/13/ Moving on?

65 4 2
                                    

Chapter 13

Aray ko ang sakit ng katawan ko. Pinilit kong bumangon pero masakit talaga ang katawan ko. Feeling ko pagod na pagod ako.

Kahit masakit ang katawan ko ay pinilit kong bumangon at lumabas ng kwarto ko. Hindi ko alam kung sino ang naghatid sakin dito kahapon. Sa pagkakaalala ko lang kasi ay nasa bar ako at nasuntok ko pa ata ang makulit na bartender na yun.

Lumabas na ko ng kwarto ko at nakita ko naman si Sam.

"Oh buti ayos ka na? Huwag ka daw munang pumasok." Sam. Naka uniform siya at mukhang papasok na nga.

"Papasok ka na? Isabay mo si...." bigla ko namang naalala. Ayaw niya nga pala na umaaligid na ko sa kanya.

"Si?" Sam habang nagce-cellphone.

"Wala. Pumasok ka na." Sabi ko dito at pumasok na nga ako sa kwarto ko. Matutulog ko na lang ulit ako. Baka makalimutan ko siya kung sakali. Kung yun ng gusto niya, sige magmu-move on na rin ako simula ngayon. L*ntek lang.

Pinikit ko na ang mata ko para matulog na nga pero hindi ako makatulog. Napagdesisyunan ko na lang na maglaro sa cp ko. Agad ko naman hinanap ang cp ko. Bigla ko naman naalala na naiwan ko nga pala kay Leo ang cp ko.

Kahit naalala kong wala ang cp ko ay binuksan ko pa rin ang drawer ko para kuhanin na lang ang ipod ko. Pero laking gulat ko ng nandito ang cp ko. Siguro ay binigay na lang ni Leo kay Sam at si Sam na ang naglagay dito.

Kinuha ko agad ang cp ko pati na rin ang ipod ko saka ko nahiga sa kama ko. Inunlock ko ang cp ko at bumungad sakin ang mukha niya na kasama ko. Ito nga pala ang wallpaper ko. Yung picture naming dalawa.

Nilagay ko na lang cp ko sa tabi ko at ipod na lang ang ginamit ko. Sinuot ko na ang headset ko at nakinig na nga ng music.

Pagkatapos ng mga ilang oras ay nabibingi na ko. Nakatulog pala ko habang nakikinig ng music. Tinanggal ko ang headset sa tenga ko. Naramdaman ko naman na nagvibrate ang cp ko. Kinuha ko ito at tinignan.

Nagtext pala si Sam. 12 messages 3 calls. Ano bang kailangan ng babaeng to?

Tinignan ko ang isa sa mga messages.

from: Samantha

Rico! Lumipat na ng school si Alliyah. Hindi na siya dito mag-aaral. May nangyari ba? Ayokong tanungin ka kanina eh. Pinagsisisihan ko na hindi ko tinanong sayo kanina. Mamaya magkuwento ka ha! Balita ko galit na galit daw ang Daddy ni Alliyah. Nalaman ko din na na-ospital daw siya kahapon. Bakit ba? Magkuwento ka ha!

--

Lilipat siya ng school. Dahil rin ba to sakin kasi gusto niya nga mag-move on? Sana man lang kinausap niya ko. Agad ko namang tinawagan si Alliyah. Pero hindi na yun ang gamit niyang number. Malamang ay ang-iba na siya ng sim.

Dali-dali naman akong lumabas ng kwarto ko. Nasalubong ko naman si Kuya Poly sa labas.

The Weirdest of the Weirds (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon