The Start of this Crazy Story

335 7 1
                                    

"Rico takbo!" rinig kong sigaw sakin ni Leo, kaibigan ko. Kaya agad naman akong tumakbo.

"Takbo andyan na ang daddy niya!!" rinig ko namang sigaw ni Sam ang kambal ko. Lalo kong binilisan ang takbo ko palabas ng subdivision.

"Ikaw!! Pano mo to nagawa sa anak ko?!" rinig kong sigaw nung tatay niya na humahabol naman sakin ngayon. Wala naman akong natatandaan na nagawang kasalanan sa anak niya.

Binilisan ko pa ang takbo ko. Tanaw ko na ang gate ng subdivision. Uuwi na ko!!!!

Habang tumatakbo ako ay nilingon ko siya. Nakita ko na may hawak siya.

Sinturon?

"Ikaw? Hindi ka makakatakas!!!" sigaw niya kaya binilisan ko ang takbo ko pero laking gulat ko ng bumagga ako sa gate ng subdivision.

Nakasara? Panong nagsara agad to eh bukas to nung natanaw ko kanina? Pinilit kong buksan ang gate pero ayaw mabuksan.

Nasaan ba yung guard?

Lumingon ako at laking gulat ko ng nasa harap ko na bigla ang tatay niya.

"Hayop kang bata ka!" sigaw niya at pinaghahampas-hampas ako ng sinturon.

"Aray! Sorry po! Wala po kong ginawa sa anak niyo!" sabi ko dito pero hindi niya ko tinigilan.

Hanggang sa..

"Daddy tama na yan!" rinig kong sabi niya at inawat niya ang kanyang tatay. Babae siya.

Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nakatalikod siya at hinaharangan ang tatay niya para hindi ako mahagip ng sinturon.

"Rico takbo!" sabi niya kaya agad naman akong tumakbo at bumukas na nga ang gate ng subdivision. Pano niya nalaman ang pangalan ko?

Nilingon ko siya at nakita kong hinaharangan niya pa rin ang tatay niya. Hindi ko makita ang mukha niya.

Humarap na lang ako sa tatakbuhan ko pero laking gulat ko nang..

"Bulaga!"

Bumungan sakin ang pagmumukha ng kapatid ni Leo na si Shy.

***

Dinilat ko ang mata ko. Nakatulog pala ko. Ang boring kasi ng subject kanina eh, kala mo naghohomily.

Kinuha ko ang tubig sa bag ko at uminom na nga. Pagkatapos kong uminom ay inayos ko ang buhok ko saka tumayo sa upuan ko.

Naalala ko naman ang panaginip ko. Anong ibig sabihin nun? Ang gulo?

Hinanap ko si Leo. Pero wala siya sa room. Narinig ko naman na ang ingay sa labas. Lumabas na nga ko ng room at nakita ko ang magkapatid na to na nag-aaway na naman.

Bakit ba kasi ayaw niya na lang pabayaan ang kapatid niya? Tss.

"Leo!" pagtawag ko dito. Tinignan niya lang ako at binaling na ulit ang tingin sa kanyang kapatid.

Sige pagpatuloy mo yan.

Peste!

=START=

The Weirdest of the Weirds (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon