/16/ Epilogue

99 5 6
                                    

Chapter 16

After 2 years...

 

Naramdaman ko namang may nagyuyugyog sakin. Ang sarap ng tulog ko eh. Dinilat ko ang mata ko at si Alliyah pala.

"Oh? Nandito ka na pala? Kamusta yung concert na pinuntahan niyo kagabi?" tanong ko dito at bumangon ako sa sofa.

"Pano ka nakarating dito sa Bagiuo? Kailan ka dumating?" tanong nito sakin.

"Kagabi lang. Kaso wala ka pala at nanuod ka daw ng concert ng banda sabi ng lolo mo. Nakatulog na pala ko sa kaiintay sayo." sabi ko dito habang kinukusot pa ang mata ko.

Tumayo naman muna ko para magtooth brush. Dala ko na lahat ng kailangan ko para sa bakasyon. Hindi kasi ako makapaghintay ng dalawang buwan para makita ulit siya. Mababaliw ako pag nangyari yun.

Pagkatapos kong magtoothbrush ay naghilamos na din ako saka ko lumabas ng CR nila. Nakita ko naman siya na nag-iintay sa sofa.

"Anong oras kayo nakauwi?" tanong ko dito. Pero laking gulat ko ng yakapin ako neto.

"4 am. Nakita kita na natutulog na dyan sa sofa. Hindi ka ba nagtataka na may kumot at unan ka na?" Alliyah. Niyakap ko din siya. Agad naman kaming kumalas sa pagkakayakap ng dumating ang lolo niya.

"Ehem.. aalis ako. Pupunta kong bayan." sabi ng lolo ni Alliyah. Aaminin ko, medyo masungit yan lalo na kahapon at hindi ako tinigilan ng mga tanong.

Pero naalala ko pa na masaya daw siya at magaan ang loob sakin.

"Sige po Lo." sabi ni Alliyah at umalis na nga ang Lolo ni Alliyah. Bigla naman akong tinulak ni Alliyah ng mahina.

"Magbihis ka." sabi niya.

"Bakit? Bihis na ko." sabi ko.

"Madiri ka nga. Kahapon mo pa yan suot. Kung gusto mo.."

Inaantay ko lang ang sasabihin niya.

"Maligo ka na din." sabi niya sabay iwas ng tingin. Halatang nahiya siya sa sinabi niya. Pati nga din ako ay nahiya eh.

"Ahh.. oo." ako at dali-daling pumasok sa isa sa mga kwarto kung nasan ang mga gamit ko. Hoo, ang awkward. Agad akong kumuha ng bihisan ko at twalya. Tapos ay dumiretso agad ako sa CR.

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na kong maligo at nakapagbihis na din ako. Nakita ko si Alliyah na inaayos ang kanyang Polaroid camera.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko dito na ikinagulat niya naman. Bigla kasi kong sumulpot.

"Tara na!" sabi niya at hinila niya ko bigla palabas ng bahay. Binilin niya pa sa pinsan niya na aalis kami at bantayan ang bahay.

The Weirdest of the Weirds (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon