/14/ Destined is it?

62 4 1
                                    

Chapter 14

After 3 years...

 

Nandito ako ngayon sa school garden. Sa may square table. 2nd year college na ko ngayon at first day ng pasukan. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at 6:47 na ng umaga. Mamaya pa naman 8:00 ang start ng schedule ko sa pagkakaalam ko.

Ayoko lang talagang makipagsiksikan sa mga tao para lang malaman ko ang schedule ko. At least ngayon ay alam ko na.

Bussiness Management ang kinuha ko at si Sam naman ay Accountancy. Magkaiba kami ng pinapasukan na school ni Sam.

Ngayon ay nakaupo lang ako dito at nag aadvance review na nga. Oo, mas nagfocus ako lalo sa study ko at naging salutatorian ako nung gumraduate ako ng highschool. Ngayon naman ay nakakuha ako ng scholar dito sa college.

Nag-iba na nga talaga ko ngayon.

Thanks to you.

Makalipas ang ilang oras ay dumadami na rin ang mga estudyante. May napansin naman ako, may babaeng nakaupo sa malapit na bench dito sa garden. Nakukuha niya ang pansin ng maraming estudyante.

Nakasalamin siya ng makapal at nakatrintas ng dalawa ang buhok niya. Nagmala Maria Clara naman ang suot niyang palda sa sobrang haba. Nakapolo pa siya na pattern at may suot siya ng bag na pagkalaki-laki na parang camping bag pa ata. Ang jeje. Nagbabasa siya ng libro na halatang wattpad.

Nakita ko pa na nagbubulong-bulungan ang ilan pero hindi niya ito pinapansin. Halata naman sa expression niya na naiirita na siya pero tinitiis niya lang.

Dahil sa nakikita ko ay may naalala na naman ako. Napailing na lang ako ng maalala ko yun at kapag naalala ko ulit yun ay natatawa ako. Siguro nga ay naka move on na ko kaya ganito ko. Hindi na rin ako nagmumura. Pag sobrang galit nga lang. Nagbago na nga ako.

Lumapit naman ako sa babaeng nakaupo na yun. Napatingin naman siya sakin at mukhang nagulat.

"Huy Rico anong gagawin mo?" narinig kong sabi ni Chad, kaibigan ko na halatang kadadating lang kasama ang girlfriend niya.

"B-Bakit?" tanong ng babae sakin.

"Kung ako sayo, magmove on ka." ewan ko din kung bakit ko yan nasabi. Saka naman ako naglakad na nga palayo sukpit ang jansport bag at ang librong binabasa ko kanina.

Nagtataka man siya ay iniwan ko na siya dun. Naniniwala na kasi ako sa sarili kong kasabihan, 'there's always a reason' .

Malamang may reason din siya kung bakit siya ganyan. Katulad ni Alliyah. Nakamove on na nga ako pero lagi ko pa rin siyang naiisip. Hindi ko nga alam ang nararamdaman ko kapag naiisip ko siya. Hindi na ko naiinis at nalulungkot. Wala akong maramdaman.

Ganito nga ata kapag nakamove on ka na sa isang tao.

The Weirdest of the Weirds (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon