Kabanata 9

57 16 18
                                    

~RL~

"Magsalita na kayo." Pahayag ni Arch sa mga bagong miyembro.

"Sa susunod na buwan babalik na dito sa Pilipinas ang founder ng Skull Organization upang hakutin ang mga parangal na iginawad sa grupo nila. Magkakaroon ng pagtangkilik at pagkilala sa bawat grupo na kasapi ng Lawless Organization kaya lahat ng members ng fraternities na under sa nasabing organization ay kinakailangan na dumalo."

Nakita ko ang pagdilim ng mukha ni Arch at ang sandaling pagkuyom ng kanyang kamao. Napapansin ko na sa tuwing pinag-uusapan ang 'Skull Organization' ay bigla na lamang sasama ang timpla niya at magtitimpi sa galit.

Sa lahat ng Fraternities sa 'Skull' lang din siya interasado. Nararamdaman ko na may personal siyang dahilan bukod sa pagiging magkalaban namin sa Frat.

Ano kaya?

Sino kaya sa grupo nila?

Bakit?

"Grupo ng Skull ang nangunguna sa pinakamarami na miyembro kaya sila ang madalas na pinagkakalooban ng trabaho." Kalakip ng pagsali nila sa grupo ang mga impormasyong alam nila dahil hindi namin tatanggapin kung wala naman din kaming mapapala.

"Nalaman ko rin na matagal ng nasa panig ng 'Skull' ang mga tagahatol sa kung sino man ang lumabag sa mga patakaran, kaya anumang reklamo tungkol sa kanila ay napapawalang-bisa."

Nagulat kaming lahat ng malakas na ibinato ni Arch sa dingding ang hawak niyang baso. Naging butil ito dahil sa impact at sobrang lakas na pagtama.

Napatitig kaming lahat sa mga basag na ngayon ay nasa sahig na. Tila natauhan siya at tumingin sa aming lahat.

"Pasensya na" Mabilis siya na umalis palabas ng underground.
   
        
        
ALLEYAH'S POV

Nasaan na kaya 'yon si RL? Sabi niya babalik siya kaagad dahil ililibre niya ako ng fish ball but he hasn't here yet. I'm so bored na, so I just write on my diary na nakainstall sa phone ko. Nakalimutan ko pa lang magsulat kahapon and the other day din so I will just write down today.

Dear Diary, (The other Day)

You know what my boyfriend keeps on ignoring me, he doesn't care kahit na magalit ako sa kanya. I've done a lot just to catch up with him but still useless.

He used his friend RL para bantayan ako but I'm not happy. I'm his girlfriend, his responsibility, so he should not asked someone to look after me instead he should do it himself.
   
      
Dear Diary, (Yesterday)

Fine. Wala palang pansinan ah. I will act din na hindi siya nag-eexist sa paningin ko para fair kami, akala niya ha siya lang marunong.

• _•

I will let him miss me hanggang sa siya na mismo ang kusang lumapit sa akin.
        
     
Dear Diary, (Today)

Alam mo sobrang bait ng friend ni Arch sa akin, his name is RL. He always talk to me and say hello at palagi rin niya akong nililibre.

Finally!! My bagong friend na ako rito sa school aside from Joan and Lovely.

Yeeyyy.... Ayan na pala si RL, nakangiti siya habang papalapit sa akin mas lalo tuloy naging singkit ang mga mata niya.

"Tara na" Tumango at sumabay sa kanya. Akalain niyo 'yon pati pamasahe ko libre din hehe. Sumakay kami sa tricycle papunta sa plaza.

"Alam mo RL, may pera naman ako pambili ng fish ball at tempura pero mas gusto ko kasi yung libre, mas yummy eh" Sabi ko habang nasa loob kami ng tricycle. Mahina naman siyang tumawa.

Sweet Mists Of AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon