I promised mom pa naman na ibibigay ko ang first kiss ko sa lalaking papakasalan ko.
Wahh. Ano na ang gagawin ko? Ninakaw ni Arch ang first kiss ko, I'm sure magagalit si mommy at daddy pag nalaman nila to.
No! I won't agree na masira ang promise ko sa kanila, I'll do everything para ako ang i-marry niya someday.
Pero ang dami niyang girlfriends, kailangan na hiwalayan niya muna silang lahat.
Gagawin niya naman siguro 'yon kasi love niya ako, kiniss nga niya ako sa lips. Sheezz... I'm blushing!
What's happening to earth? Bakit hindi ako makatulog? Everytime na pipikit ako nakikita ko ang mukha niya sa imagination ko.
Nagka insomnia na ba ako dahil sa kiss niya? This is bad!
Kinabukasan maaga akong pumasok dahil kakausapin ko si Arch tungkol sa nangyari kahapon, puyat ako dahil sa mukha niya na palagi kong na pipicture out.
7 am pa nang makarating ako sa classroom kaya wala pang masyadong tao. Tamang-tama dahil kailangan ko siyang puntahan at kausapin. Nakita ko si Rosell na nakaupo sa room nila kaya naman nilapitan ko kaagad eto.
"Rosell, nasaan si Arch?" Kalabit ko sa kanya mula sa likuran. Nakita ko naman ang bahagyang pagtaas ng isa niyang kilay. Hehe para siyang bakla.
"Ewan ko, hindi raw siya papasok ngayon kasi wala siya sa mood. Teka nga, bakit mo siya hinahanap?"
Hindi siya papasok dahil wala siya sa mood? My god! What if hindi siya makatapos ng pag-aaral. Anong ipapakain niya sa amin ng anak niya someday?
Mabuti sana kung makahanap siya ng magandang trabaho kahit hindi siya nakapagtapos, pero sa panahon ngayon I think imposible yata. Mag co-construction worker si Arch para matustusan ang pangangailangan namin ng anak niya.
Kawawa naman siya.
Tutulungan ko na lang siya siguro, magtratrabaho na lang din ako.
"Dapat sa akin siya nagpaalam na hindi siya papasok. Ako kaya ang girlfriend niya." I said then pout.
"Sandali." Mainam niya akong tinitigan at idinampi ang palad niya sa aking noo. "Wala ka namang lagnat, at mukhang maayos naman ang pakiramdam mo." Sabay pasada niya ng tingin sa buong katawan ko. "Ganito na lang, alam ba ni Arch na girlfriend ka niya?"
"Of course, sinabi niya kaya sa akin kahapon after nga nun ay-" I covered my mouth with my palm. Gosh! Muntik ko ng masabi. "Pahingi nga ng number niya?"
"Girlfriend ka niya diba? Tas wala kang number?" Bakit ba ang hirap niyang kausapin, number naman ni Arch ang hinihingi ko at hindi kanya pero ayaw niya pa ring ibigay.
"I need to talk to him. Kailangan niya akong panagutan." Kitang-kita ko ang pagkaputla ng mukha niya. "Please?" I'm trying my best to look pity at nanlambot naman bigla ang expression niya, ayan na!
Dinukot niya ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa at itinipa ito sa bago kong cellphone. Yeeyyy. Mabuti naman at nakumbinsi ko siya. Ang galing ko talaga.
Pero bakit parang ang sad niya, hindi na siya umimik.
"Si Arch talaga. Bakit ba hindi kayo gumamit ng protection?"
Anong protection? Yung para hindi niya ako ma kiss? Ganun?
"Hindi kasi ako ready eh, hindi ko naman iniexpect na gagawin niya 'yon sa akin." Hindi niya ako sinagot. Kaya naman nagpaalam na ako.
Ba't lutang siya? haha para siyang tanga tignan. Mukhang problemado. Hindi ko naman sasabihin kay Arch na sa kanya ko hiningi ang number niya. Baka magalit 'yon sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sweet Mists Of Addiction
Teen FictionThey said "High school life is the best." So that is what everyone believes of, especially when you found friends that will make your days lively and a high school sweetheart that will make you stutter and be the reason of your weaken knees. His lif...