"Alleyah, gora na. Lunch time." Nilingon ko si Lovely na naghihintay sa akin, actually kanina pa niya ako inaaya but I said no. Nakalabas na lahat ng mga classmates namin at kami nalang tatlo ang naiwan.
Arch is waiting outside, ayaw ko siyang makita at kausapin. Maiinis lang ako.
"Umalis na lang kayo, hindi na ako kakain."
"Ano? Dahil galit ka kay Arch hindi ka na kakain? Remember, katawan mo 'yan. Kaya ikaw ang magugutom at hindi si Arch." Sermon sa akin ni Lovely. I pout, dapat kinocomfort nila ako at hindi tini-threat.
"Makipag-break ka na lang kasi." Suggestion ni Joan.
No. Hindi ko gagawin 'yan. Pag nag-break kami, masasaktan ako. Mawawala na 'yong focus ko sa study ko at babagsak ako. Buti na lang talaga at nakinig ako sa debate kahapon.
"Ayoko."
I'm starving na, bakit ba kasi hindi na ako binibigyan ng snacks ni RL? Wala na kaya siyang pera? Dati naman everyday at walang palya pero ngayon araw-araw ng hindi.
"Halika ka na kasi. Kung ayaw mo siyang makita edi huwag mong tignan, kung ayaw mong makausap edi huwag mong kausapin, at kung ayaw mong lapitan edi sa entrance tayo dumaan."
I saw a light bulb over my head. Lovely is right, bakit hindi ko 'yon naisip? She's so smart.
Arch is waiting at the exit kaya sa entrance kami ng classroom lumabas, pero hindi pa man kami nakakalayo ay hinarangan niya kami.
"Saan kayo pupunta?" I didn't answer him and look around instead. Sinunod ko 'yong sinabi ni Lovely.
Ano ka ngayon ha? Hindi talaga kita kakausapin. Punishment mo 'yan sa pag-iwan sa akin.
"You know what babe, mukha kang tanga."
Itinuloy ko lang ang paglingon-lingon kahit saan. Sino kaya ang sinabihan niya ng tanga? Kahit sino na lang nilalait niya.
Sino kaya si Babe?
"Maglulunch kami Arch, sama ka?" Aya ni Joan kay Arch, nagulat man pero hindi ko na lang pinahalata. Alam niya naman na iniiwasan ko si Arch pero sinama niya pa.
"Sige ba, basta libre." Si Babe mukhang tanga, pero siya mukhang libre.
"Okay, treat kita." Nakangiting sabi ni Joan.
"Eww. Landi. Tara na nga Alleyah." Hinigit ako ni Lovely at nauna na kaming maglakad sa kanila.
"Inggit ka lang." Tumatawa na sabi ni Joan sa likuran.
What if landiin ni Arch si Joan? Malanding lalaki pa naman siya. May gusto si Joan kay Arch kaya for sure gugustuhin niya rin. Wahhh.. Paano pag sila ang magkatuluyan? Ano na ang mangyayari sa akin?
Ayokong ma broken hearted. Masakit daw kasi.
"Lovely tabi kayo ni Joan tas tabi kami ni Arch." Bulong ko.
"Sure gurl, ipaglaban ang karapatan."
Binantayan ko si Arch kung saan siya umupo at mabilis kong inunahan si Joan. I'm the winner, ako ang naunang tumabi.
Lihim akong ngumiti. Ako lang ang pwedeng landiin ni Arch, wala ng iba.
Joan mumbled something pero hindi ko narinig.
Hmm.. Ang bango niya, ganito palagi ang scent niya kaya pag nakakalanghap ako ng ganitong amoy siya na kaagad ang naaalala ko.
Nawala bigla ang inis ko ngayong magkatabi na kami. I don't know why, but I think nakaka-good vibes talaga ang love.
BINABASA MO ANG
Sweet Mists Of Addiction
Teen FictionThey said "High school life is the best." So that is what everyone believes of, especially when you found friends that will make your days lively and a high school sweetheart that will make you stutter and be the reason of your weaken knees. His lif...