Kabanata 10

61 16 8
                                    

Masaya akong gumising, napanaginipan ko kasi si Arch my boyfie, sobrang sweet namin tapos nakaholdings pa. It's either namimiss ko siya o iniisip niya ako kaya ko siya napaniginipan.
  
Kaya maaga akong pumunta sa school, hoping to see him. Ganito pala pag inspired, hindi nawawala ang ngiti sa labi ko. Ewan ko ba, sobrang hirap talaga na pigilan. Bahala na nga kung anong isipin nila! The important thing is I'm happy.
     
"Shit! Andiyan na naman si Arch sa labas, tignan niyo oh." - Lovely

Nakasandal si Arch sa wall na shoulder level, sa labas ng classroom namin. Nakabusangot na nakatingin kay ma'am, hehe siguro di niya gets ang dinidiscuss ni ma'am.

Ang cute niyang tignan. Nakaka-fall lalo.

"Huwag mo nga siyang titigan, he's for my eyes only." -Joan

"Anong for your eyes only? Damot mo naman! Feeling girlfriend. Eh halata naman na sa akin siya nagpapacute." -Lovely

Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Pinag-aagawan ba nila ang boyfriend ko?

"Bawasan mo nga yang pagkafeelingera mo. Baka gumuho ang mundo mo pag nanligaw na sakin si Arch." -Joan

"Hindi na manliligaw si Arch kahit kanino kasi may girlfriend na siya." Sabat ko sa usapan nila, gulat naman sila na tumingin sa akin.

Ang daming may gusto sa boyfriend ko, dami ko namang rivals.

"Ano! Sino?" Sabay pa nilang sabi. Wow! Ang galing naman para silang nagpractice.

"Ako." Sagot ko. Maluwag na nakahinga si Lovely habang si Joan ay umiling-iling. "Pero secret lang natin to ah, kasi ayaw pa ni Arch na malaman ng iba kasi nahihiya siya dahil masyado pa daw kaming bata." Dagdag ko.

"Mas malala pa siya sayo." Sabi ni Lovely habang nakatingin kay Joan.

"Mas feelingera pa siya sayo." Ganti naman ni Joan.

I'm smiling while looking at Arch's direction but sadly hindi niya ako binabalingan ng tingin. Nangangalay na yung lips ko kakangiti.

Sobrang gwapo talaga ni Arch, may pagka-gangster ang dating. Messy hair na abot hanggang kilay actually para siyang emo, deep brown eyes, pointed nose, and thin pinkish lips. Para siyang bad boy na nainlove sa good girl, sakin....to be exact. Katulad ng palagi kong napapanood sa k-drama.

I can't get enough of staring him. Yung parang siya na ang pinakamagandang view sa lahat. Hindi siya nakakasawa na titigan, kahit buong araw ko siguro itong gawin okay lang.

Sobrang swerte ko talaga sa boyfriend ko. Eyyyyy kinikilig ako. Maya-maya lang ay dumating si Rosell at kinausap siya.

"Okay ka lang?"

"Alleyah!"

''Hoy!!"

Napahalukipkip ako, ano ba 'to? I'm being a pervert na.

"Hoy! Kanina ka pa tinatawag ni ma'am!" Mahinang pinalo ni Joan ang braso ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Ako? Bakit?" Habang nakaturo sa sarili ko.

"Ewan ko sayo! Para ka kasing baliw"

"Huh? Bakit?"

"Seryoso na nagdi-discuss si ma'am habang ikaw naman diyan ay tawa ng tawa. Para kang nakadrugs."

Tipid akong ngumiti at humarap kay ma'am "sorry po" sabay peace sign.

Nilagay ko na ang mga gamit ko sa bag nang matapos ang klase. Shit! Nakakahiya naman ako kanina, nakakadistract naman kasi ang boyfriend ko. Nakita kaya ako ni Arch kanina? Wahhh... Tanga pa naman ang endearment niya sa akin, pero kasalanan niya naman 'yon bakit ba kasi ang ganda niyang tignan.

Lumapit sa akin si RL at binigyan ako ng Chuckie kaya mabilis ko itong tinanggap. "Wahh... Salamat RL"

"Sana all binigyan" Parinig ni Joan na tinawanan namin.

"Sige, alis na ako. Kitakits mamaya." Nagpaalam pa talaga siya. Ano tingin niya sa akin, mommy niya?

Umalis siya at lumapit sa mga kaibigan niya na naghihintay sa labas.  My smile faded because of Arch's intense stare, nakakatakot ang tingin niya sa sakin at sa Chuckie na hawak ko.

Galit kaya siya? Kasi sakin binigay ni RL ang Chuckie imbis na sa kanya? Hayyysstt..... Bibilhan ko na lang siya, favorite niya pala 'to.

   
ROSELL'S POV
    
Nakatambay kami ngayon sa tambayan, kakaiba kasi medyo tahimik ang grupo. May hula ako na si Alleyah ang pinopormahan ni Arch ngayon dahil sa nakita ko rin na picture nilang dalawa ang wallpaper ni Arch. Ang corny diba? Inlove na talaga ang kaibigan namin.

"Dre, ano nga pala ang sinabi mo kay Alleyah kanina?" Tanong ko. Nalipat naman sa kanya ang atensyon ng lahat. Curious na rin eh, akalain niyo binigyan pa niya ng Chuckie? Iba na talaga 'to.

"Wala" Tsk. Hindi talaga aamin.

"Anong wala? Binigyan mo pa nga ng Chuckie eh! Pinopormahan mo ba?" Usisa ni Ryan. "Masyado mo kasi siyang inaasikaso sa classroom."

"Bawal niyang pormahan si Alleyah, walang talonan dapat." Sabat ko, dahil tama ang hula ko. Ang mga ganitong bagay ay hindi na dapat pinapatagal, dahil pag tuluyan ng lumalim mas mahirap ng bawiin.

"Bakit?"- Ryan

"Di niyo pa pala alam? Girlfriend ni Arch si Alleyah."

"Ano?" Si Ryan lang ang nagulat sa binunyag ko, at ng binalingan ko ng tingin si RL nakita ko siya na walang imik.
"Kailan pa? Mga gago! Di niyo talaga sinabi?"

"Hindi naman kasi seryoso si Arch dun eh. Diba dre?" Sabay tingin ko kay Arch pero hindi ito sumagot.

Ito na nga ba ang kinatatakutan ko. Madalas na maging dahilan na masira ang samahan ay babae. Tahimik lamang si RL pero halata na nakikinig pa rin sa usapan.

"Arch, kaibigan ko si Alleyah kaya huwag mo naman sana siyang pagtripan." Saad ni RL, halata sa itsura niya na hindi niya nagustuhan kung ano ang nalaman niya. 

"Gusto mo siya?" Tanong ni Arch kay RL sa mababa na boses.

"Hindi." Sagot nito. Pero alam ko na kabaliktaran sa sagot niya ang totoo.

"Hayy..Mabuti naman... Akala ko magkaagaw na." Masiglang sabi ni Ryan, paano ba namin naging barkada to? Masyadong tanga!

Sandaling katahimikan ang nanalaytay ngunit nabasag ito ng magsalita si RL.

"Mabait si Alleyah, maganda at matino. Kaya huwag mo siyang ipagsabayan sa ibang babae dahil hindi sila magkatulad. Pero kung hindi mo kaya, gawin mo kung ano ang nararapat dahil marami ang gusto na pasayahin siya."

Kahit ako mismo ay panandaliang natulala sa mga sinabi niya, para na rin niyang inamin ang totoong nararamdaman niya.

"Very well said RL." Pumalakpak na saad ni Ryan. "Saan mo 'yon narinig dre? Ganda ng linya." Puri niya kay RL.

Kahit sobrang tensyunado na, nagawa ko pa ring tumawa ng mahina. Hindi ko mapigilan eh. Wagas na katangahan.

"Susubukan ko." Sagot ni Arch.

    
   

  
Sorry for the very short update. Unedited po ito.

Dalawa ang on going stories ko ngayon at alternate ako mag-update kaya medyo mabagal ang usad.

Sweet Mists Of AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon