/1/ Don't care?

180 8 3
                                    


Chapter 1

"Baboy ka alam mo ba yun?!!"-Leo

"Alam ko naman eh! Bakit mo ba ko inaaway ha? Susumbong kita kay Mommy!!"-Shy

"Wala kong pake!! Alam mo pala na baboy ka, ayaw mo pang magdiet!"-Leo

"Eh bakit ba? Bawal ba kumain?!"-Shy

"Hindi masamang kumain, ang kaso dito ka pa sa talaga sa sahig ng corridor kumakain?! At mag-isa pa ha?!"-Leo

Haay naku, nag-aaway na naman ang magkapatid na to. Pano ba naman, nakita namin tong si Shy na kumakain dito sa may corridor ng mag-isa. Andami pa namang dumadaan na estudyante dito.

Weird talaga.

"Alam mo namang wala kong kaibigan Kuya. Walang may gustong makipag-kaibigan sakin."-Shy

"Pano ganyan ang itsura mo? Baguhin mo kasi yang ugali mo. Napakaweird mo!! Hindi ka ba nahihiya kay Rico?"-Leo

Takte, dinamay pa ko ng lokong to!!

"Bakit ako mahihiya? Tsaka ganito naman talaga ko eh, bakit ko iibahin yung ugali ko?"-Shy

Tss. Ayoko na nga makinig sa pinag-aawayan ng dalawang to. Kahit ilang beses niya pagalitan yan. Walang magyayare!! Attention seeker pa rin. Makaalis na nga.

Naglakad na ko palayo..

"Saglit Rico! Wala ka man lang sasabihin sa babaeng to. Tulungan mo naman ako!"-Leo.

Tumigil ako at lumingon sa kanya.

"Hayaan mo na kasi!"-ako.

Yan lang yung nasabi ko. At naglakad na ulit. Bahala sila dun.

Ako nga pala si Rico Tolentino. Bahala na kayo magdescribe sakin.

Pumunta ko sa may garden. Wala kong magawa.

Umupo ako dun sa may bench.

"Papa Rico!!"

Napatingin ako dun sa mga sumigaw na babae. Papalapit sila sakin. Peste lang!

"Papa Rico bakit ka mag-isa asan si Papa Leo?"-sabi nung isang babae.

"Oo nga, gusto mo samahan kita!"-sabi pa nung isa. Samahan-samahan, mag-isa ka. Kung di lang babae ang mga to.

Hindi ko sila pinansin at umalis na lang ako.

"Ay ganun? Nagalit ata satin?"-rinig kong sabi nung babae.

"Oh? Pero kahit na..mahal ko pa rin siya!"-sabi pa nung isa. Haay, ang aga-aga lumalandi kayo. Bakit ba kasi ganito ang mga to. Hindi naman ako ganun kagwapo para maging ganyan sila.

Pumunta na lang ako dun sa ibang part ng garden, yung medyo malayo sa kanila.

Dun sa may mga round tables. Tapos umupo ako at tumungo. Gusto kong matulog...

"Papa Rico!!"

Ay mga bwiset lang!! Kakalayo ko lang eh! Tumingin ako sa nagsalita...

"Ba--"

"Ang guwapo talaga ni Papa Rico!"-Sam

Kala ko isa na naman sa mga yun eh.

"Kala ko naman kung sino. Ano bang kailangan mo?"-ako

"Wala lang. Nakita ko yung mga babae kanina, kung mga 'Papa Rico' wagas."-Sam

"Tantanan mo ko!"-ako

Aasarin lang ako nitong kambal ko na to eh. Oo kakambal ko siya.

"May sasabihin lang naman ako sayo e---"

"Kyaaahhhh!!"-biglang may sumigaw.

The Weirdest of the Weirds (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon