/5/ First Move... failed

80 3 0
                                    

Chapter 5

"Bakit ayaw mong samahan kita?"-ako

"Ayoko nga, gusto mo bang tuksuhin ka nila?"-Alliyah. Kasama ko siya ngayon. Ay hindi pala. Sumususnod ako ngayon sa kanya.

"Ano  naman. Pake ba nila?"-ako. Bakit ba kasi ganun na lang siya katakot sa sasabihin ng iba?

"Bakit ka ba kasi sumusunod?!" iritang tanong niya. Ngayon ko lang siya nakitang sobrang irita pero hindi pa rin ako titigil sa kakasunod sa kanya.

"Para may kasama ka? Ayaw mo ba?!" ako. Hindi ko na kayang nakikita siyang nakakaawa. Sa totoo nga kaya niya naman makipagsabayan sa iba pero siya lang tong nagpapaka weird.

Nandito kami ngayon sa may library. Kumukuha siya ng mga libro. Ako naman sumusunod lang sa kanya.

"Hindi naman sa ayaw ko."-Alliyah habang inaabot ang libro na nasa mataas na part.

"Oh, edi okay lang na sumunod ako sayo!"-ako at kinuha ko na ang librong kinukuha niya at inabot ko na yun sa kanya.

"Thank you." Alliyah.

"Welcome as always." ako.

Nakita ko naman na napasinghap na lang siya at pumunta naman sa kabilang shelves ng mga libro.

Patuloy pa rin siya sa paghahanap ng mga libro.

"Hindi ka ba nagsasawa mag-aral? Basa ka ng basa?"-tanong ko dito.

"Eh gusto ko magbasa eh. Yun lang yung hobby ko."-Alliyah. Hobby? Eh ako nga kahit isang page lang ng Filipino book nasakit na ang ulo ko. Kailangan pa kong pilitin ni Sam ng ilang beses para lang makapag-aral at huwag iabagsak ang exam.

Nang mahanap na niya ang hinanap niya ay naglakad na siya at pumunta na sa isang table dito sa library saka naupo. Syempre ako naman sunod-sunod lang.

"Ano-ano bayang kinuha mo?"-ako tapos tinignan ko isa-isa yung mga libro na nilapag niya sa table.

Puro mga related sa subject namin.

"Akin na nga, kung ayaw mo mag-aral lumabas ka na!" mahinang sabi niya.

"Joke lang."-ako at kumuha ko ng isang libro na nasa mesa.

"Huwag na!"-Al!iyah sabay kuha nung libro.

"Joke nga lang!"-ako at kinuha ko ulit.

"Ano ba, akin na yan!"-Alliyah at inagaw ulit sakin yung libro.

"Gusto ko sabay tayo magbasa!"-ako sabay agaw.

"Sssshhhh!!! Nasa library kayo!"-sabi nung librarian.

Nakita ko na napa-buntong hininga na lang siya at inagaw na nga sakin ang libro. Nanahimik na lang ako sa pwesto dahil mukha ngang iritado na siya.

"Dun na nga lang ako sa room magbabasa!"-AlliyahT sabay bitbit sa kanyang mga kinuhang libro at tayo sa kanyang upuan. Kinuha ko naman agad sa kanya tapos sinenyasan ko siya na ako na yung magbibitbit.

Lumabas agad ako ng library dahil baka agawin niya lang ulit sakin kaya hindi ko nakita ang reaksyon niya nung kinuha ko sa kanya to.

Lumabas na kami ng library. Pagkalabas na pagkalabas namin ay kukuhanin niya na sana ang mga libro pero hindi ko to binigay sa kanya.

"Kaya ko naman eh. Tsaka pwede ba huwag mo na kong pagtripan. Hindi naman nakakatuwa eh." Alliyah.

Sa tingin niya pinagtitripan ko siya?

"Huh? Ako na ang magbibitbit ng mga to tsaka ba----"

"Sige sabi mo eh. Mag-ccr lang ako."-Alliyah sabay alis. Hindi ko alam kung nagalit ba siya o hindi. Basta ang pagkakaalam ko mukhang iritang-irita na siya.

Pumunta naman siya sa cr na malapit lang sa library.

Ako naman hinihintay lang siya lumabas dito sa may kantong papuntang cr.

Bitbit ko pa rin yung libro niya. May mga dumaan naman na mga babae. Papunta din silang cr.

"Hi Rico!"

"Hi Papa Rico!!!"

Binati nila ko. Tinignan ko lang sila.Tapos pumasok na sila sa may cr.

After ilang minutes di pa rin lumalabas si Alliyah. Tagal ah. Puwede naman niyang sabihin sakin kung napapa-ano siya. Para aware naman ako.

Mga ten minutes na ata kong nag-aantay dito. Pansin ko na hindi pa rin lumlabas yung mga babae kanina.

Siguro maraming tao sa loob.

Maya-maya lumabas na yung mga babae kanina na bumati sakin. Nagtatawanan sila.

"Buti nga sa kanya yun!"

"Oo nga, malandi kasi."

Ayan na naman ang mga chismosa. Sino bang pinag--uusapan nila?

Tapos umalis na sila. Binaba ko muna yung mga libro, nangalay na ko eh.

Bakit ba antagal niya.

Sumilip ako ng konti sa may pinto ng cr nila. Antagal eh, hindi na ko makapaghintay. Walang tao.

Di na ko nakatiis kaya pumasok ako sa loob. Sarado yung isang cubicle..

Malamang siguro nandun siya.

"Alliyah?"

Kinatok ko naman yung pinto. Para kasing may mali eh.

"Alliyah?" pag-uulit ko sa pangalan niya.

Pero wala pa ring sumasagot.

The Weirdest of the Weirds (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon