/12/ It's just Stupid

71 4 2
                                    


Chapter 12

Sa sobrang inis ko nga yon. Gusto ko na lang talagang manapak!! Isipin mo ba naman na gusto niyang bumalik sa dati? Ayaw niya kong makita at ayaw niya kong mapalapit sa kanya. Sabi ko na nga ba at hindi na ko magkakagirlfriend habang buhay eh!

Sobrang ingay naman dito at hilong-hilo na rin ako. Nakailang baso na rin ba ko?

"Sir, nakailang baso na po ba kayo?" bartender. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ko naman naririnig ang mga sinasabi niya sa sobrang ingay dito sa bar.

"Hindi kita marinig!" sabi ko. Sobrang hilong-hilo na ko. At masakit na rin ang tyan at ulo ko. Pero balewala lang to sa kumpara sa sinabi sakin ni Alliyah. Kung pwede nga na panaginip lang to.

"Sir, estudyante ka pa lang. Hindi ko alam kung pano ka nakapasok dito pero bawal dito ang mga estudyante. Sino ba ang nagbigay sayo ng mga beer? Kakadating ko lang kasi."

Nakikita ko naman na may sinasabi sakin itong l*ntek na bartender na to. Pero hindi ko nga siya marinig dahil maingay nga.

"Lumayo ka nga sakin. Pabyaan mo ko!" sabi ko dito. Aminado akong medyo lasing na nga ko. At marami na nga kong nainom.

Dahil sa sobrang inis ko kanina ay tumakas ako sa school at nagpunta nga dito. Wala kong paki kung mailista man akong cutting at kung maguidance man ako kinabukasan.

***

ALLIYAH

Nandito na ko sa room. Nasabi ko na ang gusto kong sabihin kay Rico. Medyo nagi-guilty nga ko dahil parang na-offend ko siya. Pero inipon ko lahat ng lakas ng loob at pride ko masabi lang yun. Gusto ko na kasing mag-move on. Masakit na masyadong umasa.

Hindi na rin uso ang nagpapakatanga.

Ilang minutes na lang ay matatapos na ang recess. Dadating na rin ang next teacher namin.

"Alliyah!" tawag sakin ni Sam na kakadating lang. Hingal na hingal siya.

"Bakit?" ako. Agad naman siyang naupo muna sa tabi ko.

"Si Rico? Anong nangyari? Bakit siya lumabas?" tanong nito sakin na medyo hinihingal pa.

Lumabas si Rico? Saan? Sa school?

"Anong lumabas?" tanong ko.

"Nakita ko kanina siya na nagpumilit lumabas. Nakatakas siya sa guard at lumabas na nga sa school. Hahabulin ko sana siya pero ayaw na kong palabasin ng guard. May nasabi ba siya sayo kung saan siya pupunta?" sabi ni Sam.

"Wala eh." sabi ko.

"Mukhang may problema siya eh. Hindi naman siya basta basta magka-cutting at tatakas sa guard kung wala. May nangyari ba? Ano kaya? May alam ka ba?" Sam.

The Weirdest of the Weirds (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon