/2/ Almost weird but...

122 4 0
                                    


Chapter 2

"Kyaaaaahhh!!"

May sumigaw.

"Ano yun?"-Sam

"Malay ko?"-ako

Tapos automatic na nakiusisa kami ni Sam. At oo kasama ko bakit? Lumapit kami kung nasaan yung babae na nagtatakbo at sumisigaw.

"Kyaaahhhh! Pigilan niyo siya!! Pigilan niyoo!! Kyaaaahhhh!!"-yung babaeng nagtatakbo na halos ikotin na yata ang buong school.

May humahabol sa kanya na babae na nerd na weird na mukhang ewan. Sorry sa term pero yun ang nakikita ko.Tapos binabasa niya yung babaeng sumisigaw ng water gun. Kulay green na mukhang malagkit yung nilalabas nung water gun. Ano yun? Ang weird.

Green na green tuloy yung babae. Nakakatawa man silang tingnan at ang iba nga dito eh nagtatawanan na, mukha pa ring kailangan ng tulong nung babaeng tumatakbo dahil mukha talagang weird yung babaeng may water gun.

At oo nga pala, saan naman nakakuha ng water gun ang isang to?

"Anong nangyare? Sino yung hinahabol? Bakit siya hinahabol? Tsaka sino yung babaeng humahabol sa kanya?"-sunod sunod na tanong ko sa kambal ko dahil naguguluhan na talaga ko.

"Andaming tanong ah. Di ko nga alam. Di ko kilala yung hinahabol pero kilala ko yung humahabol sa kanya!"-Sam.

"Sino?"-ako

"Transferee yan. Ka-year din natin. Classmate ko yan. Si Alliyah."-Sam.

So transferee siya? Ang ganda pa naman ng pangalan niya tapos...no comment.  Nagsimula na lang akong makiusisa kay Sam.

"Bakit ganyan siya? Kakatransfer niya lang tapos ganyan siya!"-ako.

Tumingin naman sakin si Sam na parang naghihinala.

"Kailan ka pa naging interesado sa mga babae?"-Sam.

Napahawak ako sa noo ko. Peste! Ayaw na lang sagutin ang tinatanong ko eh!

"Ano ba? Sasagutin mo o sasagutin mo?"-ako

"Para namang may choice ako. Ganyan talaga siya. Weird nga eh. Kahit ang gulo gulo na ng buhok niya ayaw niya pa ring magsuklay. Tapos ah... sorry sa term pero parang lagi siyang mukhang malagkit. Tapos hindi talaga siya nasagot kahit magtanong ka sa kanya. Kaya lagi siyang inaasar sa room eh."-Sam

Tapos nagulat ako nang papunta na yung dalawang naghahabulan sa direksyon namin na tumatakbo ng sobrang bilis.

At..

Aray!! Lintek!!

"Ah!! Sakit."-ako. Bumangga ba naman sakin tong babaeng hinahabol na to. Ayan napasalampak kami pareho sa damuhan. Buti nga damuhan at di masyadong masakit.. t*n**na lang!

"Sorry..." sambit nung babaeng bumunggo sakin habang tumatayo kami.

Ay walanghiya!!! Masasakal ko to eh!! Kung di ka lang babae!

"Ano? Hanggang dyan ka na lang ba?" sabi nung Alliyah na nanghahabol.

"Peste ka! Kala---" naputol yung sasabihin nung babae ng bigla na lang ay binasa kami nung Alliyah. Bakit pati ako? Nakakarinig naman ako ng mga bulong-bulungan sa paligid. Takte!!

"Kyaaahh!!!" sigaw nung babaeng bumungo sakin.

Green na green na rin tuloy ako!

"Ano ba? Tigilan mo na ko!!"-sabi nung babaeng hinahabol.

"Ewan sayo."- Malutong na sabi ni Alliyah.

"Huwag niyo nga kong idamay sa away niyo ha!!" ako.

Napatingin naman sakin tong babaeng lintek na to na bumungga sakin.

"Sorry talag--- Rico? Hala sorry, sobrang sorry!!!" babae. Ngayon niya lang ba nalaman kung sino ako?

"Wow nagsorry ka pa. Pero sige tatanggapin ko." ako pero nagulat kami ng bigla na lang ay basaan ulit kami.

Ay p*tek lang.

"Ano bang problema mo?!!" sigaw ko. Nag-iinit na ko dito sa babaeng to.

"See? Weird talaga yan!!" babae. Weird? Pareho lang kayo! Mga peste!

"Ano?"-Alliyah tapos pinagbabasa niya uli kami. T**i*na talaga!!! Nasagot pa kasi tong babaeng to eh!

"Ikaw! Nasagot ka pa?!" sigaw ko dun sa babaeng hinahabol. Nagulat naman siya sa pagsigaw ko at mukha na siyang paiyak.

Unfair man tingnan dahil siya na nga ang hinabol wala pa rin akong paki dahil karapat dapat naman siyang habulin dahil sa ugali niya. Hindi ko man alam ang buong story pero mukhang may kasalanan din siya kung bakit siya hinahabol.

Buwisit naman oh.

"Akin na nga yan." mahinahon kong sabi kay Alliyah para ibigay sakin ang water gun. Ibibigay niya na sana kaso...

"Oo nga amin na yan!!!!" sigaw nung babaeng hinahabol na to at biglang tinangkang agawin ang water gun kay Aliiyah! Leche!! Pampasira naman tong babaitang to eh! Ibibigay na eh! Skandalosa kasi!!

"Ano ba?" Alliyah at hindi binibigay ang water gun dun sa babae.

"Akin na nga." mahinahon kong sabi pero nag-aagawan pa rin sila.

"Ibigay mo na ano ba?!!!!!" sigaw nung babae.

"Ibibigay ko naman pero hindi sayo!!!" napasigaw na rin yung Aliiyah dun sa kausap niyang babae.

"Ibibigay niyo ba hindi?" ako at lumapit ako sa kanila para kunin na nga yun.

"Go Papa Rico!"-narinig ko na may sumigaw pa. Peste sila!!

"Ano to?! Anong nangyayare?!!"

Peste!

"Ma'am Salvador!"

Principal namin yan. Lagot ako neto. Kasi tong babaeng skandalosa na to!

"Anong kaguluhan to?"-Ma'am Salvador. Agad naman kaming napabitaw nung Alliyah sa water gun kaya napunta ang water gun dun sa babae. Pero agad niya rin yung binatawan kaya bumagsak yun sa damuhan.

"Hinahabol po ko nitong weird na to!" babae sabay turo pa kay Aliiyah. Hindi lang skandalosa, sumbungera pa.

Takte lang!!

The Weirdest of the Weirds (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon