CHAPTER 1.

62 7 1
                                    

KYLIE POV

Blaaaagg!!!

Napabalikwas ako ng gising ng napagtanto ko kung anong oras na.

Shiittt!! Late na naman ako!!!

Bakit ba ganito sa tuwing unang araw ng pasok ay nalalate ako ng gising

Dali dali na akong naligo at bumaba kahit di pa nag susuklay ng buhok well anong bago -_-

Rinig na rinig ko naman ang tawanan ng tao sa baba.

"Goodmorning !!" Bati ko sa kanila

"Oh bat ganyan ang itsura mo hahah" tanong naman ni papa habang nakatingin sa mukha ko

"Pa naman!!"

"Well anong bago dad hindi naman uso dyan kay Kylie ang pag susuklay hahah" sabi naman ng kulugong si  kuya Venedict

"Mag kaaway yata sila ng suklay hahaha" bigla namang sabat ng isang unggoy na si kuya Vincent

"Tsskkk"

"HAHAHAHAHA" sabay nilang tawa nakaka irita ung tawa parang gorilla

Bwiset na yan ang aga aga nag date na naman ung mga kilay ko tanginang yan!

"Alis na ko" sabi ko na lang at baka di pa ako makapagpigil sa dalawa kong mga kuya

"Sige mag iingat ka" sabi naman ni papa

Agad naman akong nag abang ng jeep papuntang school.

Nang makapasok ako sa gate ay syempre di kasama ang jeep bumaba lang ako sa kanto at naglakad na. Patakbo naman akong pumunta sa unang klase ko.

Kahit unang araw ng pasok ngayon ay alam ko naman na ang schedule ko. Dahil nalaman ko agad noong nakaraang linggo pa ang sched. ko at nag summer clas din kase ako. Atsyaka nag summer class ako noong summer malamang summer nag summer class kaya nga summer class ei jusmehh. For you're information di rin ako bumagsak para mag summer class nag advance lang ako ng subjects ko para onti na lang ung mga kukunin ko ngayong pasukan.

Bago naman ako pumunta sa unang klase ko ay dumaan muna ako sa locker ko para iwanan ang ibang gamit ko dahil napaka bigat ng mga dala dala ko'ng kung anik anik.

Habang inilalagay ko sa loob ng locker ko ang gamit ko ay bigla naman may umakbay sa balikat ko. Napahinto naman ako sa ginagawa ko at tinignan kung sinong siraulo ang nagtangka na umakbay sa akin.

"Uy kylie kamusta?" tanong ni cindy

"Ok naman ikaw? Kamusta bakasyon mo?"

"Ok lang din hahaha"sagot nya habang parang kinukumbulsyon ang itsura paano ba naman hindi ko malaman kung kinikilig ba ito o natatae. Pero malamang pa sa alamang ay nakakita na naman to ng poging lalaki.

Siya si Cindy ang isa sa mga kaibigan ko dito sa campus. Dati ayaw ko pa syang ituring na kaibigan dahil ayoko lang talaga pero mapilit sya kaya nasanay na rin ako sa pagmumukha nya.

"Sandali nga bat ba ganyan buhok mo nagsuklay ka ba?!" tanong nya

"Sa tingin mo ba? "

"Tsskk nako ewan ko sayo kylie napaka tamad mo!!tignan mo nga yang buhok mo ang haba haba tas di ka nagsusuklay magpakalbo ka na lang kaya? " litanya ni cindy

"Ikaw kaya kalbuhin ko?" sagot ko sa kanya at kumunot lang ung malapad nyang noo na tinatabunan ng bangs nya hahaha

"Alis na ko bye" paalam ko sa kanya dahil late na talaga ako sa klase ko

Agad na akong umalis dahil baka  manermon pa ung babaeng un na dinaig pa ang madre kung mag litanya.

Pagdating ko sa harap ng room ay nakasara na
Ibig sabihin nasa loob na ung teacher. Ay jusmio marimar late ako sa unang klase ko

Love at First Hit (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon