ARCH'S POV
"Alam mo dre, para kang sira! Ano ba kasi 'yang iniisip mo? Kanina ka pa ngiti ng ngiti." Tanong ni Ryan kay RL kaya napalingon kaagad ako sa kanya. Mas malala pa nga sa nakahithit ang isang to, panay ang ngiti habang nakatingin sa cellphone niya.
"Wala." Sagot niya at ibinalik ang kanyang cellphone sa bulsa pero hindi ako naniniwala. "Sinugod lang ako kahapon ng kalaban natin sa Frat."
"Sinugod ka? Kaya pala ang saya mo." Sarkastikong tugon ni Rosell.
"Naniwala kayo. I know that smile, babae ang dahilan niyan. Ganyan kaya ngumiti si Arch everytime na magkasama kami at yung tingin niya yung tipong tagos hanggang buto." Natawa kaming lahat sa pagsingit ni Vivienne, sa lahat ng girlfriends ko siya ang palaging kasama ng tropa wagas kung maka-assume eh, nakakatuwa!
At isa pa madalas manlibre, katulad ngayon nandito na naman kami sa tindahan nina Jamaica. Nag-iinuman ng red horse pwera na lang kay RL na hindi uminom, namaligno yata.
"Sino ba kasi yan?" Tanong ko, curious na rin ako kung sino ang nagugustuhan ng kaibigan ko.
"Saka ko na sasabihin" Nahihiyang tugon niya at nagkamot sa ulo. Unang beses magkainteres si RL sa isang babae, sino kaya to?
"Una na ako sa inyo. May pupuntahan lang." Nagkantyawan naman ang lahat dahil sa pagpapaalam niya. Kahit di man niya sabihin kitang-kita sa kilos niya na pupuntahan niya ang babaeng nagugustuhan niya."Iba talaga pag-inlove. Support kita RL" Sigaw ni Vivienne at yumakap sa akin. Tsk clingy talaga.
******--------
Pormal na nag-uusap sa loob ng tahanan ang dalawang mag-asawa. Mararamdaman ang tensyon at pagtatalo sa pagitan ng bawat panig na animo'y napakatindi ng dahilan ng kanilang pagtatalo.
"Next month hahayaan na namin na umuwi dito sa Pilipinas ang anak namin." The wife said informing the other couple infront.
"I'm begging you, please make your daughter stay longer. Arch is doing well and he will recover soon, unti-unti na siyang naghihilom." Pagmamakaawa ng isang babae.
"Then how about my daughter? It's almost three years ng hindi namin siya nakakasama. Regret and sacrificing is never been easy for her, hindi lang anak niyo ang argabyado dito. Anak ko rin!" May bahid ng hinanakit ang tugon ng babae.
None of their husbands tend to speak.
"I know and I'm so sorry for that." Arch's mother lowered her head and below the table she held her husband's hand.
"Buti pa si Arch........Buti pa yung anak niyo. Samantala yung anak namin bitbit niya pa rin ang mga masasamang nangyari noon, alam niyo ba na sa tuwing tumatawag ako sa kapatid ko para kamustahin si Xienna, wala siyang ibang sagot bukod sa 'umiiyak na naman' Alam niyo ba kung gaano kasakit 'yon para sa isang ina?" The woman cried and her husband did comfort her habang ang mga magulang ni Arch ay tahimik lamang na nakikinig.
"Anak ko na ang nagsaripisyo tapos hanggang ngayon siya pa rin itong nagtitiis, mahal niya si Arch pero isinawalang bahala niya ang nararamdaman niya dahil tingin niya iyon ang makakabuti kay Arch...Di bale ng mahirapan siya at lumayo mag-isa.""M-mahal ni Xienna si Arch?" Gulantang na tanong ng ina ni Arch, hindi niya inaasahan na tuluyang mahuhulog ang babae sa anak niya.
Tumango ang ina ni Xienna at pilit na ngumiti "Tuluyang nahulog ang loob niya."
Kapwa napatakip sa bibig ang mag-asawa, hindi nila inaasahan na hahantong doon ang lahat.
ALLEYAH'S POV
Aishhh.... Nasaan na naman kaya yung malanding lalaki na 'yon? He really doesn't cared about me kahit alam niya na galit ako sa kanya hindi man lang nagtext for apologize.
BINABASA MO ANG
Sweet Mists Of Addiction
Teen FictionThey said "High school life is the best." So that is what everyone believes of, especially when you found friends that will make your days lively and a high school sweetheart that will make you stutter and be the reason of your weaken knees. His lif...