Kabanata 1

160 29 28
                                    

Arch Rhoiyd's POV

"Dre, manlibre ka naman kahit isang stick lang" Sabi ko kay Rosell.

Nakatambay kami ngayon sa tindahan malapit sa smoking area kasama ang mga kabarkada ko. Ang mga gago, nagsuggest na hindi muna papasok dahil present na kami kahapon kaya ito ngayon bumabawi.

"Walang problema" Nakangising tugon niya, at alam ko ang dahilan kung bakit.

"Jamaica, isang mighty green nga para kay Arch, siya ang maninigarilyo at hindi ako" Pagpapacute niya sa anak ni Auntie Marites. Nakasimangot siya nitong binigyan, tsk akala niya may pakialam pa sa kanya.

Matagal na silang break pero itong kaibigan ko hindi pa rin tumitigil sa pagpapapansin sa kanya.

Lakas ng loob mambabae pero nung hiniwalayan, ginawang vitamins ang alak. Inaraw-araw walang palya, at ngayon ito walang sawa kakasuyo.

"Ang kuripot mo naman. Marlboro yung sa akin, Jamaica palitan mo nga" Saad ko sa malakas na boses, nagtawanan naman ang mga kasamahan namin habang si Rosell ay nagkamot ng ulo at kumuha ng singko sa kanyang bulsa.

Sira diskarte dre!

"Salamat Jamaica ah" Saad ko at kaagad itong sinindihan. Bumalik ako sa pagkakaupo habang si Rosell ay kinakausap pa rin si Mikka. Naghulma ako ng dalawang bilog na usok at ibinuga papunta sa mukha ng dalawa ko pang kaibigan.

Pak! Sapul! Galing ko talaga.

"Gago ka talaga Arch!" Sigaw ni Ryan at RL habang nakatutok parin sa cellphone. Mahina akong tumawa at mas lumapit pa sa harapan nila saka nagbuga ulit ng usok sa mukha nila.

"Arch tumigil ka nga! Matatalo kami nito! Panira ka talaga!" - RL

"Ang sabihin niyo, bobo lang kayong maglaro kaya hindi umaangat yang rank niyo. Sinisisi niyo pa ako. Usog nga kayo!" Sigaw ko at pumwesto sa gitna nila, mabilis naman silang umusog habang naglalaro pa rin ng ML.

Sa aming apat ako lang ang walang pinagkakaabalahan. Ayaw ko namang makipagparty sa kanila, mga lampa. Sayang lang sa oras pag natalo.

"Taho. Taho." Sigaw ni manong Teddie hahang papalapit sa kinaroroonan namin. Alam niyang bibili ako, paborito ko kaya yan.

"Manong dalawang taho sa akin"

"Dalawa lang? Eh yung mga kaibigan mo?"

"Busy yang mga yan manong kaya ako na lang ang kakain."

"Oh ayan, dinamihan ko na yan." Galing talaga ni manong, kaya suki niya ako dahil magkakasundo kami nito.

"Salamat manong, Ryan bayaran mo na! dalawa lang kinuha ko." Saad ko habang pabalik sa aking upuan sa gitna nila.

"Gago ka talaga arch! Ikaw mabubusog pero ako magbabayad?" Sigaw niya habang nakatutok parin sa screen ng cellphone niya.

Kawawa talaga pag adik sa ML, late matutulog at maagang gigising makapaglaro lang.

"Manong dagdagan mo ng isa para kay Ryan!" Sigaw ko kay manong habang enienjoy ang pagkain "Ayan mabubusog ka na kaya bayaran mo na. Trenta lang!"

"Pakyu ka talaga Arch!" Nanggigigil niyang sigaw sa akin, nagtawanan naman ang lahat ng kasamahan namin pati na si manong at si Rosell na nang-uuto.

Alleyah's POV

"Hey, new student ka?" My seatmate asked me, and I like her to be my friend because she's pretty like me.

"Yes, obvious naman diba? You just saw me today lang kaya." I answered and gave her a smile.

Well, I will tell you a short introduction of myself, Alleyah Cuevas is the name, pretty and rich.
I was being kicked out to my old school, so my parents have decided to sent me in a public school so that I can learn my lesson daw.

Sweet Mists Of AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon