Kabanata 5

59 19 14
                                    

Si RL ba 'yon? Sinundan ko ng tingin ang lalaking lumampas sa akin. Siya nga! Mabilis akong tumakbo papasok ng gate para habulin siya. I need to thank him again for last time.

He threw a glance on me beside him for a second and then quickly turned his face straight to the path. My smile faded.

Tumigil siya sa paglalakad at lumingon ulit sa akin, this time namilog na ang mga mata niya na tumitig sa akin. I think dahil yata sa gulat.

"Hi?" Kumaway ako at ngumiti sa kanya. ''Thanks nga pala ulit ha." Sabi ko at nagsimulang lumakad, sinabayan naman niya ako.

"Wala 'yon. Umiwas ka na lang sa grupo namin." Malamig niyang sagot.

"Okay."

Tahimik na kami habang naglalakad papunta ng room. Nauna akong naglalakad papasok at bumati kay teacher na nagdi-discuss sa harapan. Nakita ko naman na ngumiti siya pabalik sa akin at narinig ko rin ang mga kantyawan ng mga classmates namin. Lumingon ako kay RL at nahuli ko siya na nakangiti rin pero kaagad na nawala ng makita niya akong nakatingin sa kanya.

Nag ring ang bell hudyat na recess na, hindi ako lumabas ng classroom dahil tinatamad ako maglakad at isa pa hindi rin naman ako nagugutom.

I'm just writing at the back of my notes ng kahit na ano. Nagulat na lang ako ng may naglapad ng mismo na coke at sandwich sa armrest ng chair ko and when I looked up I saw RL.

"Baka nagugutom ka." Sabi niya at lumakad na papunta kay Ryan.

Sabi niya lalayo ako sa grupo nila, eh siya pa nga 'tong lumalapit sa akin at binibigyan pa ako ng snacks.

Pero thanks na rin sa kanya.

Pagbalik nina Lovely at Joan nagulat sila na may snacks na ako, binilhan pa naman ako ng chuckie ni Lovely. Libre daw! Pero inferness ha, mas masarap kainin ang libre kaysa binili mo mismo.

Nang sinabi ko na si RL ang nagbigay humagikhik sila at tinawag ang pangalan ni RL pero hindi naman sila nito pinansin.

Tahimik ang araw ko dahil walang anino ni Arch ang nagpakita sa akin, buti naman! Dahil kakambal niya ang gulo at lagi akong napapahamak pag nandiyan siya.

Nakasakay ako sa tricycle pauwi ng bahay ng may grupo ng mga kabataan ang tumatakbo galing sa ilalim ng bridge na dinadaanan namin.

Namimilipit sa sakit at may mga pasa at sugat sa mukha, kaagad naman na huminto ang driver na sinasakyan ko.

"Jeric! Napano kayo? Sino ang may gawa sa inyo niyan?" Bumaba ng sasakyan si manong at tinulungan sa paglalakad ang nagngangalang Jeric. Tumingin ako sa mga kasamahan niya, base sa itura nila para silang nabugbog.

Nakita kong sumunod sa pag-akyat ang apat na pamilyar na lalaki. Hanggang dito ba naman?

"Mga lampa. Hindi man lang ako napuruhan sa inyong apat." Sabi ni Arch at nagpagpag ng kaunting dumi sa damit niya. Nang makita niya ako kaagad na lumapad ang ngiti niya.

That wicked smile caused goosebumps on me.

"Gusto niyo dalhin ko kayo sa hospital?" Boluntaryo ni manong driver pero hindi sila pumayag.

"Huwag na ankle. Nagkatuwaan lang po kami, huwag niyo na lang pong sabihin kay mama." - Jeric

Nagkatuwaan? Sa lagay na 'yan eh halos mapilay na nga silang lahat eh. Anong nakakatawa dun?

"Nagkatuwaan? Eh bakit hindi kayo tumatawa?"

Tinignan nila akong lahat at hindi sinagot. Pahiya ako ah. May mali ba sa tanong ko?

Sweet Mists Of AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon