agad na akong nagduda sa kaniya. Hindi ko tuloy alam kung paano ko kakatukin ang pintuan ng kaniyang opisina na ngayo’y nasa aking harapan. Nais kong humingi ng tawad sa aking mga inasal at sabihin na rin ang aking naulinigan sa tahanan ng mga dela torres. Bukas na nga lamang. Napahiga na lamang ako sa aking kama at napatitig sa kawalan, akin pang naalala ang sinabi ni Basti.
“Alam ng papa mo lahat ng ginagawang korapsyon ng cabildo, ayaw pa niyang sabihin kasi gusto niya pa ng madaming proof. Nakikipagclose din siya sa kanila para mas mabilis naming malaman ang mga bagay bagay kasama na din yung pakikipagkita ko kay Bruella, pakiramdam ko ay madami din siyang alam sa ginagawa ni Don Valerio. Kaya wag ka ng magalit sa amin ng papa mo, please?”
“Magandang umaga anak, maayos na ba ang iyong pakiramdam Ingrid?” salubong sa akin ni ama sa hapag kainan. Hindi ko alam kung paano siya babatiin ng pabalik sapagkat ramdam ko pa rin ang kahihiyan. Binati ko na lamang silang lahat upang tumugon at magpakita na rin ng kagandahang asal. Umupo na ako at nagsimula na kaming kumain, akin namang napapansin na matamlay si ina. Siguro ay masama ang kanyang damdam kung kaya’t hindi ko na lamang siya gaanong kinausap. Nang matapos kami ay agad nang nagtungo si ama sa kaniyang opisina upang magtrabaho, ako naman ay inihatid si ina sa kanilang silid upang makapagpahinga.
Agad na akong nagtungo sa opisina ni ama upang siya ay makausap. Nadatnan ko siyang nakaupo suot ang kaniyang salamin at hawak ang makapal na papeles na kaniyang binabasa. Naroroon naman ako sa upuan na nakapwesto sa unahan ng kaniyang lamesa, walang imik at malikot ang paningin. “Iyo na bang nalaman ang katotohanan kung kaya’t ikaw ay naririto?” nagulat pa ako ng siya ang unang bumasag sa katahimikan. Napayuko na lamang ako sa kahihiyan, hindi ko alam kung paano ko sisimulan at kung saan. “Ahh” iyon lamang ang aking nabitawang salita at marahang tumango.
“Ama” sa wakas ay akin pang naalala ang tawag ko sa kaniya. Tumayo siya at binitawan ang mga papel na kanyang hawak at lumapit sa akin. “Pa-patawad po” nauutal pa ako sa pagsasabi noon, napapansin pala ni ama iyon at kanyang alam din na ako’y nagdadamdam. “Nais ko lamang iyong malaman na hindi ako nagagalit sa iyo Ingrid, sa katunayan ay ako ay panatag sapagkat mayroon kang pakialam sa mga tao. Patunay lamang ito na ikaw ay hindi sang ayon kung mayroong maling nagaganap sa aking pamumuno” tinapik niya ang aking ulo at nagpalakad lakad sa loob ng silid na tila ba ay marami ang kaniyang sasabihin.
“Ngunit nais kong siguraduhin sa iyo na hinding hindi ko iyon magagawa. Kung hindi mo nais ang maling pamumuno, paano pa akong iyong ama na nagpalaki sa iyong ganoong pag iisip” dagdag pa niya at umupo sa isa pang silya na nasa aking harapan. “Hindi ako nagkamaling ikaw ay pamunuin ng isang pagamutan” ngiti niya, agad ding umaliwalas ang aking mukha sa kanyang sinabi. Tama ba ang aking narinig? “Ang ibig sabihin po ba niyan ay?” hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang siya ay tumango at ngayon ay hindi ko na rin napigilan ang aking sarili na siya ay yakapin.
“Ama, mayroon din po akong nais sabihin sa inyo” agad akong kumalas noong aking maalala iyon. Agad kong inilahad sa kaniya ang aking mga naulinigan sa tahanan ni Don Valerio. “Sa inyo pong palagay ama, saan kaya nila iyon ikinubli?” kapwa kami napaisip ng malalim sa loob ng kaniyang opisina. “Anak, nais ko sanang iyong ipaubaya na ang lahat sa akin, ikaw ay maging abala sa iyong pagamutan” may pag aalala niyang wika sa akin. Nais ko mang tumulong sa kanya ngunit tama siya, ang paggamot sa kanila at pananatiling buhay ang mga taong kaniyang nasasakupan ay malaking bagay.
“Ako ay nagagalak ate” tuwang wika ni Lilia na ngayon ay aking kasama lulan ng kalesa papuntang pagamutan. Akin siyang nginitian at pinisil ang kanyang pisngi na palagi kong ginagawa. “Ako rin naman ay matutuwa kung aking dadalawin ang aking ama” tugon ko. “Hindi lamang iyon ate, ako ay masaya sapagkat aking natatanaw ang ngiti sa iyong mga mata” at humagikhik pa siya. “Kung gayon ay napakalinaw pala ng iyong mga mata munting binibini” tugon ko na aming kapwa ikinatawa. Tama siya masaya ako sapagkat aking nabatid ang katotohanan at ako ay panatag sapagkat ang tama ang ginagawa ni ama at ni Basti, isa pa ay kaniya na rin akong pinayagang tuluyang pamahalaan ang pagamutan.
“Narito na po tayo” magalang na sabi ni Mang Kulas, inalalayan niya rin kaming bumaba. “Ate dito mo na lamang po ako iwan, kaya ko na ang magtungo kay tatay mula dito” masayang sabi ni Lilia, alam kong siya ay sabik na muling makita nag kanyang tatay kung kaya’t sumang ayon na rin ako at tinanaw siya patungo sa higaan ng kaniyang tatay. Ako naman ay nagtungo sa opisina ng ipinaghatiran sa aking ng isang babaeng na nagtatrabaho dito. “I-ito po ang magiging opisina ninyo Bi-binibini” wika niya at nagbigay galang. Inilibot ko ang aking paningin, hindi ito gaanong malaki ngunit sapat sa akin. Maganda at nakaayos na ang mga kagamitan at mayroon ding mga aklat tungkol sa medisina.
Napatingin ako sa babaeng naroroon pa rin sa gilid ng pintuan at nananatiling nakatayo. “Mayroon ka bang kailangan?” tanong ko sa kanya. “Ahh a-ako po ang magiging inyong tagasilbi Binibini” nakayuko lamang siya at hindi magawang tumingin sa akin. Nilapitan ko siya at bakas sa kaniya ang kaba at takot, isa ba akong multo? Bakit ganoon na lamang ang panginginig ng kaniyang balikat sa aking paglapit sa kanya. “Para sa iyo ba ay maganda ako?” muli kong tanong sa kaniya. “O-oo naman po Binibini” nananatili pa rin siyang nakayuko. “Kung gayon, hindi ako mukhang halimaw?” gulat siyang napatingin sa akin at umiling iling. “Mabuti, hindi mo kailangang matakot” tugon ko at siya ay nginitian na dahilan upang siya ay mapanganga.
Naging malaking tulong siya sa akin at aking napag alaman na ang ngalan niya ay Caridad. Siya ay labing walong taong gulang na ayon sa kanya, siya ay kayumanggi, mahaba ang buhok at maganda ayon sa aking obserbasyon. “Binibini, nais niyo po bang maglibot at kamustahin ang mga may sakit? Sigurado po akong matutuwa sila kung kayo ay makikita” natutuwa naman ako sapagkat nakakausap na niya ako ng walang takot sa kaniyang mga mata ngunit naroroon pa rin ang paggalang. “Paano ako makasisiguradong hindi magiging katulad ng reaksyon mo kanina ang magiging reaksyon nila?” pambubuska ko sa kaniya ngunit kalahati niyon ay totoo, ako ay nag aalala na ako ay hindi nila magustuhan at husgahan bilang babaing tagapamahala ng pagamutan.
Tumawa na lamang siya bago tumayo, “Halika Binibini, labis lamang ang naging kwento sa akin ni itay tungkol sa iyo kung kaya’t ako ay kinabahan sa iyong harapan” tugon niya at ako ay ginabayan upang makita ang mga may sakit. Naririto na kami sa palapag kung saan nagpapagaling ang mga may sakit, ang iba ay nagpapahinga samatalang ang iba naman ay kausap ang kanilang mga mahal sa buhay na kanilang bantay at tagapag alaga. Patuloy lamang ang aming pag uusap ni Caridad habang nakangiti sa mga taong aming nadadaanan.
“Tila ako ay kilalang kilala ng iyong itay upang palagi niya akong maikwento sa iyo” tugon ko ng may halong pagtataka. “Opo Binibini” wika niya na dahilan upang ako ay mapalingon sa kanya na nasa aking tabi. Napatigil rin kami sa paglalakad sapagkat nais kong bigyan ng pansin ang kanyang ikinukwento. “Ang aking itay po ay inyong kutsero” sagot niya na kasabay ang pagngisi. “Iyo bang sinasabi na ikaw ay anak ni Mang Kulas?” gulat ko pang tanong sa kaniya. Marahang tango ang kaniyang naging sagot na may kasamang malawak na ngiti.
“Senorita, magandang tanghali po” pumukaw sa aming atensyon ang tawag ng isang ginang na nagbabantay sa kaniyang nagpapagaling na anak. Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan ngunit ako na ang lumapit sa kanila. “Magandang tanghali rin po sa inyo, kamusta na po siya?” wika ko habang nakatingin sa kaniyang anak. “Maayos na po ang kanyang lagay, maraming salamat po sa tulong ng inyong paggamutan. Kung hindi po dahil sa inyo ay kay agang mawawala po sa akin ang aking anak” naluluha pa siyang hinawakan ang aking kamay. Hindi na ako natugon sa kanya sapagkat agad sumang ayon ang mga taong nasa loob ng silid na iyon na nakikinig pala sa amin usapan. Isa ito sa pinakamasayang pagkakataon ng aking buhay, ang malamang ang aking kagustuhan ay nakabubuti sa lahat.
Hapon na noong aking napagdesisyunang umuwi, nais kong sabay sabay kaming kumain ng hapunan sapagkat nasasabik na rin akong ikwento kay ina at ama ang nangyari sa aking araw. Hinanap ko na si Lilia upang kami ay makauwi na rin ngunit nang aking marating ang higaan ng kanyang ama ay wala na sila roon at walang bakas ni Lilia. Sandaling natigilan sa pag iisip ang aking utak. Nasaan na sila? Umuwi na ba sila? Ngunit hindi pa ako nakakapag paalam kay Lilia, at hindi pa ako handang magpaalam sa kaniya. Pilit ko pa ring hinanap sila sa bawat sulok at maging si Caridad ay ganoon ang ginawa ngunit hindi ko na siya mahanap at maging ang pag asa sa aking puso lalo pa at hindi ko batid kung saan ang kanilang tahanan, maging ang ngalan ng kaniyang ama ay hindi ko rin naitanong. Napatakip na lamang ako sa aking mukha upang saluhin ang aking mga luha at ang bigat ng aking dibdib.
Napatingin na lamang ako sa nagpatong ng balabal sa aking balikat, “Hatid na kita” seryoso niyang tugon at may bahid ng pag aalala ag kaniyang mga mata. Napayuko na lamang ako at nagpakawala ng buntong hininga. Hindi pa rin maalis sa aking isipan si Lilia sapagkat siya ay akin nang tinuturing bilang pamilya kung kaya’t masakit sa akin na siya ganoon na lamang nawala. Inalalayan na niya ako upang sumakay sa kalesa at umupo sa aking tabi, hindi siya nagsasalita ngunit tama lamang sapagkat nais ko ng katahimikan.
Mayamaya pa ay may kakaibang amoy na lamang ang umalingasaw sa loob ng kalesa kunot noo akong napalingon at nakita siyang nakangisi. “Sorry, ilang araw na kasi akong hindi nakakapagbanyo” napangiti na lamang at napailing iling. “Wag ka ng malungkot, naging mabuti ka kayang ate kay Lilia at mahal ka nun kaya sigurado akong babalik siya. Siguro may rason naman kung bakit di sila nakapagpaalam” hindi naman siya nabigong pagaanin ang aking loob.
Nang kami ay makarating sa tahanan ay aming naabutan ang pagsigaw ni ama sa kanyang opisina. Akma akong tatakbo patungo sa kanya ngunit agad akong pinigilan ni Basti. Umuling iling siya, “Nandito ang buong Cabildo upang parusahan ng papa mo, dito ka lang” nagtungo na siya sa opisina ni ama at ako ay naiwan sa salas. Minabuti kong lumabas upang magpahangin sa aking nakagawiang puntahan, ang duyan sa ilalim ng puno ng rambutan. Akin pa ring naalala si Lilia, paano kaya kung narito siya ngayon? Sigurado akong nakikipagkwentuhan siya sa akin.
Ilang minutong pag iisip ay mayroon akong napansing tao na nakaitim na balabal ang pumasok sa pintuan ng aming likod bahay. Agad akong pumasok sa aming tahanan gamit ang unahang pintuan at hinanap ang taong iyon. Sino siya? Patakbo kong hinanap siya sa kusina ngunit walang tao roon, isa ba iyong tagasilbi? Siguro nga, magtutungo na lamang ako sa aking silid, kailangan ko lamang sigurong magpahinga.🌻🌻🌻
BINABASA MO ANG
When In Summer
Historical Fiction*Inspired by Nick Joquin's 'May Day Eve'* "Paano kung ako ay magkamali?" "Mahabag sa iyo ang makapangyarihan sa itaas!" "Bakit?" "Sapagkat ang diyablo ang magpapakita sa iyo!" Ating samahan si Ingrid sa kanyang pakikipaglaban para sa pangarap, pag i...