/11/ Knowing his side

63 4 1
                                    

Chapter 11

Hinanap ko si Alliyah sa buong cafeteria pero wala siya. Nasan naman yung babaeng yun? Maitext nga muna. Nilabas ko ang cellphone ko. Wala kong paki kumg may makakitang teachers.

Tinext ko siya at tinanong kung nasan siya. Sinabi ko na rin sa kanya na magrerecess na ko at mamayang lunch na lang ulit kaming magsabay kumain dahil nga hindi ko siya makita. Isesend ko na lang sana kaso bigla naman dumating itong mokong na to at inagaw ang cp ko.

"P*ta!" sabi ko. Nangako ko kay Alliyah na hindi na ko mag-mumura pero mapapamura talaga ko dahil sa lalaking to!

"Oh? Chillax? Nililigtas lang kita sa mga teachers. Ayun oh." Leo habang tinuturo ang mga teachers na papalapit nga sa amin.

Pero hindi niya pa rin dapat inagaw muna. Pa-send na yun eh!

"Sino ba tong katext mo?" Leo sabay lagay ng cellphone ko sa bulsa niya.

"Nakita mo ba si Alliyah?" tanong ko dito. Nanlaki naman ang mata niya ng marinig niya ang mga sinabi ko. Ang sarap lang tuktukan ng isang to!

"So si Alliyah pala. Okay nasagot mo na ang tanong ko." sabi niya.

"Asan nga? Nakita mo ba?" tanong ko.

Nangiti-ngiti naman siyang humarap sakin. Ano bang problema ng mga taong to?

"Isa!" sabi ko. Pinipigilan ko ang sarili kong huwag maasar.

"Hindi nga! Tara na nga kumain na tayo!" Leo at hinila na nga ko para pumila. Kumuha na lang ako ng isang carbonara at tubig at binayaran na nga iyon.

Ng mabayaran na rin ni Leo ang pagkain niya ay hahanap na kami ngayon ng pwesto. Pero sa paghahanap namin ay hindi inaasahan ang makikita ko.

Nakita ko lang naman si Alliyah na may kasamang lalaki. Nakatalikod yung lalaki kaya hindi ko makita kung sino yun. Masaya silang kumakain.

Sinasabi ko na nga ba at pwedeng mangyari to eh. Sabi ko na at marami akong pwedeng maging kaagaw. Ito namang si Alliyah sama lang ng sama. Ano bang problema ng babaeng to? Kanina ang sabi ni Sam inaantay ako ni Alliyah, pero ngayon makikita ko may kasamang iba?

Agad akong lumapit sa table nila at nakiupo doon. Nakita ko naman na nagulat si Alliyah sa biglang pagsulpot ko. Napatingin naman ako sa lalaki, si Tristan pala.

Gusto kong sapakin ang lalaking to ngayon pero ayoko.

"Pashare ng table." yan lang ang nasabi ko at sumubo na ko ng carbonara.

"Pare bakit dito?" rinig kong sabi ni Leo habang papalapit sakin. At nung makita niya si Alliyah ay mukhang nagets niya na.

"Pashare din ha." rinig ko pang sabi niya.

The Weirdest of the Weirds (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon