/15/ Move On or Start Over

79 4 2
                                    

Chapter 15

Kinabukasan...

 

Nandito ako ngayon sa gate ng school. Inaantay siya. Oo siya. Si Alliyah. Napag-isip isip ko na gusto ko siyang makausap. Gusto kong magkalinawan kami. At nalaman ko din na talaga ngang hindi pa ko nakakamove on at nandito pa rin ang p*t*ng feelings na to.

Lalo na kahapon at sobrang nag-init ang ulo ko ng may mag-alok na lalaki kay Alliyah na sabay na daw silang kumain sa canteen. Ganun pa din siya at sama lang ng sama. Badtrip tuloy ako buong maghapon.

Nakuwento ko na din kay Sam ang nangyari. Nahalata niya kasing badtrip ako kaya ako kinulit ng kinulit kaya ayun, nalaman niya.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakita ko na nga siya. Papasok na siya ng gate.

"Alliyah!" sabi ko at agad naman siyang lumingon. Lumapit ako sa kanya. Nakasuot siya ng pants at blouse na medyo kita ang balikat. Hindi ko alam pero yun agad ang napapansin ko sa kanya kapag nakikita ko siya lagi. Nag-iistand out kasi ang mga porma niya dahil bagay na bagay sa kanya lagi.

Nakatingin lang siya sakin. Poker face saka ngumiti.

"Oh Rico?" sabi nito na parang kaibigan niya ko.

"Mag-usap tayo." sabi ko. Nag-iba naman ang expression niya. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Nagdaan ang ilang segundo saka siya nagsalita.

"Ulit?" sabi niya. Huminga ko ng malalim.

"Oo. Ulit." sabi ko. Nakita ko rin na huminga siya ng malalim. Para bang may kinikimkim na naman.

"Sige. Malayo pa ang building natin. Mahaba-habang lakad. Ngayon na tayo mag-usap habang papunta dun."  sabi niya. Tumango na lang ako at nagalakad na kami.

"Ano bang gusto mong malaman pa?" pagsisimula niya.

"Bakit ka umalis?" yan agad ang tanong ko. Nakita ko naman sa expression niya ang pagka inis.

"Alam mo, hindi na ko nagtataka kapag naging ulyanin ka na talaga!" sabi niya sakin.

Wala ulit akong idea sa mga sinasabi niya. Sabi ko na nga ba at  may hindi ako alam. Nakita ko na napahawak siya ng madiin sa tali ng kanyang bag at tumigil siya sa paglalakad.

"Nung nasa bar ka. Pinuntahan kita..." sabi niya. Pinuntahan niya ko? Pano nangyari yun eh nasa ospital siya?

"Pa---" naputol ang sasabihin ko ng magsalita ulit siya.

"Patapusin mo muna ko please." sabi niya at tumahimik na lang ako saka tumango.

"Nung mga oras na tumakas ka sa guard, nakita ka ni Sam. Sinabi niya sakin na lumabas ka nga daw ng school at mukhang may problema. Tinext ka niya pero na kay Leo ang cellphone kaya nabahala ako. Hindi ko alam kung nasan ka pero kinakabahan ako. Kaya gumawa ko ng allibi para makalabas ng school at sundan ka nga. Ng makita kita dun ay lasing na lasing ka. Kinakausap ka ng bartender at mukhang iritang iriita ka na. Lumapit ako sayo at lumabas yung  bartender para ikuha tayo ng masasakyan at makauwi na nga, pero laking gulat ko nang..."

The Weirdest of the Weirds (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon