Chapter 10RICO
Nandito ko ngayon sa tapat ng bahay nila. Iniintay ko siyang lumabas. Tinext ko naman siya na nandito na ko sa tapat ng bahay nila. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nalabas. Bigla namang may lumabas na babae. May dala itong lalagyan na mukhang basurahan.
Napatingin siya sakin pagkalabas niya ng bahay. Siguro ito ang ate ni Alliyah. Lumapit naman siya sakin at pinagbuksan ako ng gate..
"Ano yun?" tanong niya sakin.
"Si Alliyah po?" tanong ko. Ewan ko din pero bigla na lang akong naging magalang.
"Nasa loob pa bakit?" tanong niya sakin.
"Sinabi ko po kasi sa kanya na sabay po kaming pumasok ngayon." sabi ko dito.
Pagkasabi ko nun ay bigla siyang napangiti.
"Ikaw ba yung Rico?" tanong nito sakin. Nagulat man ako dahil kilala niya ko, natuwa naman ako kasi siguro nabanggit ako ni Alliyah sa kanya.
"Opo. Ako po yun." sabi ko dito. Tumango naman siya.
"Pasok ka." sabi niya sakin. Papasok na sana ko ng bigla naman ay lumabas si Alliyah at ready ng umalis.
"Ma wag na. Aalis na rin naman kami." sabi nito. Mama? Mama niya? Ang bata?
"Kumain ka na ba?" tanong ng mama? niya sa kanya.
"Sa school na lang." sabi ni Alliyah at nagdere-deretso papalabas ng gate. Pumasok naman agad siya sa kotse.
"Sige po alis na po kami." sabi ko sa mama? niya.
"Oh sige, ingat ha!" sabi nito sakin at tinapik pa ko sa likod. Ang lambing ng nanay niya. At maganda rin, no matter maganda rin si Alliyah. Magkamukha sila.
Agad naman akong pumasok sa loob ng kotse. As expected dun siya umupo sa likod kahit nakita niyang wala naman si Sam sa front seat.
"Mama mo yun?" tanong ko dito habang tinitignan ang expression niya sa salamin.
"Obvious ba?" matamlay niyang sagot habang may kinakalkal sa bag. Himdi siya mukhang masaya.
"Nagtatanong lang ako. May problema ba?" tanong ko dito.
"Wala." matamlay niya ulit sagot. Kinuha niya ang cp niya sa bag. Nainis naman ako sa pinapakita niyang ugali ngayon.
"Anong wala?! Halata namang may problema." sabi ko.
Tinitignan ko ang expression ng mukha niya sa salamin. Pero nakapoker face lang ito. Nakita ko na napabuntong hininga na naman siya.
BINABASA MO ANG
The Weirdest of the Weirds (REVISED)
Short StoryAlliyah is not so clean, feminine and ideal girlfriend or friend of anybody. She is just a girl with past and a story to be told. She is the one that everybody calls "Weird." However a guy named Rico meet her. Despite of her weirdness, Rico is fasci...