"About sa nangyari kanina, why did you tell them about us." Curious kong tanong. We're in the nearest restaurant right now kumakain ng lunch, I thought sa karenderya niya ako dadalhin kasi mas mura doon. Pero mabuti na rin 'to kasi matagal-tagal na noong huli akong pumunta dito, three weeks na yata.
"Bakit naman hindi?"
"Diba secret relationship lang tayo? You forget about it?"
"Anong pinagsasabi mo?"
"Diba nahihiya ka na ipaalam sa public yung tungkol sa atin kasi masyado pa tayong bata?" Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa akin. "Kaya nga hindi mo ako masyadong kinakausap, at si RL ang inutusan mo para kaibiganin at bantayan ako para hindi sila makahalata." Tumingin siya sa kabilang direksyon at ngumiti, kaya napangiti na lang rin ako at yumuko. Why so handsome Arch?
"Nag krim stix ka ba?"
"Huh? Krim stix? Yung may ibat-ibang flavor? Dati mahilig ako pero ngayon hindi na. Bakit?" Bibilhan niya ba ako kaya niya tinanong? Uubusin ko talaga basta galing sa kanya.
"Ang lawak kasi ng imagination mo."
"Wahhh talaga? Paano mo nasabi?" Alam talaga ni Arch kung paano ako pakiligin. Kinompliment niya ulit ako, dati ulol.... At ngayon naman malawak daw ang imagination ko, so tingin niya matalino ako? Lihim akong ngumiti, baka mas mainlove siya sakin lalo.
Tipid siyang ngumiti at umiling, parang pinipigilan niyang matawa. He seems so happy kasi kanina pa siya panay ngiti, maybe dahil ako ang kasama niya.
"Waiter!" Tawag niya kaya may lumapit sa amin. "Magkano samin?"
"389 pesos po sir."
"389." Ulit ni Arch at tumingin sa akin. "Alleyah, ikaw ng bahala. Cr lang ako." Nagmadali siyang umalis at nagtungo sa comfort room.
I was left with the waiter. Nakatayo siya sa gilid ko at mukhang naghihintay ng bayad, kaya dumukot na lang ako ng pera sa bag ko at ibinigay sa kanya.
Akala ko pa naman si Arch ang magbabayad.
Thirty minutes have passed pero hindi pa rin bumabalik si Arch. Where is he? Baka na trap na sa loob ng banyo?
"Excuse me ma'am, marami pa pong costumer na naghihintay. Kung hindi na kayo o-order, pwede na kayong umalis." Saad ng waiter na binayaran ko kanina.
"Sandali lang po, hinihintay ko pa kasi ang boyfriend ko....hmm nasa cr pa siya."
"Yung kasama niyo ma'am? Kanina ko pa siya nakitang umalis."
Sandali akong natahimik. "Ganun po ba? Sige po salamat."
Mag-isa akong bumalik ng skwelahan. Nakakainis! Ginawa niya talaga akong tanga kakahintay. Pwede niya naman akong sabihan pero di niya ginawa, I'm planning pa naman sana na turuan siya kung paano mag-upload.
When I entered the gate, I saw Arch and his friends talking at the guard house, mas lalong kumulo ang dugo ko dahil sa nakita ko. He made me wait for half hour habang siya ay nakikipagkatuwaan lang sa mga friends niya?
At ako rin ang nagbayad sa lahat ng inorder niya, so unromantic.
Dumiritso ako sa classroom na masama ang loob. Nakatingin ang lahat ng classmates ko sa akin, siguro nasesense nila na bad mood ako.
"Alleyah, explain." Sabay gesture ni Lovely na palapitin ako sa kanya.
"Ako mag-eexplain? Diba Lovely sabi mo ikaw na mag-eexplain sa report natin kasi ako ang magsusulat."
Sinapo ni Joan ang sariling noo. "My God Alleyah!"
"Diba Joan? Sabi niya kanina siya ang mag-eexplain?" Ang hirap edescribe ng itsura nilang dalawa, parang galit pero para ring matatawa. Ano ba talaga?
BINABASA MO ANG
Sweet Mists Of Addiction
Teen FictionThey said "High school life is the best." So that is what everyone believes of, especially when you found friends that will make your days lively and a high school sweetheart that will make you stutter and be the reason of your weaken knees. His lif...