CHAPTER 10.

10 1 0
                                    

Hi guys so sana binabasa nyo padin tong story hahah.
Alam ko na di masyadong
maganda ung story pero
gagawin ko ung best ko para magustuhan nyo pa din kahit hindi ganon ka perfect.Thank you sa mga kaonting nagbabasa. Sana maging crush kayo ng crush nyo hahaha love love;)

______________________________


KYLIE POV

PAGKAGISING ko ay napatingin
na agad ako sa wall clock sa kwarto ko dahil baka late na naman ako pero pagtingin ko ay 8 palang kaya naman nahiga ulit ako dahil 1 pa ung klase ko at isang subjects lang un pero pagkahiga ko at pagkapikit ay hindi na ako maka tulog ulit. Kaya naman humiga na lang talaga ako at napa isip.

What if ma-disappoint ko ung mga taong nag eexpext sa akin?napaka daming what if ang pumapasok sa utak ko. Imbes na dalawin ako ng antok ay gutom ang dumalaw sa akin kaya naman bumaba na ako at dumaretso sa kusina para mag almusal. Naabutan ko naman na kumakain na sila manang

"Good morning po"bati ko sa kanila

"Oh iha halika na at kumain ka na din, nauna na kami kumain dahil akala ko ay mamaya ka pa magigising"sabi naman ni manang at agad naman sya kumuha ng plato para sa akin pero pinigilan ko na ito at ako na lang ang kumuha ng plato ko para maipag patuloy na nya ang pagkain nya. Siya na ang nag alaga sa amin ng mga kapatid ko simula ng mga bata pa kami kaya naman parang pamilya na ang turing namin sa kanya at hindi na rin siya nakapag asawa dahil sa amin siya nakatutok para alagaan kami

Kasama ko ngayong kumain ay si manang at ung pamangkin nya pati na rin ung driver namin. Wala si daddy at ang mga kuya ko dahil sa trabaho na ang mga ito.

Matapos kumain ay napag desisyonan ko na lang maligo at pumunta sa school para mag training kahit na 9 pa lang. Nagbihis na ako ng uniform na pang school at papalitan ko na lang sa pagdating ko sa gym.

Pagkadating ko sa school ay binati agad ako ni manong guard at binati ko din ito pabalik. Madami pa ang mga estudyanteng pakalat kalat dahil siguro wala din itong mga klase. Dumeretso naman ako sa locker ko at iniwan ang gamit ko at tumungo din agad sa gym may ilan ilang mga estudyante ang nasa gym pero ang court na para sa varsity ay walang tao.

Agad naman ako nag bihis at nagwarm up para simulan ang training ko. Pero ramdam ko ang mga tingin ng mga tao sa akin habang pumapalo ako ng ng bola. Pinapalo ko lang ung bola ng paulit ulit dahil wala naman ako kasama mag training. Bawat side ay nilagyan ko ng mga bola at ang goal ko ay mapatamaan ko ang mga un para gumaling pa ako sa pagtarget ng tao I mean kung kanino ko ibibigay ang bola. Well isa sa mga technic ung pag target sa kalaban hahanapin mo ang pinaka mahina sa mag recieve ng bola. Pagnahanap mo na ay don na sa kanya madalas ibibigay ang bola.

Lumipas ang ilang oras at kung ano ano pa ang ginawa ko na pag tetraining para maging ok pa ang peroformance ko sa mga susunod na laro. Tumingin ako sa phone ko at 11 na pala kaya napagpasyahan ko na tumigil na at mag pahinga. Matapos kong magpahinga ng mga 15 mins.ay agad na akong naligo at nag bihis ng uniform dahil may klase pa ako ng 1 at may training ulit mamayang 4 kaya naman pumunta na agad akong canteen para mag lunch. Pagkadating ko naman doon ay may mga nakita akong pamilyar na mga mukha nakita ko ang ibang mga ka team mate ko nginitian naman nila ako ngumiti din ako sa kanila. Pagka upo ko naman ay biglang dumating si Cindy at may hawak hawak na chess mat at mukhang stress na naman ang bruha.

"Hi kamusta" pang bungad nya sa akin

"Humihinga pa naman. How about you?"

"Nakaka stress Kylie kung alam mo lang nagkasabay sabay yung mga gawain ko" bigla na lang syang napa ub-ub sa table

"Halata nga sa mukha mo na stress dahil sobrang hagard mo"sabay ngisi ko sa kanya

Alam ko kase na ayaw na ayaw nya sinasabihan sya ng ganon kaya naman bigla nya na lang akong tinignan ng masama

"Kase naman may isang taga ibang school ang nag te-train sa amin. I mean not totally nagtraining parang tune up na din pero makakalaban parin namin ung school nila"mahaba niyang paliwanag

"Oh anong problema don at least mag tumutulong sa inyo"sagot ko

"Yes ok naman sana pero kase naman masyado syang strikto sa amin at ito pa lagi akong natatalo sa kanya pati na rin ung mga ka team ko wala pang nakakatalo sa kanya"

Knowing Cindy oarang ako lang yan ayaw niya ng nataalo palagi.

"Ayaw mo non magaling talaga"

"Alam mo ba ampogi nya sana ei pero masyadong strikto kaya nakakatakot masyado ang lumapit sa kanya"

Kita mo to di talaga maiwasan na hindi mapansin kapag gwapo ang lalaki hayyssttt ewan ko na lang.

Natapos ang 3hrs. ko na klase at nagmamadali na akong pumunta sa gym para sa training dahil sigurado ako na latr na ako dahil nag over time ng 10 mins. ang prof namin. Agad naman akong bihis bg pang training at tumakbo agad sa gym.

Pagdating ko don ay nag wawarm up na sila at tumatakbo sila sa buong gym kaya naman sumabay ako sa kanila nasa tabi ko naman si Sam.

"Uy bat nalate ka yata?"

"Nag over time pa kase ang prof. namin kanina"

Nagpatuloy lang kami sa pagtakbo at kung ano ano pang pang warm up. Pero napansin ko nanan ang babaeng nakatingin sa akin na sigiradong ka team ko din. Nakatingin lang sya sa akin na parang may multong nakita. Pero iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya dahil ang weird nya tignan
Pero bigla na lang sumigaw si coach

"Chloe focus!!!!"

"Sorry coach"

Agad naman na nag patuloy ang babaeng nagngangalang chloe sa ginagawa niya kaya naman tinapos ko na din ang ginagawa ko at nagsimula na kaming mag training.

Iba iba ang ginagawa nila ang setter ay nag papractice na e set ang bola ng maayos at nag dadrop din ito paminsan minsan at ang mga blocker naman ay patuloy lang sa pag ba block ng mga bola na pinapalo ng kabilangside ng court at ang libero naman ay pagulong gulong kung saan pinapalo ng coach ang bola at minsan ay nag dadive ito para mahabol ang bola.

Bale ang mga coach ng mga volleyball ang nag te-train sa amin ngayon. Pero bigla na lang ako tinawag no coach Aga

"Kylie halika dito mag sisimulan na natin ang training mo"

Agad naman ako lumapit sa kanila at parang alam ko na ang gagawin ko. Nakapwesto silang lima sa akin bale parang half circle ung shape at nasa gitna ako pero not totally nasa gitna medyo malayo ako sa kanila ng kaonti para makabwelo ako sa pag recieve ng bola. Lima silang nanduon kasama si Sam at ang 4 na coaches

Nagsimula silang pumalo ng bola papunta saakin pero hindi naman ito as in sabay sabay pero segundo lang ang pagitan. Tuloy tuloy lang ang pagpunta ng mga bola papunta sa akin sa una ay medyo mabagal ito habang patagal ng patagal ay pabilis ito ng pabilis. Panay naman ang paghabol ko sa mga bola at wala pa akong na mimiss na bola kahit na isa panay ako gulong sa sahig para habulin ang bola at sapalagay ko nga ay papasa na ako bilang libero dahil ang galing ko humabol ng bola. Pati ang katawan ko natatamaan ng bola at sigurado akong sasakit ng sobra ang katawan ko mamaya.

TBC:)

Love at First Hit (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon