Chapter 9
ALLIYAH
"Liyah!" rinig kong tawag sakin ni mama galing sa baba.
"Po?" sagot ko dito. Lumbas ako ng kuwarto ko at pumunta sa may hagdan para makita si mama. Ewan ko ba at nagulat si mama ng makita ako.
Bigla ko namang naalala. Bumalik na nga pala ulit ako sa dating Alliyah. Nakita ko na ngumiti si mama.
"Buti naman at naisipan mo ng magsuklay at mag-ayos ulit. Nasan ang salamin mo?" mama.
"Nasa mall." sabi ko. Nagtaka naman si mama sa sinabi ko.
"Huh? Anong nasa mall?" mama habang naglalakad na papuntang pinto.
"Mahabang kuwento ma. Sige alis ka na ma. Bye." sabi ko dito saka kumaway. Kumaway naman sakin si mama.
Lumabas na nga si mama at ako naman ay bumalik na lang sa kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa drawer saka humiga sa kama. Nakita ko naman na nakareceive ako ng text galing kay Rico.
from: PestengRico
Alliyah, pwede ba kitang sunduin sa bahay niyo bukas? Sabay na tayong pumasok.
--
Pagkabasang-pagkabasa ko ng text niya ay nainis na ko. Aaminin kong may feelings pa ko sa kanya at gusto ko pa rin siya hanggang ngayon. Pero pawala na sana yun eh, magmu-move on na ko kaso bigla na namang lumitaw siya sa harap ko at ngayon naman ay sunod siya ng sunod sakin.
Peste ka! Hindi mo ba ko naalalalang lalaki ka? O dahil hindi mo lang alam na ang-eexist pa rin ako at kinalimutan na lang ang nangyari kahit napahiya ako ng sobra!
Nag-iisip naman ako ngayon ng irereply sa lalaking to. Ayoko na magka-connection sa kanya. Hindi naman kami naging close noon pero ayoko na siyang maging close. Binabawi ko kung bakit ako nagkagusto sa kanya. Pero naiinis ako dahil bumabalik na naman siya sa utak ko!
Bakit ba ayaw mo kong makaget-over sayo?!
Bigla namang nagtext ulit si Rico.
from: PestengRico
Tulog ka pa ba? Pwes oras na para bumangon. Kapag nabasa mo tong message ko reply agad ha :)
--
Walanghiya talaga ang lalaking to. Gusto ko ng makalimutan siya pero mahirap! Sa inis ko ay nabato ko ang cellphone ko. Ay leche!
Buti na lang at nabato ko siya sa may labahin. Hoo! Ang shunga Alliyah, ang shunga! Tumayo naman agad ako at kinuha ang cp ko saka humiga ulit sa kama. Hindi ko pa rin alam kung rereplyan ko ba o hindi.
Peste kasi! Naalala ko na naman yung mga nangyari noon.
BINABASA MO ANG
The Weirdest of the Weirds (REVISED)
Short StoryAlliyah is not so clean, feminine and ideal girlfriend or friend of anybody. She is just a girl with past and a story to be told. She is the one that everybody calls "Weird." However a guy named Rico meet her. Despite of her weirdness, Rico is fasci...