Kabanata 7

72 18 11
                                    

Kanina pa ako nakahiga sa kama pero until now hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Dumapa ako sa kama at kinuha ang laptop ko, typing 'Arch Roiyd Zamaniego' ayan nah, I'm stalking my boyfriend. Hehehe

Bakit puro tags lang lahat sa timeline niya? Hindi ba siya marunong mag-upload? At wala rin siyang solo na picture, kasama niya ang mga friends niya sa bawat litrato.

Hayyysstt..... nakapokerface lang.
Ano kayang problem ang iniisip ni Arch nung kinaptured tong lahat bakit hindi siya ngumingiti?

Hindi ko na nga lang iisipin, baka mamaya ma-stress lang ako sa pag-iisip.

Ano ba yan hindi pa pala kami friends sa Facebook kahit more than friends na kami sa personal. I sent a friend request to him hoping na i-accept niya as soon na makapag-online siya.

Wait! Diba dapat ang magjowa ay may time sa isat-isa? Tawagan ko kaya siya baka sobrang miss na ako nun.

Na miss ko na rin kasi siya, gusto ko ng marinig yung napaka-cool niya na boses.

Kring~ (Sinagot na)

Oh kitams? Isang ring pa lang sinagot na niya. Talagang inaabangan niya ang tawag ko..... Sweet naman niya, na touch ako.

Idinapa ko ang aking mukha sa pillow at doon tumili sabay padyak sa kama ng mga paa ko. Dubdubdub.... Nagwawala na naman ang puso ko.

Nagpagulong-gulong ako sa kama habang malawak ang ngiti not knowing na umabot na pala ako sa edge ng bed kaya malakas na kumalabog ng mahulog ako.

Napadaing ako dahil sa sakit. "Aray ang balakang ko." Sabay himas ko dito.

I'm acting like a mentally ill na, muli akong bumangon at inayos ang sarili ko at nagmadaling umupo sa kama. Ahem. Ahem. Umubo ako para maging maayos ang boses ko.

"H-hello Arch" Pasimple kong kinagat ang daliri ko. Bakit ang tahimik ng nasa kabilang linya? Hindi siya sumasagot. Nagtatampo kaya siya kasi ngayon lang ako tumawag?

Hayy nako. Matampuhin din pala to si Arch. Nag pout ako at malalim na bumuntong hininga. I need to chase him.

"Arch, galit ka ba sa akin kasi ngayon lang ako tumawag? I'm sorry na. I was busy kasi kanina, binisita namin si lola sa bahay kasi weekend"

Wala pa ring sagot mula sa kabilang linya.

"Arch, answer me naman. I look like a crazy oh talking to my phone. For sure hindi magsasalita tong cellphone ko hanggat wala kang sinasabi."

Hindi pa rin siya sumasagot. Feeling ko may mga maliliit na karayom na tumatama sa puso ko.

"Arch, do you still know how to speak? Utter something please? Like A, B, C, D?" Wala pa ring response. OMG! Is he dumb na? Lord, huwag naman sana. "Arch, gayahin mo nga ako. E, F, G, H, I" Dahan-dahan kong bigkas at inaabangan ang pagsunod niya sa akin.

Hala. Wala pa rin. What I'm gonna do?
  

Naitapon ko ang cellphone ko dahil sa gulat ng bigla itong tumunog, whistle sound pa naman ang ringtone ko.
My eardrum almost break dahil sa lakas ng ring tone ko, sakit sa ears.

Teka? Ring tone?! Eh kaphone-call ko si Arch eh. How come?

Aaaiiish! Ginulo ko ang aking buhok dahil sa inis. I'm talking to the wall pala all this time.

Hayyysstt.... Nakakastress ka talaga Arch. Nagmumukha akong tanga dahil sa'yo.

 
Arch Roiyd's POV.

Nang tumunog ang cellphone ko Mabilis ko itong sinagot. Numero lamang ang nakasulat, ito na siguro   'yong hinihintay ko na tawag mula sa pusher.

Sweet Mists Of AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon