Kabanata 2

100 18 7
                                    

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko habang hinaharang ang aking kamay sa mukha ko dahil sa silaw na dulot ng sikat ng araw. Tanghaling tapat at kanina pa kami naglalakad dito sa gilid ng kalsada at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

Sumama ako sa kanila kasi akala ko na pupunta sila ng canteen para kakain.

"Andito na tayo" Nakangiti na sambit ni Lovely ng nasa tapat na kami ng isang karenderya na kung saan ang daming studyante na kumakain.

"Dito tayo maglulunch?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila. Never pa akong nakakain sa isang karenderya, ang gulo ng nga studyante at ang ingay pa nila.

"Nope, sa canteen tayo kakain." Joan's answered, kaya naman tumango lang ako. Pero narinig ko ang mahina niyang bulong 'tanga' sino ba ang tanga na tinutukoy niya? Never mind for sure naman hindi ako ang sinasabihan niya.

Maluwag akong nakahinga.

Hays mabuti naman at babalik kami ng canteen.

"Eh, bakit tayo nandito?" I curiously asked, nakita ko naman na pasimpleng tumawa ang dalawang kasama ko.

Ganito ba talaga ang mga tao sa public school? Masiyahin at mabilis lang ma amaze. Buti pa sila, sa private school kasi ang hirap e-please ng mga students. Masasama ang mga ugali.

"Nakakatuwa ka talaga. Eto clue, ano ba ang ginagawa ng mga tao sa karenderya?" Sabi ni Lovely na tila nag-iisip, kaya naman iniisip ko ring mabuti kung ano ang sagot.

"Bibili? Kakain? Magte-take out?" Mabilis na sagot ko, kasi I'm sure naman na tama ang answer ko.

"Yun naman pala eh, very good!" Sabi niya habang naka-thumps up. Eh ang dali lang naman ng tanong niya, natural masasagutan ko.

"Wala namang connection yang tanong mo. Teka nga, bakit ba tayo nandito?"

"Hahahahahahahahaha" Malakas na tawa ni Lovely habang nakatalikod sa akin.

"Gaga ka talaga!" Sigaw ni Joan habang natatawa.

Gaga? Two times niya na akong sinabihan niyan. Hindi naman ako gaga ah. Sila nga yung gaga eh kasi basta-basta na lang tumatawa kahit walang dahilan.

Hindi na lang ako umimik at nanatiling nakatayo sa gitna nila na mas lalong lumalakas ang tawanan kapag nagkatinginan.

"Halika na nga, kumain na tayo mauubusan ako ng hangin dahil sayo" Lovely said at naunang pumasok sa loob sumunod naman kaagad si Joan sa kanya.

Oh my God! Bakit siya pumasok? Dito ba talaga kami kakain? Sabi ni Joan sa canteen daw. Ano ba yan, paiba-iba ng mood. Gaga talaga.

Bahala na nga, nagugutom na rin ako.

Umorder silang dalawa ng serve ng ulam, may baon pala silang rice kaya umorder na rin ako ng kaldereta at isang rice. Mukhang masarap naman ang luto nila kasi andami nilang costumers.

Nagsimula na kaming kumain at tahimik lang kaming tatlo, napapansin ko naman na panay ang pagsulyap sa akin ni Lovely.

"May lalaki kanina, kaibigan yata siya ng kaklase natin na nag-scape at sinabihan niya ako ng ulol." Kaysa naman wala kaming imikan, I chose to share with them na lang.

"Then, anong ginawa mo?" Tanong ni Lovely.

"Wala, what does it mean ba? Hindi ko kasi alam"

"Di mo alam?" Di makapaniwalang tanong ni Joan kaya nag nod nalang ako, she's so tanga talaga. Kaya nga ako nagtatanong kasi di ko alam.

"Ang ibig sabihin ng ulol ay maganda." Sagot ni Lovely kaya napangiti ako, sabi ko na nga ba eh its a compliment. Kaya pala siya napatitig sa akin kasi nagandahan siya sa akin.

Sweet Mists Of AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon