Chapter 4Nandito kami ngayon sa cafeteria ni Leo.
"Problema mo? Bakit palinga-linga ka?"-Leo
"May hinahanap ako!"-ako. Patingin-tingin pa rin ako sa paligid.
"Anong hinahanap mo?"-Leo
"Basta!"-ako. Mausisa rin tong isang to eh.
"May pa basta-basta ka na ngayong nalalaman ha! Ano nga hinahanap mo?!!" malakas na sabi niya.
"Takte! Bakit ka ba nasigaw?!" ako
"Eh kung sinasagot mo na lang kaya tanong ko?!" Leo.
"Tss." ako
Di ko siya pinansin, patuloy lang ako sa paghahanap. Lintek! Hindi ba siya nakain kapag recess? Hindi ba siya naounta ng cafeteria? O baka naman sa may corridor din siya nakain katulad ni Shy? Pero impossible matino naman siya kumpara kay Shy. Nasan na ba yun?
"HUUYYY!!"-Leo
Ay l*ntek lang!
"Ano ba?!"-ako
"Ano bang hinahanap mo kasi?"-Leo
"Pake mo ba. Tumahimik ka na nga lang dyan!!"-ako
"Alam ko na. naghahanap ka ng chicks noh!! Ikaw ha, may nagugustuhan ka na pala!!" Leo
P**ang-*na. Ayaw na lang tumahimik ng lalaking to?
"Pag sinabi kong oo?"-ako
"Oh talaga? Sino naman yan, para tulungan kitang makaporma!!"-Leo at nagpogi sign pa!
Feeling sobrang gwapo nitong lalaking to.
"Hulaan mo."ako
"Lintek ka Rico! Sino nga?"-Leo
"Aba bakit ko sasabihin?! Dreams didn't come true if there's no effort. Kaya dapat kung gusto mong malaman, mag-effort ka naman. Hindi kasi lagi eh nakukuha mo." ako. Bahala siyang intindihin yan.
"Ano?! Kailan ka pa naging ganyan Rico?!"-Leo at may paduro-duro pa sa mukha kong nalalaman.
"Ngayon lang! Bakit?"-ako sabay hampas sa kamay niyang makaduro naman sa mukha ko.
"Walanghiya!! Sino nga?!!"-Leo
"Si Alliyah! Ano happy?"-ako. Mukha naman siyang nagulat sa sinabi ko.
"ANO!!! LOKO KA!! AKO SERYOSONG TAO! KAYA WAG MO KONG LOKOHIN! SINO NGA!!"-Leo
"Mukha ba kong nanloloko?"-ako saby turo sa sarili ko.
"Oo, sino bang magkakagusto dun? Ang pangit pangit!!"-Leo na mukhang diring diri.
"Grabe ka naman sa pangit. Maganda kaya siya. Kesa naman sa mga taste mo! Hindi naman maganda! Sadyang malandi lang!"-ako
"Ano? Grabe ka? So sinasabi mong pangit ang girlfriend ko ngayon?" Leo.
"Sino ba sa kanilang tinutukoy mo?" ako. Napatawa naman si Leo sa sinabi ko. Babaero kasi tong lalaking to eh. Ang torpe kasi. Hanggang ngayon hindi pa rin nakakapagconfess sa babaeng gusto niya kaya kung sino-sino muna ang nilalandi netong lalaking to.
"Pero di nga? Seryoso ka?"-Leo
Tinignan ko lang siya. Makuha siya sa tingin ko.
"Nagayuma ka na ata Rico! Kailan pa yang feelings mo?"-Leo
Napasisip naman ako sa sinabi niya. Ewan ko ba pero lagi ko siyang naiisip simula nung mapaguidance kami. Kapag nakikita ko siya sa room nila ang hinhin niya. Kahit nakaupo lang siya sa upuan niya at tahimik ang ganda ganda niya. Kahit madungis siya at gulo gulo ang buhok halata naman na ang ganda ganda niya. Yun nga lang walang nakakapansin nun at walang gustong pumansin.
Sobrang curious din ako na makita siyang mag-ayos. Gusto ko rin sapakin yung mga nang-aaway sa kanya. Gusto ko rin siya makilala. Kaya masasabi ko ngang gusto ko siya. Hindi rin naman first time na maramdaman ko tong ganitong feeling. Kaya lang nung mga panahon na yun ay binasted lang ako at pinagpalit ako sa isang shokoy na hindi ko naman matanggap. Pero ngayon ay nakamove-on na ko sa pesteng feeling na yan.
"Bakit mo pa ba tinatanong?" ako.
Tuhamik na lang siya at napailing na lang siya sakin. Napagod ang loko.
Pumunta naman kami sa clasroom namin.
Bago ko pumasok sa loob. Sumilip ako dun sa katabing room namin. Yung sa kabilang section, dun kasi yung section niya eh.
Nakita ko naman agad siya. Nakatingin siya sa may pinto kaya nakita niya agad ako. Kumaway ako sa kanya tapos kumaway din siya sakin.
Kaya napatingin yung ibang kaklase niya sa may pinto tapos nagulat sila.
Pumasok naman na ko sa room ko.
Ang ganda niya talaga eh. Bakit ba ako lang ang nakakapansin nun?
Ay basta maganda siya!
BINABASA MO ANG
The Weirdest of the Weirds (REVISED)
Short StoryAlliyah is not so clean, feminine and ideal girlfriend or friend of anybody. She is just a girl with past and a story to be told. She is the one that everybody calls "Weird." However a guy named Rico meet her. Despite of her weirdness, Rico is fasci...