/3/ Reasons why.

105 4 0
                                    

Chapter 3

Nandito kami ngayon sa guidance.

Epal kasi tong mga to eh. Lalo na tong skandalosa na to! Nadamay tuloy ako

"Sabihin niyo sakin. Bakit kayo nag-aaway?"- Ma'am

"Hindi naman po ka--" naputol ang sasabihin ko ng biglang nagsalita ang hambog na babaeng to.

"Eto po kasi ma'am hinabol ako!"-babae sabay turo kay Alliyah.

"Anong ako, ikaw ang nanguna!" pangangatwiran ni Alliyah.

"Wait ma'am a--"

"Sino ba talaga?"-Ma'am

Sige patuloy niyong wag akong pagsalitain! Maganda yan! Mga leche!

"Siya!"-silang dalawa

"Gusto niyong maparusahan?"-Ma'am

"Ma'am ano k--"

"Sanchez bakit may dala kang water gun?"-Ma'am Tinatanong niya si Alliyah

Oo sige. Ganyanan! Wag na nga magsalita andaming epal! Sige wag niyo kong pagsalitain. Pinuputol niyo lagi eh.

"Yun nga po eh. Tignan niyo po yung itsura namin ni Rico may dala pa kasing ganun eh." babae. Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng to? Sure ba si Sam na etong Alliyah yung weird? Baka mali lang yung naturo niya?

"Hindi ikaw ang tinatanong ko!!"-Ma'am.

Ayan kasi. Sabat-sabat pa. Mamaya na nga lang din ako magsasalita. Pag tinanong na lang ako. Mabara pa ko netong prinicipal namin.

"Kasi po..."-Alliyah

Tinignan ko siya. Seryoso yung mukha niya. Huminga siya ng malalim. Tinititigan ko lang siya.

So..

Maganda pala siya. Sadyang madungis at hagard at nakasalamin lang siya na makapal.

"Kasi ano?"-Ma'am

"Kasi po ma'am pinagtitiripan nila ko. Wala naman po kong ginagawa sa kanila. Pag nakikita po nila ko lagi na lang po kong paparinggan. Minsan titisudin pa po ko. Araw araw po yun, yung tropa po nila.

Tsaka po. Yung sa kanina. Inaasar po nila ko dun sa classmate nila na maitim at mataba. Bagay daw po kami. Hindi ko na lang po sila pinansin pero eto pong si Chesly lumapit pa po sakin at babasain niya po sana ko ng water gun pero naagaw ko po sa kanya.

Kaya ako po yung may dala nung water gun. Hindi na po ko nakapagpigil nung tinuktukan niya po ko ng pamaypay kasi daw po lumalaban na daw po ko, kaya ayun po hinabol ko po siya tapos binasa ko po."-Alliyah

Lahat kami ay napatahimik sa explanation niya. Edi etong babaeng skandalosa talaga ang may kasalanan. Sinasabi ko na nga ba eh!

The Weirdest of the Weirds (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon