CHAPTER 13

10 1 0
                                    

CEDRICK POV

LUMIPAS ang isang buwan ng
walang bago sa buhay ko dahil puro
training at school works ang ginagawa ko.

Maliban na lang sa pag iwas ko palagi kay Kylie dahil ayoko talaga na nararamdamn ang presensya niya na malapit sa akin dahil parang hinahalukay ung tiyan ko kapag nasa paligid ko siya.

Na para bang bawat kilos niya hindi ko mapigilan na hindi mapatingin sa kanya.

Isa pa lang yan sa kinaiinisan
ko dahil napakarami pang katangahan ang nagagawa ko kapag nakikita ko siya. Nakakainis
talaga!! dahil di ko mapigilan na mapatingin sa kanya sa tuwing nasa training kami at kahit na
nasa library. Minsan ay natamaan
na lang ako ng bola dahil
nakatingin lang ako sa kanya.
Kaya palagi ko na lang siyang  iniiwasan at sinusungitan sa tuwing nakakasalubong ko siya.

Malapit na magsimula ang season at may tune up na kami sa ibang school.
Kahit naman na di muna namin seryosohin un dahil
tune up pa lang naman ang mang yayari at hindi naman iyon
counted sa sa rank dahil parang friendly game lang ito sa pagitan ng ibat ibang schools.

Natapos ang klase ko ngayon at pumunta naman agad ako sa gym para sa training namin ngayong araw.

Hindi na gaanong mahirap ang mga training namin ngayon dahil malapit na ang laban. Hindi katulad noong nakaraan na inaabot kami ng 11 sa training. Pero ngayon ay inaabit na lang kami ng 10 at hindi na rin ganon ka intense ang training dahil baka daw ma injured kami bago magsimula ang season.

Pagka dating ko doon ay nag sisimula na ang iba para mag warm up. Pero bigla naman akong tinawag ng ni Sam.

"Uy Cedrick pinapapunta tayo nila coach sa office may sasabihin lang daw"

"Ngayon na ba?"

"Oo daw ei, So tara na?"

Agad naman kaming pumunta sa office pero ng palabas na ako sa gym ay pina una ko lang si Sam dahil kukunin ko ang phone ko.
Pagkalabas ko  ng gym ay  nakasalubong ko naman si Kylie kaya automatic na nagsalubong ang kilay ko at naglakad ng mabilis. Hindi naman sa naiinis ako sa kanya pero masyado akong na didistract kapag malapit siya kaya naman hanggat pwede ay iniiwasan ko siya at  sinusungitan.

Pagkadating  ko naman sa office ay nag uusap na sila Sam at coach.

"Oh andyan ka na pala, halika dito at may pag uusapan tayo"

Pinaliwanag naman agad ni coach ung sinasabi nila. Kailangan daw namin umattend ng isang party para pang welcome ng season bale mga captain, coaches at mga sponsor's ang mga aattend kaya kailangan talaga umattend. Pero tumutol naman agad si Sam

"Coach kasi may exam po ako sa next Wednesday kaya baka po di ako maka attend?" nagdadalawang isip na sabi niya

"Ei paano yan kailangan may kapalit ka'ng pupunta doon"

"Si Kylie na lang po kaya ang pumunta don?" Sam

Napaubo naman ako bigla ng sabihin ni Sam na si Kylie na lang ang papalit sa kanya. Napatingin naman sila sa akin na para bang nagtatanong kung may problema ba sa sinabi nila. Pero agad naman akong umiling para
sabihin  sa kanila na wala naman.

Pilit ko nga'ng iniiwasan si Kylie tapos siya pa ang makakasama ko sa isang party?! Seriously?!

"Sige sige mukhang magkakaroon nga tayo ng maraming sponsor's kapag isa si Kylie na lang ang papalit sayo sa pagpunta sa party" sabi naman ni coach

"Sige coach ako na lang po ang magsasabi kay Kylie, pasensya na po talaga busy lang po talaga ako next week" sabi naman ni Sam

Umalis naman na kami at wala parin ako sa sarili dahil sa napag usapan kanina.

"May gusto ka ba kay Kylie?"

Bigla ko yatang  nalunok lahat ng laway ko kaya napaubo na lang ako bigla pero  tinawanan niya lang ako ng tinawanan.

"Alam mo kasi Cedrick halata ka masyado ei"

"Huh?!" sagot ko na para bang nagtataka sa sinabi niya

"Maraming kayang nakakapansin sayo pati mga team mate mo hahah"

"Huh?"pagtanggi ko pa din sa mga sinasabi niya

"Nahahalata kase namin na si Kylie lang talaga ang hindi mo pinapansin sa mga kasamahan natin"

"So kapag hindi pinapansin gusto ko na siya?"

"Nako Cedrick ikaw din baka maunahan ka ng iba alam mo naman na nakapila ang mga manliligaw ni Kylie hahahaha" sagot niya sa akin at nauna na maglakad

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba sa sinabi ni Sam. Bigla na lang akong napa hawak sa dibdib ko dahil parang tinatambol ito

"Shittt ano ba to'ng nararamdaman ko?!"

"May gusto ba talaga ako sa kanya?" bigla ko na lang nasabi pero bigla na langmay kumalabit sa akin sa likod

"Problema mo?!" galit ko'ng sagot sa kumalabit sa akin dahil inistorbo niya ako sa pag iisip.

Pero parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng makita ko si Kylie sa harapan ko at salubong ang kilay.

"Sino'ng kausap mo?! Para kang tanga dyan!"

"Pake mo!" at inirapan ko siya at umalis na lang at pumunta sa gym para sa training

Habang naglalakad ako ay parang tinatambol na naman ang dibdib ko.

SAM POV

Pansin ko na talagang may gusto talaga si Cedrick kay Kylie. Hindi lang ako ang nakakapansin dahil halos buong team ay napapansin iyon.
Dahil simula ng mag training na din si Kylie ay parang ewan kumilos si Cedrick madalas siyang nakatingin kay Kylie  haha noong nakaraan nga ay bigla na lang siyang natamaan ng bola dahil nakatingin na naman siya kay Kylie. Napapansin din namin na palagi niyang sinusungitan si Kylie dahil sa totoo lang ay mabait naman siya sa lahat pero pagdating kay Kylie palagi niya itong sinusungitan. Mukhang in denial pa sya sa nararamdaman niya

Pero sa totoo lang ay suportado ko silang dalawa dahil bagay naman talaga sila. Kinikilig na kaagad ako sa kanilang.

Pero sa dami ng nagkakagusto kay Kylie parang mahihirapan si Cedrick pag nanligaw nga siya

Napapangiti na lang ako kapag naiisip ko ang mga pwedeng mangyayari hahaha. Dahil tamang tama mag kakasama sila sa party yiieeee hahaa

"Ako ang magiging tulay sa pag iibigan nilang dalawa haha" sabi ko na lang dahil gusto ko talaga silang dalawa sa isa't isa ay sure ako na magkakasundo din ang dalawang iyon.

Pero bigla na lang nawala angpag de-day dream ko ng bigla akong may nabunggo

"Hala sorry po talaga" paghingi ko ng paumanhin sa lalaki

"Hindi kasi nag iingat tsssk"

Bigla na lang ako'ng na estatwa ng makita ko ang itsura niya. Ang pogi niya.

Naiwan akong tulala sa pwesto ng lalaki kahit na umalis na siya

"Ang pogi niya" iyon na lang ang nasabi ko habang tulala pa rin

:)

Love at First Hit (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon