Kabanata 13

46 8 0
                                    


Arch's POV

Pinapanood ko si Tron na tumatanggap ng mga awards at pinapalakpakan ng mga katulad namin. Hindi ko mapigilan ang pagkuyom ng aking kamao habang minamasdan siya na malaya at nakakangiti pa rin hanggang ngayon.

Binabayaran kami bilang utusan. Utusan na magsiwalat ng katiwalian at karahasan ng mga kilalang tao sa lipunan, maraming handang magbayad mapabagsak lang ang ka-kompitensya nila. Sa panahon ngayon, uso ang inggit. Kaya imbis na hinihila pataas ang isang tao, nilulugmok pa ito pababa.

Marami ang binipisyo na makukuha namin. Sandamakmak na pera kung sakaling magtagumpay kami, koneksyon, katanyagan, at respeto. Kahit sa underground kami nakakubli, ebidensya naman ang kinukuha namin. Pawang katutuhanan lang ang lahat at kasalanan na nila kung bakit nagbilin pa sila ng resibo.

Si Tron ang pinuno sa grupo nila. Sila ang may pinakamaraming miyembro at sila rin ang may pinakamalaking pundo dahil sa dami ng trabaho na ipinagkaloob sa kanila.

His smile faded when his eyes darted at me. Dapat lang, hindi siya dapat makampanti dahil buhay pa ako.

"Maraming salamat." Mabilis niyang tinapos ang kanyang pagsasalita at bumaba na sa entablado. Nagtungo siya sa kanyang mga kasamahan at nakipag-usap ngunit hindi nakatakas sa akin ang minsan niyang pagsulyap.

Sinindihan ko ang sigarilyo na nasa aking bibig at taimtim siyang inoobserbahan.

Pag nagkaroon ako ng chansa, papatayin talaga kita.

  
Nagmadali akong umuwi ng bahay dahil sa biglaang tawag ni mama. Napapansin ko na umiiwas sa akin ang bawat katulong na makakasalubong ko. Nakita ko si mama na may kausap na isang babae sa sofa, nakatalikod ito kaya hindi ko makita ang itsura.

"Ma, nandito na ako." Malamig kong saad. Gulat na tumayo si mama ngunit ang mga mata ay nakapako sa kausap niya. "Magbibihis muna ako." Akma na akong tatalikod ng may tumawag sa akin.

"Arch." In her shaky voice. Time stops for a moment, hindi gumana ang isip ko at hindi rin ako nakaimik. Her soft voice, her damn tricky soft voice!

Napatuwid ako at humigpit ang kapit sa strap ng aking bag. She reminds me of my past, naaalala ko na naman ang lahat. Akala ko galit at paghihiganti na lang ang natitira sa akin pero hindi pala. The pain is there, still knocking, and just by hearing her voice it all burst out. I'm miserable again.

"Arch I... I'm so sorry" She said crying.  Hindi ko siya kayang tignan, para akong estatuwa na hindi makakibo at sa gilid lamang nakaharap.

"Aakyat na ako ma." Malamig kong sabi. I went upstairs, heading directly to my room. I slammed the door hard, the banging sound is audible to the whole corner.

I threw my things anywhere on the floor and sit unconsciously on the edge of the bed, itinukod ang bawat siko sa tuhod habang nakadiin ang dalawang palad sa mukha. Para akong sasabog ano mang oras.

Bakit ngayon pa? Bakit apektado pa rin ako?

"Girlfriend" Banggit ko habang pinupunasan ng mga palad ang aking luha. Masakit. Masakit pa rin.
Hindi ko na alam kung paano 'to haharapin.

Boys rarely cry, but if we did, trust me it's painful as death.

Tumayo ako at pinagsusuntok ang pader ng ilang beses. Kulay dugo na ang nakikita ko sa kamao ko at ganun din sa pader, pero para akong manhid at walang kaunting hapdi na naramdaman.
 
"Hindi ko 'to kaya." Wala sa sariling bigkas ko. Kailangan kong tumakas at makalimot. I need a remedy-...I need drugs. Fleeting fantasy is better than this, I need to scape and dream again, like this never happened, like reality doesn't exist.

Sweet Mists Of AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon