/6/ You're not aware

73 4 0
                                    

Chapter 6

"Aliiyah?" pag-uulit ko sa pangalan niya pero walang nasagot.

Kinatok ko ang pinto ng cubicle. Pero wala pa ring nasagot.

"Alliyah! Pag di mo to binuksan. Papasukin kita dyan sa loob kung ano man ginagawa mo?" lakas loob na sabi ko.

Agad naman niyang binuksan ang pinto.

"Hindi ka pa rin naalis? Di ba sabi ko naman sayo, huwag mo kong pagtripan. Nanahimik ako. Hindi ko naman kayo inaano eh!!" malakas na boses na sabi niya.

"Hindi nga kasi kita pinag---"

"Lagi naman ganyan. Sige, mag-explain ka. Lagi naman ganyan ang reason niyo. Kunwari hindi ako pinagtitripan pero maya-maya nasa blackboard na namin ang mga picture ko na puro basura ang katawan." Alliyah.

Huh? Hindi ko alam ang pinagsasabi niya at wala akong alam.

"Wait nga. Hayaan mo kasi kong magsalita!" ako. Nanahimik naman siya.

"Una sa lahat. Hindi kita pinagtitripan. Pangalawa ano bang sinasabi mo ha? Pu**ng i*a!!!" ako.

Ewan ko ba pero nainis ako bigla. Hindi ko alam kung bakit pero siguro kasi feeling ko wala siyang tiwala sakin. Mukha naman siyang nagulat dahil sa pagmura ko.

"Hindi ikaw ang minumura ko." ako

"Wag ka na ngang magsalita. Pupunta na kong room wag ka na saumunod, wala ko sa mood makipagbiruan ngayon." Alliyah at papalakad na sana pero hinila ko siya at sinandal sa pader.

Nagulat naman siya sa ginawa ko at halata mo na medyo nasaktan siya sa pagkakasandal dun.

"Alam mo ayoko manakit ng babae. At hindi rin kita tinatakot ngayon. Pero gusto kong malaman mo na hindi nga kita pinagtitripan. Kapag sinabi ko ang totoong reason kung bakit ako sunod ng sunod sayo, hindi ka rin maniniwala. At pwede ba, wala munang walk-out. Bakit antagal mo sa CR,  may nangyari ba?" ako

Nakita ko na napabuntong hininga na lang ulit siya.

"Yan isa pa yan. Lagi mo na lang kinikimkim yan. Dapat ilabas mo yan. Halata naman na pipigilan mo lang ang inis mo kapag ginagawa mo yan." ako.

Tumingin naman siya sakin. Ewan ko ba pero kakaiba ang tingin na yun.

"Gusto mong ilabas ko? Tapos ano? Kapag nagalit naman ako dito kukuhan niyo ko ng picture ng mga kasama mo na nasa paligid lang tapos ikakalat niyo sa buong school? Asan na ba sila? For sure nandito pa yang mga yan. Papasukin mo na kasi! Kunwari ka pa eh." Alliyah.

"Ano bang sinasabi mo?" ako

"Yung mga babae kanina? Mga kasama mo sila noh? Yung mga babaeng nagbuhos sakin ng basura kanina kaya nagtagal ako dito." Alliyah.

Nagbuhos ng basura? Yung dalawang babaeng yun? Nag-iinit na naman ang ulo ko at baka makalimutan kong babae ang mga yun.

"At alam mo Rico...." Alliyah sabay hinga ng malalim.

First time niya lang akong tawagin sa pangalan ko. Hindi ko alam kung pano niya nalaman ang pangalan ko. Gusto kong ulitin niya yun pero mukhang malabo. At sa pagtawag na yun ay kinabahan na ko.

"Gusto ko lang sabihin sayo na.." Alliyah.

Tahimik lang ako na hinihintay ang sasabihin niya.

"Na walanghiya ka...." Alliyah at biglang naglakad paalis pero pinigilan ko siya.

Pero laking gulat ko ng bigla niya lang akong...

Nasampal.

"Hanggang ngayon ba naman?" Alliyah at maglalakad na sana pero lakas loob kong pinigilan at hinarap siya.

"Alam mo? Dahil sinampal mo ko, dapat ako ang magwalk-out. Pero sa ngayon hindi ako pwedeng magwalk-out at lalo ka na." Ako

"Ano ba?! Bitaw na nga! Ganyan kayo lahat." Alliyah

"Bitaw? Hindi pwede, sumama ka sakin." ako

"Saan?" Alliyah

"Gusto mong malaman kung bakit ganito silang lahat sayo?" ako

Nakita ko naman na napabuntong hininga na naman siya.

"Ayan ka na naman eh. Tara na nga." ako at hinila ko na siya palabas.

Buti nga at walang tao nung lumabas kami ng CR dahil kung hindi, baka kung anu-ano pa ang kumalat.

Bago siya pumasok sa room nila ay sinabi ko sa kanya na pumunta siya samin bukas. Sinulat ko sa papel ang adress namin at binigay ito sa kanya. Inipit niya naman ito sa isa sa mga libro na dala niya.

"Ops. Huwag mong iwawala yan. Kapag hindi ka nakapunta samin bukas, may magyayari sayo." ako

Naglakad na ko para pumunta sa room ko. Nagtataka man siya, ay iniwan ko na siya dun.

Basta kailangan hindi masira ang pinlano ko.

The Weirdest of the Weirds (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon