Chapter 8
ALLIYAH
Nandito ako ngayon sa loob ng kotse nila Rico.
"Alliyah liliko ba sa kanan o kaliwa?" Sam
"Kanan." ako. Kasalukuyang tinuturo ko sa kanila ang bahay ko. Iniliko naman ni Rico ang kotse sa kanan.
"Tapos?" Sam
"Deretsuhin niyo lang. Hanggang sa may makita kayong brown na gate." sabi ko.
Nagdere-deretso naman tong kotse hanggang makarating na nga ito sa tapat ng bahay namin.
"Ito ba ang bahay niyo Sam? Hindi mo naman sinabi na ang ganda pala tsaka anlaki ng bahay niyo. Tapos... Rico tignan mo o ang ganda nung garden." Sam habang tinuturo niya ang bahay namin.
"Grabe ka naman. Mas malaki nga yung bahay niyo eh. Pero sige bye na ha. Thank you. Gusto niyo pumasok muna kayo sa loob?" ako.
Dahil sa alok ko ay napatingin sila saking dalawa.
"Ano Rico?" Sam
Binaling naman ni Rico ang tingin niya sa harap at saka nagsalita.
"Hindi okay lang. Manggugulo lang si Sam sa bahay niyo." Rico
"Ano? Grabe ka sakin." Sam at kunwari ay susuntukin si Rico
"So hindi kayo papasok sa loob? Sige pasok na ko ha. Thank you ulit." ako saka ko binuksan ang pinto at papalabas na nga.
"Wait Alliyah." rinig kong sabi ni Rico. Pero nung nasabi niya yun ay nakalabas na ko. Dahilan para lumabas na rin siya.
"Bakit?" tanong ko dito. Nakita ko naman na huminga siya ng malalim.
"Gusto mo na bang ibigay ko sayo yung bayad ko? Binabawi mo na ba ang sinabi mo?" ako
"Oo. Pero hindi pera." Rico. Nakita ko pa na nilabas niya ng kanyang cellphone sa kanyang bulsa.
"Magpicture tayo!" Rico.
Haha. Gusto ko man tumawa pero ayoko. Yun lang pala eh. Pero bakit kailangan niya ng picture ko? Napaisip naman ako dun.
"Bakit gusto mo ng picture nating dalawa? Huwag mo sabihing.. pagtitripan mo na nam---"
"Hindi. Okay? Gusto ko lang na magpicture tayo." Rico.
"Bakit?" ako
"Kasi nga gusto ko! At hindi kita pinagtitripan! Gets?! P*ta!" Rico. Ayan na naman siya sa kamumura niya eh. Hindi kaya masarap pakinggan!
"Gusto mo ng picture ko? Sa isang kondisyon!" lakas loob kong sabi.
"May kondisyon pa?!" pagrereklamo niya. Haay naku, hindi pa rin siya nagbabago.
"Ayaw mo? Sige pasok na ko sa loob." ako at akmang bubuksan na ang gate.
"Wait. Sige, ano yun?" Rico
Ang sarap lang ng feeling na ganito. Yung feeling na parang gustong gusto niya ang picture ko kahit hindi ko alam ang dahilan kung bakit niya kailangan. Dahil feeling ko, kailangan niya ko. Pero alam kong hindi dapat. Mali.
"Pigilan mo yang bibig mo sa kakamura." ako. Nagulat naman siya sa sinabi ko at parang nagdalawang isip pa. Ganun ba kahirap yun? Madali lang yun kung tutuusin eh.
"Okay lang naman kung ayaw mo, papasok na ko sa loob." ako.
"Call." sabi niya. Yan.
Niready niya naman ang kanyang cellphone at tinapat na nga ito sa amin. Bali parang nagseselfie kami.
"Iki-click ko na ha." Rico. Tumango lang ako. Ngumiti na ko at naramdaman ko naman na inakbayan niya ko. Binaba na niya ang kanyang cp at tingnan kung maayos ang pagkakakuha.
Nakita ko sa expression niya na parang satisfied na siya sa kuha namin. Saka siya tumingin sakin. Mukhang may kailangan pa siya.
"May isa pa." Rico.
"Ano?" sagot ko dito.
"Bigyan mo ko ng number mo." Rico. Huh! Gusto ko talagang tumawa eh. Ngayon naman gusto niya ang number ko? Hindi ko ineexpect na mangyayari ang mga ganito.
"Sige." yan na lang ang nasabi ko. Agad ko namang sinabi sa kanya ang number ko at sinave niya naman yun sa cp niya. Pagkasave na pagkasave niya ay parang ginawa siya sa cp niya.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko dito.
"Tinext kita. Tignan mo nga kung natanggap mo." Rico. Agad ko namang kinuha ang cp ko at tinignan yun kung may nagtext. Nakasilent ang cp ko kaya hindi ko alam kung may nagtext nga. Pero ng makita ko ito ay may natanggap nga kong text.
Binuksan ko ito at pinakita ko sakanya ang numner at message na laman nito. 'Hi. <3'. Yan ang message niya.
"Yan. Isave mo yan ha." Rico. Tumango na lang ulit ako at nilagay ko na ang cp ko sa bag ko.
"Sige pasok na ko." sabi ko. Tinanguhan niya naman ako kaya binuksan ko ang gate at pumasok na ko sa loob. Bago ko isara ang gate ay kinawayan ko siya at kumaway din siya saka ko sinara ang gate.
Gusto kong matuwa, pero ayoko. Dapat nga ay masaya ko katulad ng kaninang nafeel ko nung gusto niya ang picture ko. Pero, bigla yung nawala at naging kaba. Nagmu-move on na ko eh. Bakit ba kasi siya biglang lumapit sakin?
Hindi kaya?
Gusto niya ko?
Haay, imposible!
Tinanggihan niya na nga ko eh.
Bakit ba kasi ayaw mawala ng feelings ko na to eh!
Kainis!
BINABASA MO ANG
The Weirdest of the Weirds (REVISED)
Short StoryAlliyah is not so clean, feminine and ideal girlfriend or friend of anybody. She is just a girl with past and a story to be told. She is the one that everybody calls "Weird." However a guy named Rico meet her. Despite of her weirdness, Rico is fasci...